Please Save Me. Ng masing ako ay hindi ko pa rin makita ang paligid, nakahiga ako sa malamig at matigas na semento, mahigpit ang pagkaka piring sa aking mga mata, rumaragasa ang kaba sa aking dibdib, daan daang mga kabayo ang tila nagtatakbuhan sa sobrang bilis ng pagtibok nito, kung pwede pa lang ay maaaring lumuwa ang puso ko mula sa aking katawan dahil sa bawat pagdagundong ng t***k nito. Mabigat ang aking buong katawan tila na bugbug ako dahil nawalan ako ng lakas, nabalot ako ng lubusang pag aalala para sa sanggol sa aking sinapupunan. Ramdam ko ang paghapdi ng aking pulsuhan, sanhi ng mahigpit na pagkakatali ng pisi dito, pinilit kong maka upo ngunit hindi ko kaya, nanghihina ang aking katawan, ng maigalaw kong bahagya ang aking paa ay narinig ko ang pag kansing ng kung anong ba

