"In good times, In bad times."
"Being a wife is like being a warrior, you'll fight for what you own, and what you deserve."
Malayo layo rin ang lakad ko bago ko naisipang pumara ng masasakyan, nakapag desisyon ako na dumiretso na lang kay mama at papa.
I didn't expect na magiging ganito ka sira ang araw ko ngayon, excited pa ako kanina kasi sabay kami ni Vino na mag dedeliver ng orders, makakapag bonding kami kahit papaano, pero iba ang bungad nito sa akin, iba ang balik sa kaligayahan ko.
Ng makapara na ako ng taxi ay nagpahatid agad ako sa sementeryo, malayo layo pa ito dito sa lugar kung nasaan ako ngayon, aabot ng 30 minutes ang byahe, gusto ko sanang ipanatag ang aking kalooban ngunit panay ang takbo ng sa isip ko ng mga bagay na nakita ko kanina.
I was overthinking, kung ano na ba ang ginagawa nila ngayon sa mga oras na ito? Nalaman kaya ni Vino na wala na ako? I'm sure he is happy, dahil magagawa na nila ang lahat ng gusto nila. Dahil umalis na ako. Wala ng asungot.
Tirik na ang sikat ng araw ng dumating ako sa mismong sementeryo kung saan nakalibing ang aking mga magulang, pagkababa ko sa taxi ay mabilis akong naglakad papasok ng sementeryo. Sobrang init. Dama ko sa aking balat ang masakit na sikat ng araw,malalaki ang aking hakbang papunta sa pwesto ni na Nanay at tatay, buti na lang at may punong sumisilong sa pwesto naila.
Ng malapit na ako sa kanila ay natuwa ang aking isipan, it's been a long time, Nay, Tay. Masyadong naging busy sa problema ang anak niyo kaya hindi ko na kayo nadalaw. I smile sadly.
Kakaupo ko lang sa damuhan at hindi pa nagbabalik ang normal kong paghinga dahil sa mabilis na paglalakad, idagdag mo pa ang nangyari kanina.
Naka upo ako sa damuhan, sa silong ng isang malaking puno ng narra. Ipinikit ko ang aking mga mata at unti unting dinama ang malamig, at sariwang simoy ng hangin na tumatama sa aking balat.
Tahimik. Kalmado. Maaliwalas ang paligid.
"Nay. Tay."
Sambit ko sa harapan ng puntod aking mga magulang. I came here with a heavy heart, hoping that they can ease the pain I'm feeling inside. Ang mga nagdaang araw sa buhay ko ay mabigat pa sa inaakala ko, kahit pala ilang beses mong sabihin sa sarili mo na kaya mo ang sakit. Still it will hurt. And the pain is still unbearable. Kahit na sabihin mong manhid ka na, masasaktan at masasaktan ka parin nila.
Hindi ko na talaga alam kung kakayanin ko pang kumapit sa pinaglalaban ko, konting tulak na lang ay mabubuwag na ang pundasyon ng binuo ko para ilaban ang relasyon namin ng asawa ko.
Kapag pala sinabing, "kasal" hindi lang pala palaging masaya, sa kasal mo na matatamasa ang lahat ng sakit na hindi mo inakala na maramdaman mo, ang pagtitiis na hindi mo inakala na kakayanin mo, at ang paglunok sa pride na matagal mong iningatan. Marriage is like getting through a storm. "The happiness you feel won't be worth it if you can't surpass it."
Being a wife is like being a warrior, you'll fight for what you own, and what you deserve." And in spite of all the effort you exerted for them, sometimes you will still end up being disappointed.
Ang malamyos na simoy ng sariwang hangin ay patuloy na dumadampi sa aking balat, deretso ang tingin ko sa kawalan, at kahit papaano sa ilang segundo ay nadama ko ang kapayapaan.
Ngayon tuloy ako napaisip, ganito din kaya si nanay at tatay noon? Nag tiis din kaya c nana? Dahil kay tatay? Who knows diba? You will never know what is going on in a relationship, especially when you are not living with them, kasi yung nakikita mo lang yung magandang bagay sa kanila, iyon lang ang dinidisplay nila sa harap ng ibang tao, pero yung mga away, at dahilan ng pag aaway nila hindi mo makikita.
Kaya nga siguro may iba na nagugulat ka nalang nag hihiwalay na akala mo smooth yung takbo ng relasyon nila pero sa loob ng bahay, may nasasaktan na pala at ng titiis.
Noon akala ko kapag pina kasalan ko na yung taong hiniling kong para sa akin ay magiging masaya na ang buhay, makakaligtas na ako sa sakit, kasi yung taong yun ay poprotektahan ako sa sakit. I thought Vino would never hurt me, pero sabi nga nila. "There are things you never thought he could do,but he did."
Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin, gusto ko maiyak at humagulgol pero hindi ko magawa. Are my eyes tired from crying? Baka dehydrated na ako kaya wala ng lumabas, maka inom nga ng tubig mamaya, ng maka iyak ako ulit!
"Nay… Tay… Bat niyo kasi ako iniwan agad? Sana Tay nandito ka ngayon para habulin si Vino ng sundang, kasi sinasaktan niya ako."
Hinaplos ko ang puting lapida ni Nanay at Tatay. Nasa isang libingan lang kasi sila.
"Pwede ba? Pwede po bang dalawin niyo si Vino sa panaginip? Pagalitan niyo siya please, takutin niyo siya at sabihing wag akong sasaktan. At iiwan. K-kasi kaya ko naman yung sakit eh, a-ang hindi ko kaya iyong mawala siya sa akin. B-baka ikamatay ko, kapag iniwan niya ako."
Maya maya pa ay hinaplos ako ng malamig na hangin sa aking mukha
Biglang nadama ko unti unti ang pagsikip ng dibdib ko, pati ang mariing pag bara ng kung ano sa aking lalamunan. Unti unti ay nag laglagan ang mga luha sa aking mga mata. Tinakpan ko ng isa kong palad ang aking mga mata. Ngunit hindi ito tumigil. May mga bagay na hindi natin kayang pigilin, sa patuloy na pag iyak ay napayuko ako sa aking mga binti, at doon binuhos ang mga luha ko. Ilang minuto din ako sa ganoong posisyon hanggang sa di ko namalayan naka idlip na pala ako.
Sa pagdilat ng aking mga nata ay ganoon pa rin ang paligid. Maaliwalas, konti lang ang tao sa loob ng sementeryo, buti na lang ay nasa ilalim ako ng punong Narra kaya kahit tirik na tirik pa rin ang araw ay hindi ako naiinitan. Napa hilot ako sa aking sintido dahil sa bigla ang pag sakit nito. Bahagya muna akong huminga ng hangin upang ikalma ang aking sistema. Hinanap ko ang aking cellphone sa dala kong sling bag, ng makita ko ito ay may 5 missed calls si Mama Janna. Ang nanay ni Vino. Mama Janna is an amazing woman mahal na mahal niya ako at dama ko iyon sa pag aalaga niya sa akin. Kahit wala na si Nanay maswerte ako dahil kahit papaano ay nandyan ang Mama ni Vino na hindi pumapalya sa pagpapadama sa akin na mahal niya ako at parte na ako ng pamilya.
I don't know kung bakit tumawag ang mama ni Vino. Bigla akong nataranta, kaya dali dali akong tumayo upang makauwi, nakakailang hakbang pa lamang ako ng biglang umikot ang aking paningin, napahawak ako sa aking ulo, pilit na pina pakalma ang aking sarili, ilang pagbuga ng hangin ang aking ginawa upang maibalik ang aking ulirat ngunit mas lumala pa ang hilong aking nadama, kahit anong pigil na hindi mapa pikit ay unti unting nagdilim ang aking paningin.
"You're awake!"
Ang unang salita na bumungad sa akin ng idilat ko ang aking mga mata.
Takang napatingin ako sa lalaking nasa aking harap, bahagyang naka ngiti ang manipis nitong labi at prenting nakatingin sa aking mukha ang singkit nitong mga mata.
~JeMaria