Rainbow. Paglabas ko sa loob ng restroom ay agad na tumambad sa akin ang dalawang taong hindi ko ninais na makitang magkasama. Mas bumigat ang aking nararamdaman, nakatuon ang aking mga mata sa kanilang dalawa. Dama ko ang bilang pagbara ng kung ako sa aking lalamunan. Si Lea at Vino na magkahawak ang mga kamay, dahil sa halo halong emosyon, galit, panlulumo, pagkadismaya, at walang humpay na paninikip at pagsakit ng aking dibdib, walang pag aalinlangan kong inilihis ang aking paningin sa ibang direksyon. The sight of them together irritates me a lot. Nakaka tubo ng sungay. Mabilis akong humakbang at tumungo sa entrance ng fast food restaurant, mabilis, at malalaki ang aking bawat paghakbang ng aking mga paa, hanggang sa makaabot ako sa aking destinasyon—ang main entrance ng mall. Buo

