Akala.
Akala ko ay ayos na kami ni Vino, dahil naging ok na ang pagsasama namin sa mga nag daang araw, pero ilang linggo na naman ang mga nagdaan, at mas lumala pa ang mga nangyari sa aming dalawa, may mga araw na hindi na siya umuwi dito sa bahay, at halos madurog ang puso ko sa kanya mga pinag gagagawa. Ilang beses akong napatawag sa kanyang mga kaibigan pero hindi naman daw nila kasama si Vino, Dahlia even send me photos of him with Lea na magkasabay na umuwi, i really don't know what to do. This all started after our fight.
Isang gabi ay umuwi siyang lasing.
Ni hindi man lang siya ng paalam kung anong meron, at ginabi siya ng uwi, aakayin ko na sana siya para makipag usap ng mahinahon, ng makita ko ang pulang marka ng lipstick sa kwelyo ng damit na kakahubad niya pa lamang, na muo ang galit sa puso ko kaya di ko napigilan ang pag sabog ng galit ko.
"Vino! Ano to hah?" pigil ang pag sigaw ko habang inaantay ang sagot niya.
"What are you talking about?" maangan niyang sagot.
"Put*ng Ina Vino wag mo akong gawing bata!"
"Rumi lang yan!" dugtong na ang kilay niya ng napatingin sa akin.
"Bullsh*t! Rumi? Puta May babae ka?" galit na galit kong saad
"Shut up! Kung paparatangan mo lang din ako, oh edi sige oo na may babae na ako! Happy?" Galit na galit niyang sagot.
Nanghina ako sa turan niya, yung tipong,. parang proud pa siya na ipangalandakan na may babae siya.
"What's your problem? Bat ka ba nagkaganito Vino?" tanong ko sa kanya na puno ng panlulumo ang aking boses.
"You know what! My Problem is you!" sabay duro niya sa akin.
"Nakakasakal ka! Kung nasaan ako nandoon ka din, para kang buntot kong sunod ng sunod sa akin! Nakakasura!" sigaw niya sa mukha ko na nagbigay ng matinding kirot sa puso ko, Ni minsan sa buhay ko di ko na isip na sasabihin niya ang mga bagay sa iyon sa akin, mabilis ang pag hakbang niya pa labas, at padabog na isinara ang pinto.
Umalingawngaw sa loob ng aming silid ang malakas na pag bagsak ng pintuan, at kasabay noon ang pagbuhos ng sandamakmak na luha na, isa isang dumaloy palabas sa mga mata ko.
Napasalampak ako sa malamig na sahig dahil sa pag iyak at kawalan ng lakas, namuo sa aking isipan ang mga bagay na malapit ng mangyari
Ang tulyang pagka wasak ng binuo kong pamilya, ayaw tanggapin ng utak ko ang bagay na ito kaya pilit kong pinatatag ang aking sarili, iyon ay dahil hindi pa ako handa para sumuko, hindi ko tanggap at hindi ko ko matatanggap na anumang oras ay maaaring sabihin niya sa akin na maghiwalay na kami. Ilang oras ang pag iyak at pagdaramdam na aking ginawa at hindi ko na alam kung ilang balde na kaya ng luha ang tumulo mula sa aking mga mata. Hindi ko na nagawa ang mag hapunan dahil sa nangyari away namin kanina ng mapatingin ako sa orasan ay alas 3 na pala ng umaga, pinilit ko ang aking sarili na tumayo at lumabas ng silid upang hanapin si Vino, ngunit mas lalong nan lumo ang aking damdamin ng hindi ko siya makita sa labas, mabilis ko siyang hinanap sa buong bahay ngunit hindi ko siya nakita, sa sala, sa kusina, sa banyo, ngunit wala ni anino niya dito sa loob. Pinilit kong pigilin ang muli kong pag iyak, dama ko ang animoy bara sa aking lalamunan habang patuloy ang paghahanap sa kanya.
Dahil sa sobrang desperada na ako ay lumabas ako ng bahay nagbabakasakali na sana ay naroon lamang siya nag papahangin sa labas, sa backdoor ako dumaan ngunit wala siya sa likod kaya kahit takot, ay umikot ako sa harapan ng bahay, na nagbigay ng dahilan kung bakit napahagulgol ako at hindi ko na napigilan ang muling pag iyak, literal ang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib, yu g tipong parang piniga piga ang puso mo, wala na ang kotse niya sa garahe, senyales na umalis siya pagkatapos naming mag away, hindi ko na narinig ang kanyang pag alis dahil sa sobrang pag iyak.
Halos magkanda baliw ako sa sobrang pag iisip kung nasaan siya ngayon, kahit nakakahiya man sa kanyang mga kaibigan ay isa isa ko silang tinawagan, umaasang andoon siya namalagi.
Panay ang ring sa kabilang linya, dahil madaling araw na ay malamang na tulog na si Geo ngayon,dalawang pag ring at sinagot niya na din ang tawag.
"H-hello? Geo."
"Hmm? Lea napatawag ka?" halata pa sa boses niyang nagising lang mula sa pagkakatulog.
"Ahm k-kasi itatanong ko lang sana kung anjan ba si Vino?"
"Hah? wala siya dito Jah. Try mo kayna, Andrew baka andun sa kanila."
"Ah ok sige s-salamat, Geo sorry sa istorbo hah."
" Ayos lang, Sige bye Jah."
I turn off the call and try to dial again Andrew's number, three rings at nasagot niya naman agad.
"Hello! D-drew?"
"Hello Jah, why did you call?"
"I-itatanong ko lang sana Drew kung, magkasama ba kayo ngayon ni Vino? Umalis kasi siya kanina pa, hindi pa siya nakakauwi."
"I'm sorry Jah pero hindi kami magkasama ngayon ni Vino, may nangyari ba? Nag away ba kayo?
"A-ah h-hindi naman, Drew, sige na bye bye na. Salamat."
"Okay bye Jah. Kung may problema kayo you can tell me."
"Sige, thank you Drew." I turn off the call upang maiwasan ang mga tanong niya.
Andrew. Kaibigan siya ni Vino, at hindi pa naging kami ay nakilala ko na siya noon pa, parehas kasi kami ng pinasukang school nung high school, kaya mejo close kami, before ay balak niya sana akong ligawan, when i was in college pero that time wala pa sa isip ko ang mag boyfriend kaya hindi ko siya pinayagan, a year after ay nakilala ko si Vino, doon ko napag alaman na magkaibigan pala sila, pinayagan ko si Vino na man ligaw sa akin dahil dama ko na may nararamdam ako para sa kanya, ng nagtapat si Vino sa kanya na may gusto ito sa akin ay hindi naman siya na galit o ano, at nilinaw niya na supportado niya kaming dalawa.
Masyado akong na stress sa pag o-over think kung nasaan ngayon si Vino.
I look at the clock and its 5 in the morning at hindi pa rin siya umuwi. Mas nanlumo ako, at hindi ko na alam ang aking gagawin, napa hilamos ang magkabilaan kong kamay sa aking mukha,dahil walang choice i decided to get up. I will cook for breakfast, tama, baka umuwi siya para mag bihis man lang, magluluto ako para makakain siya ng breakfast pagdating niya.
Simpleng breakfast lang ang niluto, inantay ko siya sa dining table umaasa na umuwi siya para kumain, ngunit lumamig na lang ang aking nilutong pagkain at, kumalam ang aking tiyan ay walang Vino na dumating, muli akong napatingin sa wall clock ng kusina, its 9 in the morning, wala akong lakas para mag punta sa Cafebellah dahil takot akong baka mag init ang ulo niya kapag nakita ako doon.
Ang sakit lang na buntot pala ang turing niya sa akin ang akala ko naman ay ayos lang sa kanya na magkasama kami palagi, yun pala ay nasasakal ko na daw siya, iniyukom ko ang aking mga palad, nasasakal o sabihin na lang natin na hindi na sila nag kikita ng kabit niya kaya na babadtrip na siya sa akin.
Buong araw akong nag antay sa kanya, hanggang sa sumapit na ang gabi ay mataimtim ang dalangin ko na sana ay umuwi na siya.
My feeling got worst when Dahlia texted me na magkasabay daw dumating si Lea at Vino kaninang umaga. Kaya halos kalahati ng araw ko ay binuhos ko sa pag iyak, mugto ang mata kong nag hilamos ng mukha upang kahit papano ay maibsan ng lamig ng tubig ang hapdi nito. Wala man sa tamang pag iisip ay nakapag luto pa rin naman ako ng hapunan.
Mabilis kong narinig ang ugong ng sasakyan na kararating lang mula sa labas, dali dali akong nag lakad papunta sa main door ng bahay para salubungin si Vino.
"My loves, buti umuwi kana." kanda talisod kong sambit habang naglalakad papalapit, pagka kita ko sa kanya. Mabilis ko siyang ni yakap ng mahigpit, at halos maiyak ako dahil akala ko hindi na siya uuwi ng bahay, akmang hahalikan ko na sana siya ng patay malisya siyang umiwas at naglalakad papasok sa aming kwarto.
Muli ko siyang sinundan, at ng makapasok kami at tinanong ko siya,
"Kumain ka na ba? Paghahanda kita, sabay na tayong kumain,"
mabilis akong tumalikod at hindi na inantay ang sagot niya, nagmamadali akong nag punta sa kusina at ihinain ang niluto kong ampalaya at pritong tilapia, siguro nga nababaliw na ako dahil kasing pait ng lasa ng ampalaya, ang naradama kong sakit ngayon pero nagawa ko pa rin ang pagsilbihan siya.
Naupo ako sa upuan at inantay ang kanyang pagdating mahigit isang oras akong naka upo sa harapan ng hapag kainan, halos maubos na ang pag asa ko, ngunit natuwa ang puso ko ng makita siya papalapit na sa kusina.
"Kain na tayo loves." pilit kong ipinasigla ang aking boses.
Hindi siya sumagot at blanko ang ekspresyon ng kanya mukha. Ipinag sandok ko siya ng kanin at nilagyan ng ulam sa kanyang plato, ngunit tahimik pa rin siya hanggang sa mag simula na kaming kumain. Halos di ko malunok ang pagkain kahit pa maayos ko na itong nginunguya.
"I'll be leaving for 3 days, my business meeting ako sa Davao, ikaw na muna ang bahala sa Cafebellah."
Napalunok ako dahil na hindi magandang mga ideya na lumalabas sa isipan ko.
"Kailan? S-sino ang kasama mo?" tanong ko habang deretsang nakatutok sa kanyang mga mata.
"Tomorrow. I'm alone."
"A-are you sure ?"
Hindi na siya muling sumagot pa, at dahil doon ay mas bumigat ang pasaning dala ko sa aking puso. I don't want to over think, pero ang utak ko mismo ang kusang gumagawa ng kung ano anong bagay sa walang humpay ang pag takbo sa aking isipan.
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa pisngi ko, dahan dahan akong bumangon, ng tingnan ko ang aking asawa ay wala na si Vino sa aking tabi, mabilis akong napa tayo at chinneck ang mga gamit niya, umaga pa lang ay nasira na ang araw ko, wala na ang maleta niya, maaga pala siyang umalis, ng hindi man lang nagpaalam sa akin. Pumasok na lamang ako sa banyo at naligo dahil pupunta ako sa Cafebellah ngayon, ako muna ang mag mamanage nito since wala si Vino.
Hindi na ako kumain dahil balak ko sa Cafebellah na lang mag agahan, gusto ko kumain ng pan cake at cookies and cream frappe pampatanggal lang ng stress.
Mabilis akong nakapara ng taxi kaya hindi ako nahirapan sa byahe papunta sa cafe. It's 9 am in the morning ng dumating ako, nakita ko agad si Dahlia sa cashier at sinenyasan ko naman ito agad na sumunod sa akin sa office.
"Is it true na my business meeting sila?" tanong ko kay Dahlia.
"Yes, sa pagkakaalam ko ay mga big investors ang kasama doon."
"What about.."
"Nasa labas, pero day off niya ata bukas at ng papa alam na mag leave ng isang araw pagkatapos ng day off niya." sabat ni Dahlia na nagbigay ng pagdududa sa akin.
"Don't allow her. Wag mo siyang payagan na umabsent."
"Okay i'll do that, makakaasa ka." sagot ni Dahlia at ng lakad na palabas ng opisina.
Iniyukom ko ang aking palad at ramdan ko ang sakit ng aking balat dahil sa pagbaon ng kuko rito. Sana mali ang kutob ko na balak niyang sumunod kay Vino sa Davao. I will not allow her, at kung sakali mang umabsent siya, at least may rason na ako para mapa alis siya sa Cafebellah.
The next becomes busy for all of us tumulong ako sa pag te-take order sa labas dahil naging busy ang mga crew, wala si Lea kaya mejo kulang ako sa tao ngayon, halos di ko na namalayan ang mabilis na pag daan ng oras gabi na akong naka uwi sa bahay at hindi ko na nagawang mag luto ng hapunan, buti na lang at may pinadalang carbonara si Dahlia sa akin, birthday daw kasi ng kapatid niya. Mas na dagdagan pa ang pagod ko dahil sa hindi man lang nag titext ni Vino sa akin. Kahit isang hi ay wala akong natanggap. Pagkatapos kong kumain at maghugas ng pinagkainan ay mabilis akong nakatulog sa sobrang pagod, kinaumagahan ay sa sofa ako nagising, hindi na pala ako naka lipat kagabi kaya mejo sumakit ang likod ko.
Kahit mejo antok pa at masakit ang buong katawan ay wala akong choice kundi ang pumasok sa trabaho, naligo lang ako at nag bihis isang Plain red above the knee dress na hapit na hapit sa kurba ko, at pinarisan ko ito ng skin tone flat shoes. Kapag nag heels kasi ako ay hindi ako makaka galaw ng mabilis.
Pagpasok ko sa Cafebellah ay wala pa masyadong customer. Binalita ni Dahlia na hindi talaga pumasok si Lea, malamang ay sumunod nga siya kay Vino, dahil sa naturang balita, maaga pa ay nasira na ang araw ko. Binuhos ko ang buong maghapon ko sa pagtulong sa mga crew na halos di magkandaugaga sa mga customer dinagsa nanaman kasi kami lalo at out na. Ni hindi ko na namalayan ang oras.
Naglilinis na mga crew para makapag out at ako naman ay inihanda na ang mga gamit ko mauuna na akong uuwi at si Dahlia nalang ang bahala dito.
Pagkarating ko ng bahay ay nasa garahe na ang sasakyan ni Vino. Nagmamadali akong pumasok agad sa loob ng bahay at sa sala ay doon ko siya naabutan umiinom ng alak, mukhang lasing na siya dahil bahagyang naka angat na ang ulo niya sa may sofa.
"Loves? Kanina ka pa ba?" malambing kong usal habang hinahaplos ko ang kanyang mukha pag kuwan ay umupo ako sa kanyang tabi.
Iminulat niya ang kanyang mata at, pagkakita sa akin ay iginiya niya ako papalapit sa kanya, mahigpit niya akong niyakap na parang miss na miss niya ako. Tila may humaplos sa puso ko dahil sa kanyang ginawa, dama ko init ng kanyang katawan. Maya maya pa ay dinig ko na ang mahina niyang pag hilik habang nakayakap na nakatulog sa aking mga bisig.
~JeMaria