Chapter 17

1706 Words
I'll just Breathe. "A Painful battle may be the worst you could ever experience, but that pain will be all worth it if ever you win." Kasalukuyan akong naglalaba ng may narinig akong nag doorbel sa labas, may pagmamadali akong ng lakad papunta sa pintuan na muntik ko ng ika dulas. Ng binuksan ko ang pinto ay tumambad sa akin ang seryosong mukha ni Sheila, may dala dala itong eco bag na sigurado akong pagkain ang laman. Nag ningning ang mata ko ng makita siya at napangiwi naman ang kanyang mukha dahil sa nakita akong nakatingin sa bitbit niyang pagkain. Inabot ko muna ang dala niyang eco bag na ikina dugtong ng kilay niya. "Pasok my friend. Buti napa dalaw ka," biro ko sa kanya. "Ang Laki ng ngiti ah! Basta pagkain talaga eh! Noh?" pang aasar niya sa akin. "Chariz lang! eto naman, sa kusina na tayo bebe Sheila." asar kong balik sa kanya habang naglalakad kami papasok ng bahay. "What are you doing Jah?" she asked. "Eto po madam! Nag lalaba po ngayon ang may bahay ninyo," habang hinahalungkat ko ang laman ng eco bag na dala niya. Umupo siya na dulong upuan ng dining table at pumwesto naman ako sa harapan niya. "Yun oh! I love you na talaga bebe Sheila!" napa kagat ako sa aking labi at napahiyaw ng makita ko sa loob ng eco bag ang banana chips with cheese na noong isang araw ko pa gustong kainin. "Seriously Jah? Banana Chips? I smell something fishy hah!" "Ano ba? Ang sarap kaya neto! Ahm marami ba ang binili mong banana chip? Pwede bang palitan mo yung iba? Banana chips nalang ibigay mo sa akin Pretty please…" paawa ko sabi sa kanya. "Fine! Ipapa hatid ko mamaya kay John!" "Yepi! Thank you so much bebe!" ani ko sabay palakpak. "By the way, where is your husband?" taas kilay niyang saad. "hmm? Nasa works, why?" "Ahm kasi nasa davao kami nung nakaraan." "Malamang may pasalubong ka pangang dala." sarkastiko kong sabat. She slowly held my hand and caressed it. Napalunok ako at unti unting napatingin sa nag aalangan niyang mga mata, sa tingin ko ay alam ko na ang kanyang sasabihin ngunit pilit ko paring hinihiling na mali ang hinala ko. "I saw him with one of his crew." her words are like a bomb in my head, kahit pala inaasahan ko na ay tila bomba pa rin itong sumabog sa sistema ko. "Hmm, dalawa daw ata sila ng punta?" patay malisya kong usal. "No, the other way around, the girl is hugging him." walang preno niya sambit, ng mag salubong ang aming tingin, ay seryoso ang mukha niya at nagpipigil ng galit. I swallowed the lump on my throat, to stop myself from crying. Napayuko ako, tila unti unti bumalatay sa ugat ng puso ko ang sakit na dulot ng mga salita narinig ko, bahagya akong napatulala ngunit mabilis kong pilit na inalis iyon sa isip ko, mahigpit ang hawak ko sa supot ng pagkain kanina ko pa gustong kainin. "I-i k-know." sa mahinang tonong ani ko habang naka tingin sa hawak kong pagkain. Hindi ko magawang salubungin ang kanyang tingin kaya hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya. "Alam mo na? O matagal mo ng alam?" seryosong tanong niya. "A-a m-month ago." "A month ago at wala ka man lang ginawa? Did you try to confront him?" as i met her gaze l saw irritation on her face. "Of Course w-we argue about that once. Pero kasi nagalit siya, at proud na ipangalandakan sa akin na, na may kabit siya." "What the f**k! And you're okay with that? A-are you out of your mind?" "Of Course not. I am trying to win him back. Kaya hindi ko siya inaway k-kasi gusto ko sana ma realize niya na ako ang mahal niya, na sana makonsensya siya sa ginagawa niya." "So martir na ang peg mo ngayon?" nakataas kilay niyang ani. "P-pwede naman diba, subukan ko munang magpaka martir?" "My gosh Jah nababaliw ka na ba?!" Di ako naka imik sa kanyang sinabi. Malakas niyang hinampas ang lamesang kahoy dahil sa galit. "Sa ganda mong yan hinayaan mong saktan ka ng, animal mong mister? I can't believe this!" "Can you please calm down? This is my plan, kaya pwede bang suportahan mo nalang ako She?" Lukot ang mukha kong sinagot si Sheila, habang isa isang nag bagsakan ang mga luha mula sa aking mga mata. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at dahan dahang lumapit sa akin, mahigpit niya akong niyakap, at ipinag pasalamat ko iyon. "Okay, you can try, just make sure, you will win sa larong yan, Okay? Tanging hikib ko lang ang maririnig sa buong kusina. Ilang linggo na ang nagdaan at dama ko sa aking sarili na, mag isa lang akong lumalaban, pero sa simpleng pagyakap ni Sheila sa akin ay nakahanap ako ng kakampi. " And Please Jah, Sana wag kang maubos pagkatapos nito." Higit isang oras din akong umiyak, pag kuwan ay tumayo si Sheila at binigyan ako ng isang baso ng tubig, maagap ko namang inabot iyon at ininom. "Tama na wag kana umiyak! Mukha ka ng bruha!" napangiti ako dahil sa kanyang sinabi niya. "Mas maganda pa rin naman ako sayo kahit mag mukha pa akong bruha." asar kong sabat sa kanya na ikinalaki ng kanyang mata. Dahilan kung bakit mahina niya akong tinapik sa braso. "Grave ka naman sa akin! bawiin ko kaya yang pasalubong ko sayo ha?" giit niya na may paturo turo pa sa pagkain. " Joke, joke, joke! Ikaw naman di ka mabiro, ganda ganda kaya ng bebe girl ko." "Che! makalayas na nga! Mag laba ka na jan hanggang mag sugat yang kamay mo!" "Gaga! Washing gamit ko!" Ngumiti siya at tuluyan ng naglakad palabas ng bahay. Nasa pang huling damit na akong isinampay sa sampayan ng tumunog ang cellphone ko, ng tingnan ko, ay si Dahlia pala ang nag text. May deliveries daw ng cake ngayong 1pm at balak ni Vino ihatid iyon, Busy din kasi ang delivery boy namin sa ibang orders kaya ng presinta ang asawa ko na siya na lang ang maghahatid. It's been 3 months mula ng tumanggap kami ng orders online at masaya ako dahil naka dag dag pa ito sa income namin, marami kaming customers online, halos katulad ng dami ng nag da dine in dito sa cafe, dahil patok ito sa masa, sa panahon ngayon. Pinapapunta ako ni Dahlia sa Cafebellah para sabay naming ihatid ni Vino ang orders. Nag mamadali naman akong nag shower at ng bihis para maabutan ko pa si Vino bago ihatid ang orders. Nasa taxi na ako at halos paliparin na ng driver ang sasaktan dahil sa sinabi kong emergency. Ng maka baba ako sa taxi ay saktong sakto naman sa pag labas ni Vino mula sa main door ng store. "Where are you going, Loves?"tanong ko sa kanya na hindi niya na ikinagulat. "Edidiliver ko lang ito." "Okay, samahan na kita!" kasabay ng pagsagot ko ay ang mabilis kong pag pasok sa passengers sit ng kotse ni hindi ko na inantay ang kanyang sagot. Wala siyang nagawa kundi ang pabayaan na lang ako at pumasok na lang sa loob ng sasakyan. Sa buong biyahe ay tahimik lang ako at pasimpleng sumusulyap sulyap lang sa kanyang mga matang prenteng nakatutok sa kalsada. "Do you know this place?" I asked as I was reading the customer's address. "Ahm, yeah! It's familiar." "Baka couple ang nag order neto. 2 Chocolate Chip Cookie Frappe and 1 tray mango float. Diba?" "I don't know, M-maybe?" patay malisya niyang usal habang naka tutok parin ang mata sa kalsada maya maya pa ay bahagyang bumagal ang kanyang pagpapatakbo, at inihinto niya ang sasakyan sa harapan ng dilaw na apartment. "Just wait for me here, I'll just hand this over." He left me in the car without even waiting for me to answer him. Nag mamadali siyang ng lakad papasok sa loob ng mga dikit dikit na apartment, kulay dilaw ang pintura noon at halatang bago pa ang kulay nito, malinis din ang paligid at may second floor pa, siguro nasa 10 kwarto lahat mula sa taas hanggang sa baba, bawat kwarto ay may aircon at halatang mahal ang renta dito. Hindi ko alam kung ano ang meron pero iba ang kutob ko, kahit pilit kong inaalis sa aking isipan ang naturang kutob ay, kusang gumalaw ang aking mga paa, at dahan dahan bumaba sa sasakyan para sundan ang daan tinungo ni Vino, bigla ang pag bilis ng t***k ng puso ko na halos lumabas na sa dibdib ko habang naglalakad papalapit sa saradong gate ng apartment , dahil tanaw sa kalahati ng gate ang loob nito ay bahagya akong tumingkayad para makita kung ano ang nasa loob ng kabilang parte ng gate. Sa pagsilip ko ay nakita ng dalawang mga mata ko si Vino, na nakatayo sa pangatlong pintuan sa kanang parte ng dilaw na apartment, habang dala dala niya ang supot ng pagkain ay, yakap yakap siya ng nakangiting babaeng, sa pigura pa lang ay alam ko na kung sino. Biglang nilukob ng sakit ang dibdib ko, muling bumalatay sa mga ugat ko ang kirot na tila naging dahilan upang panandalian akong mabingi at mapatulala, hindi ako nakagalaw, at halos tumigil sa pagproseso ang utak ko, hanggang sa unti unting bumilis ang mga paghinga ko, humigpit ang kapit ko sa gate, at namuo ang mga luha sa aking mga mata. At sa pagkakataong iyon ay nakadama ako ng pagkatalo, pagkatalo sa labang ipinangako kong ipapanalo. Bago pa man nila ako makita ay tumalikod ako habang mabigat ang dibdib na mabilis na naglakad papalayo sa kanilang dalawa, Pilit kong nilunok ang bara sa aking lalamunan. "No! I can't. I can't stop, I won't stop that easily!" Madiin kong pinahid sa aking palad ang mga luhang naglaglagan mula sa aking mga mata. Hindi ko pa yata kaya sumuko, kahit isa itong malaking sampal sa mukha ko ay hindi pa ako handang sukuan siya. "I'll just breathe." Hihinga lang ako, kasi ang sakit na, ang sakit sakit na, Patuloy parin ang pag hakbang ng mga paa ko hanggang sa tuluyan na akong naka layo, naka layo taong nagbibigay ng sakit sa puso ko. ~JeMaria
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD