Chapter 3-f*******n Kiss

3729 Words
Hinayaan ko na lamang mag moment ng kanya-kanya ang mga kuya ko. Naglakad-lakad na lamang ako sa dalampasigan para malibang dahil maiinggit lang ako kung makikita ko silang naglalampungan sa harap ko. Si kuya Liam with ate Eira and kuya Zin and ate Alliah. Alam ko kahit hindi sila magsalita nakikita ko kina kuya kung paano nila titigan ang kanilang bestfriend. Unlike me, ako lang naman yung tumititig. Napapabuntong hininga nalang ako kapag naiisip na one sided lang yung case ko. “Ang lalim non ah?” Ha? Napakislot ako bigla dahil may isang nilalang na sumulpot galing kung saan. “Sabi ko, ang lalim ng buntong hininga mo” sabay ngiti nito. Masasabi kong gwapo ito at charismatic. Sakto lang yung tangos ng ilong, makapal ang mga kilay at manly talaga ang appearance. “You okey? Alam kong gwapo ako kaya libring titig okey lang” sabay ngiti nito na lumabas ang mga pantay at mapuputi nitong ngipin. Kilala ba kita? Balik kung tanong dito kasi medyo mahangin ang dating sa akin ng kanyan sinabi. “Oh sorry, I am Zedrick by the way. You can call me Zed”. Sabi nito na medyo napahiyang tuno sabay abot ng kanyang palad. Zia. . maikli kong turan. Oo ngat gwapo ito pero hindi niya ito type. Medyo may pagpa mahangin ito. “Kasama ka ba nina Jazter? “ tanong nito. Ah oo, kami yung umaakupa jan sa resort as of now. Kilala mo si Jaz? Curious naman na tanong ko. Basta Jaz talaga parang magic word sa akin. +1000 points ka sa akin pagkilala mo ang aking bestfriend. “Oo, kilala ko ang parents nila. We actually own this place”. Sabi naman nito. Oh wow. .You have a nice place. Sabi ko naman kasi medjo natarayan ko sya sa attitude ko kanina. “Bakit pala mag isa ka lang na naglalakad lakad dito?” tanong naman nito. Pakiramdam ko naman ay hindi sya masamang nilalang kaya medjo na at ease ako makipag-usap. Ahm nagpapahangin lang medjo na bored lang ako sa loob ng cottage kaya naisipan kong maglakad-lakad. Sabi ko naman. Sa totoo lang kasi wala talaga ako sa mood makipag maritesan ngayon kahit kanino dahil shock parin ako sa nakita ko kina kuya Liam at kuya Zin. Asan na kaya yung magaling kong bestfriend? Hay naku baka nga naghanap hanap na ng chicks yun! Kakainis! “Gusto mo e tour kita sa buong resort? Saka siguro magpalit ka muna ng suot mo kasi masyado kang sexy ayaw kong makipag basag ulo kapag may nambastos sayo ditto sa paligid ligid. Genuine naman ang pagkakasabi nito medjo kinilig naman ako don saka natuwa ako bigla kasi maliban kina ate Eira at Ate Alliah siya palang ang nakapagsabi ng sexy ako. Kung galing sana yun kay Jaz mas nakakatuwa kaso baka e bully lang din ako non. Hay naku! Sige salamat pero next time nalang siguro Zedrick kasi babalik muna ako sa cottage. See you around pasensya ka na ha?. Wala kasi talaga ako sa mood na makipag-usap. I don’t know why. Parang may gusto akong gawin for now. “Ah, sige. .sayang naman gusto sana kitang e libot dito sa buong resort. See you around then?” sabi na lamang nito pero nababakas ang pagka disappoint sa mukha nito. Pasensya ka na ha? Baka kasi napagod ako sa byahe namin kaya medjo tamad ako ngayon. Half-truth naman yung sinabi ko. “You don’t need to explain Zia, It’s okey alam kong malayo pa ang pinanggalingan nyo. I’ll just see you around then. Nice to meet you!” sabi naman nito. Habang binabaybay ko ang pathway papunta sa cottage naming ay nahagip naman ng mata ko si Jaz. Hayun! Ang hinayupak kung bestfriend nakikipag landian na naman habang binibida ang kanyang pandesal! Kakaasar talaga! Nababadtrip na ako sa nakikita ko! Ang sakit nila sa mata! Kanina sina Kuya Liam at Kuya Zin with their bestfriend tapos ngayon naman itong magaling kong bestfriend! Hay naku! Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad pabalik sa cottage ngunit napadako ang tingin ko sa isang counter stand may bartender na abala sa pagmimix ng drinks. Naingganyo akong puntahan dahil na rin sa mga nakita ko. Wala naman sigurong masama kung iinom ako. Malapit lang naman yung cottage. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa. Ngumiti naman sa akin ang barista na kasalukuyang busy sa pagmimix ng drinks. “Yes beautiful lady? Ano ho ang sa inyo?.” Nakangiting tanong nito. Ahm may Peachy Keen or Negroni ho kayo? Tanong ko naman. Actually hindi ko pa na tatry ang mga yan. Nerekomenda lang sa akin ni ate Eira dahil si ate Eira party girl maraming alam sa mga wine at ladies drink. “Hindi na po available yung Peachy Keen ma’am pero yung Negroni meron po”. Sabi naman nito. Sige po yun nalang po saka pa add po ng medjo konteng punch kuya. Habang nag hihintay ng aking order ay naisipan kong mag open ng aking social media account. Matagal tagal ko na ring di na oopen ang t****k account ko. Puro kasi ako IG. Nanood nood lang ako ng mga t****k video saka ko naisipang e search ang “try to kiss my best friend” sa t****k. Gosh! Ang dami pala. “One Negroni with extra punch for you ma’am”. Saad nito. Thank you po. Naglakadlakad na ako habang iniinom ang aking drink. Matapang pala! Ramdam ko yung guhit sa sikmura. Naku! First time ko pa naman to. Nanood pa ako ng ilan pang videos sa t****k. Matagal na rin palang hindi ko ito nabubuksan 3 months na pala. Hindi ko alam kung dala ng napapanood ko sa t****k o sa tama ng Negroni pero para akong biglang sinapian ng lakas ng loob. What if e try ko na tong t****k challenge na ito? Ilang lingo ko na tong pinaplano pero di parin ma tuloy tuloy. Bahala na siguro kung anong kalalabasan ng gagawin ko. Nakaka inggit kasi, napaka unfair naman ni kupido! Sina kuya nagkaroon ng mga love life sa katauhan ng mga bestfriend nila, samantalang ako, nahulog sa bestfriend ko na sure akong 100% hindi sasaluhin ang feelings ko. Ang saklap! Siguro it’s time for me to let out of this b*llsh*t feelings. Masyado na akong nabibigatan. Gusto kong e preserved yung friendship namin kaya tinitiis ko pero kasi, ayaw kong habang buhay ay ganito nalang ako. Sabi nga nila, Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. I have decided! Bumalik ulit ako sa bar counter at umorder ulit ng isa pang Negroni This time, times 4 alcohol na ang pinadagdag ko. Kailangan ko ng lakas ng loob para sa gawin ang lintik na challenge na ito. “Mukhang gusto mong maglasing ma’am ah” puna naman ng barista sa akin. Hindi ho, na mis ko lang ho uminom. Pero ang totoo di ko pa talaga ana try uminom ng ganto ka tapang ang alcohol. Lintik! Wrong decision yata yung times 4 ah. Dapat pala neutral lang! medjo tinamaan ako dahil pagtayo ko medjo may konteng hilo na. Ngunit straight pa naman ang paningin ko kaya sure akong kaya ko pang tumayo. Hinanap naman ng mga mata ko ang magaling kung bestfriend. Nagpalinga-linga ako at hayon nakita ko si bestfriend! Yari ka sakin ngayon Jazter Cas! Mukha nga yatang may tama na ako wala na akong kabang nararamdaman! Good choice pala ang Negroni napapangiti ako sa aking naiisip. Ano kaya ang magiging reaction niya sa gagawin ko? Oi bess! Mukhang nakarami ka ng chicks today ah! Sumenyas naman ito na may ka video call siya. Sino kaya ang ka video call nito ni kumag! “Well, if you want to come here, I’ll fetch you then.” Sabi nito. Naka airpods pa ito. Binuksan ko naman ang aking t****k account at hinanap ko ang song na ginamit sa challenge na gagawin ko. Don't stay awake for too long, don't go to bed I'll make a cup of coffee for your head It'll get you up and going out of bed Yeah, I don't wanna fall asleep, I don't wanna pass away I been thinking of our future, cause I'll never see those days I don't know why this has happened, but I probably deserve it I tried to do my best, but you know that I'm not perfect I been praying for forgiveness, you've been praying for my health When I leave this Earth, hoping you'll find someone else Cause, yeah, we still young, there's so much we haven't done Getting married, start a family, watch your husband with his son Bess! Halika lang! tayo ka dito! Pwenesto ko naman ang aking phone sa saktong kita ang full body namin. Wala na akong paki kung naka swim suit parin ako basta ngayon ko na gagawin tong challenge na to. Meron parin itong kausap sa phone at nakikipag video call. Sinilip ko ang kanyang kausap mukhang ang aliwalas ng mukha nito habang nakikipag usap sa kung sino man ang kanyang ka video call. Hindi ko maaninag parang medjo naduduling na ako e. Medjo may tama na yata ako ng ininom ko. Napapangiti naman ako sa aking plano. “Wait lang ga ha? Don’t hang up”. . narinig kong sabi nito. Sino kaya yung ga? Parang wala naman syang friend na “Ga” ang pangalan ah? Kilala ko ang circle of friends ni Jaz mula pa ng bata pa kami. Baka may iba na siguro siyang mga kaibigan na di ko kilala. Ipinagkibit balikat ko nalang ang aking naisip. “ano ba yan bess?” Tanong nito. Habang sumisilip sa phone ko. Tiktok tayo bess! Sabi ko naman habang nakangiti. “Teka? Anyare sayo? Bat ganyan itsura mo? Namumula pisngi mo? Uminom ka ba Zia?!” sunod-sunod na tanong nito. Hindi ah! Konte lang! wala ngang tama e! ang ingay mo naman! Chill ka lang ako lang to! sabi ko naman. “ano ba yang t****k t****k na yan? “ tanong naman nito habang napapailing-iling. Nag play ulit ang song. . Don't stay awake for too long, don't go to bed I'll make a cup of coffee for your head It'll get you up and going out of bed (ayy, yeah) I'm happy that you here with me, I'm sorry if I tear up When me and you were younger, you would always make me cheer up Taking goofy videos and walking through the park You would jump into my arms every time you heard a bark Cuddle in your sheets, sing me sound asleep and sneak out through your kitchen at exactly 1:03 Sundays, went to church, on Mondays, watched a movie Soon you'll be alone, sorry that you have to lose me Tinitigan ko sya ng mariin at kinawit ang aking mga braso sa kanyang leeg. “Ahmm. . what are you doing bess?” tanong nito ngunit bago pa siya maka huma ay hinalikan ko siya sa labi kahit na matangkad sya sa akin boom! It’s a success! Nagawa ko! I did it! Yes! Parang baliw kong sabi. Ngunit kung ako ay malawak ang ngiti, Siya naman ay biglang dumilim ang mukha sabay tingin sa kanyang ka video call andon pa pala ang kanyang kausap. I know exactly who she is. It’s Kyline ang isa sa mga classmate ko na hottie. “Ano sa tingin mo ang ginawa mo Zia?” Mahinahon ngunit mariin. Naramdaman ko ang lamig ng titig ni Jaz sa akin unti-unting na palis ang ngiti na kanina lang ay namutawi sa akin. Sorry bess it’s just a t****k challenge and I just try it. Kagat labi ko naman sinabi lumingon naman siya sa camera na kasalukuyang naka live. “Is this live?!” pagalit na sabi niya. Yeah. Sagot ko naman sabay pinindot ko ang end button nakaramdam ako ng kakaibang kaba dahil sa ginawa ko. “I’m sorry ga! I will explain, don’t end this call. I don’t know what happen but she seems drunk and did the challenge”. Sabi naman nito sa kausap habang naglalakad palayo. Habang ako naman ay naiwan na parang lutang. Hindi ko alam kung anong klaseng espiritu ang sumapi sa akin at ganon na lamang ang lakas ng loob ko. Nakakalakas pala ng loob ang Negroni sa isip isip ko. Bumalik na lamang ako sa cottage dahil nakakaramdam na ako ng hilo. Bahala na bukas! Bukas nalang ako magsosorry kapag nakita ko si Jaz. It’s just a challenge. Problema na nya yun kung magalit sya. Bigla naman akong nakaramdam ng kirot dahil isa lang ang ibig sabihin ng hindi pag response ni Jaz sa kiss ko. Wala talagang pag-asa. At isa lang ang ibig sabihin non, kailangan kong e deny ang feelings ko until the end. Sasabihin ko nalang na challenge lang naman yun at walang meaning. Sabay papatayin ko nalang ang feelings ang nararamdaman ko para kay Jaz. Sa reaction nya kasi kanina, halata naman na nagalit sya. I just go straight to the bed. Habang patulog ako ay narinig ko pang tinatawag ako nina ate Eira pero di na masyadong clear dahil hinihila na ako ng antok. “Zey! Zey! Naku! Lagot viral na sa buong mundo ginawa mo! “. . yun lang tanging narinig ko at hinila na ako ng antok. Kinabukasan ay maaga akong nagising tiningnan ko ang aking phone at nakita kong 5 am pa lang. Bigla ko nalang naalala ang aking ginawa kagabi! Oh my gosh! Nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang aking t****k account. Buti nalang tulog pa sina ate Eira at ate Alliah. To my surprised, umabot na ng 20k watch at 1.7k comments ang ginawa ko. And still counting. Ang daming nag comment. Hindi ko alam anong gagawin ko. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa mga nakita ko. May mga comments doon na tinatag si Kyline Vicente yung classmate ko noong college na ka batch ko rin. @shin_01: Naku @KylineVicente friend inahas na ni besfriend jowa mo! Gusto mo resbakan natin? @tatooX: Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang mga girl bestfriend @AndreaZ: baka naman naisipan lang ni beshie yung challenge? Diba uso naman yun ngayon? @Brendz005: Hala! Di lang ako makapaniwala! Yung kaklase mong subrang tahimik sa batch at napaka bait may tinatago palang ka “L”. . Lolz! Marami pa akong nabasang kung ano-anong comments pero di ko na kayang tingnan at basahin. Karamihan kasi ng nag comment ay pang babash na. Kesyo malandi ako, ahas, hindutin at marami pang iba. Biglang numuo ang luha ko. Subrang mix emotion. Ngayon palang pinagsisisihan ko na ang ginawa ko kagabi pati ang paggawa ng challenge na yun! Bakit ko kasi ginawa? Kasalanan to ng Negroni! Parang gusto ko ng matunaw sa kahihiyan. This is not what I want to happen. Naisip ko tuloy, paano ako lalabas. Alas singko na ng umaga medjo nagliliwanag na pero parang gusto kung hilahin pabalik yung oras at wag ng ituloy ang paginom ng lintik na Negroni na yun! Pumunta ako sa banyo at naligo na lamang. Hindi ko ininda ang lamig ng tubig kahit hindi ko nai on ang heater nito. Parang gusto ko nalang lunurin sarili ko kesa lumabas at makita si Jaz. Mga isang oras siguro akong nagbabad. Pagtingin ko sa salamin ay nagulat ako sa aking itsura. Mukha akong Zoombie ang mga labi ko ay medjo violet na dahil sa lamig. Ano ba yan! Ano bang gagawin ko. Jaz, I’m sorry. .It’s just a t****k challenge. Tama bang sabihin ko yun? Mukha akong guilty. Jaz, I just saw a t****k challenge “kiss your bestfriend” I just try it. . No! No! It will sounds like an excuse. Hayzzz! Ano bang sasabihin ko napasabunot nalang ako sa aking buhok. Paano ba ako magsosorry. Hindi ko na talaga susubukang uminom ng Negroni na yan I swear! Pahamak sa buhay! Lumabas na ako ng banyo at muntik na akong magitla dahil nabungaran ko si ate Eira at ate Alliah na mukhang inabangan talaga ang paglabas ko ng banyo. “Oh my gosh Zey! You really did it!” Bulalas agad ni ate Eira. “Naku Zey viral na yung ginawa mo kahapon kay Jaz. “ sabi naman ni ate Alliah. Mga ateng, tulungan nyo naman ako, hindi ko alam gagawin ko. Galit sa akin si Jaz. Nakatapis pa ako ng tuwalya at naka 10 degrees ang aircon pero para akong walang nararamdamang lamig. “Naku Zey, di lang yan ang dapat nating problemahin, ito palang si Jaz ay may girlfriend na. Hindi ko naman alam dear. Kung alam ko lang na sila na ni Kyline hindi na ako nagsuggest ng challenge-challenge na yan sayo. I’m so sorry talaga bebe Zey!” sabi naman ni ate Eira. Nakikita ko na seryuso siya at halos mangiyak-ngiyak na. Tinatagan ko lang ang loob ko. It’s okey ate, wala naman akong dapat sisihin sa nangyari. Choice ko yun ate kaya I’m fine. Pero ang totoo talaga nanghihina ang tuhod ko at hindi talaga ako fine. Ano nalang ang sasabihin ng mga friends namin pag nakita nila ang ginawa ko sa t****k? Saka ko naalala, kailangan kong burahin ang t****k live ko na iyon bago pa Makita ng mas marami. Sana lang hindi pa ito nakikita nina tito Sam at tita Georgette pati nina mommy at daddy. Kung sina kuya lang kaya pang pagtakpan. Nakakahiya kung makikita nina Mommy at daddy ganon din nina tito Sam at tita Georgette ang ginawa ko sa Unico Hijo nila. Sana lang talaga malakas ako sa langit, wag sanang makarating ang nangyari kahapon sa kanila. Hindi ko kayang tanggapin ang sasabihin nila sa akin kong saka-sakali. Nakakahiya sa family namin. “We’re just here Zey, e explain nalang natin kung saka-sakali. Ang magiging problem natin is yung girlfriend ni Jaz. Baka mag-away sila or magalit talaga ng tuluyan sayo si jaz”. Sabi naman ni ate Alliah. Yun na nga ate, Hindi ko alam kung paano magsosorry. Parang gusto ko tuloy sisihin yung Negroni sa nangyari! Hay naku! Malay ko bang nakakalasing yun at nakakalakas ng loob. Sabi ko naman. Mariin naman akong tinitigan ni ate Eira. Saka ko lang na realize ang sinabi ko. Bigla namang sumungaw ang ngiti na nakakaluko ni ate Eira. “Sabi ko na nga ba e! Tama ang hinala ko sis! May tama ka nga sa bestfriend ko. Biglang lumakas loob mo! Wow!” sabay tawa nito ng nakakaluko. Wala na! bistado na ako. Mag dedeny pa ba ako? Pero mas pinili ko paring mag deny talaga! Di ako aamin! Promise! Oo nga ate, nakakalakas ng loob gumawa ng bagay-bagay pero hindi naman kagaya ng iniisip mo pag-iiba ko naman ng topic. “Bakit Zey? Ano ba ang iniisip ko? “ sabay ngiti ni ate Eira na may panunuri. Ano ba naman tong si ate Eira! Ayaw tumigil. Eh kung anong iniisip mo ate. Saka ginawa ko lang yun dahil para sa aking bestfriend lang kami. Naku minus 1000 points na ako sa langit nito sa pagiging sinungaling ko. “weah di nga Zey? Talaga ba? Nakita naming lahat yung t****k live mo. Mukhang hindi lang challenge mismo ginawa mo, parang totoong-totoo ha”. Panggagatong naman ni ate Alliah. “Oo nga Zey!di ko alam expert ka pala manghalik”. Sabay hagalpak ni ate Eira. Parang mababaliw na ako dito sa dalawa kong kasama. Yung tipong need mo ng tulong pero pinagtulungan ka pang ma stress. Teka nga muna, dapat hindi ako yung nag eexplain e, dapat kayung dalawa ate Eira at ate Alliah, what did I just saw yesterday with my kuyas ha? Di ko alam may mga tinatago kayo sa akin. Bigla namang nagsi tunguan ang dalawa. Mukhang na guilty naman ang mga hitsura. I really just want to divert the conversation to them dahil ginigisa nila akong dalawa. Sa totoo lang wala namang problema sa akin kung sila ang makakatuluyan ng mga kuyas ko. Since kilala ko na sila at parang family na namin sila. “I’m sorry Zey, it’s just happen. . the you know, It’s not me! It’s Liam! Sya naman tong nanghalik! I don’t know what he is frying for and I never heard anything after that. Bahala sya sa buhay nya”. Sabi naman ni ate Eira. “Me and Zin, we have nothing Zey. He even went out with other girls last night. I don’t want to put any colors on what happen yesterday”. Sagot naman ni ate Alliah. Well, I will be glad if you both will be my real ate in the future you know. Sabi ko nman habang nakangiti. Success naman ang pagsisinungalin ko about what happen yesterday. Maaga pa pero deep inside na eestress na ako. Gusto kong kausapin si Jaz. Gusto kong e explain ang kasinungalingan ko. My gosh! Sana lang talaga paniwalaan nya. I went out of the cottage. It’s already 7 am at gising naman na siguro sina Jaz I went straight to their cottage. Namataan ko naman sina Kuya Bryan, kuya Zin at Kuya Liam na nagkakape sa labas ng cottage nila at di ko makita si Jaz asan kaya yun? Baka tulog pa. Parang gusto kong bumalik nalang ano kayang sasabihin nina kuya. Patay ako nito. They saw me, and it’s too late to turn my back. “Hey! Little sister! Morning-ning! Ang aga mo gumising ah!” Bati naman ni Kuya Liam. Mukhang nasa mood ang mga kuya ko ah. Mukha din wala pa silang alam sa nangyari between me and Jaz pero si Kuya Bryan mariing nakatitig sa akin na parang sinusuri ang kilos ko tapos medyo nakangiti ng nakakaluko. Mukhang red flag na ako kay kuya Bryan. “Si Jaz ba hinahanap mo sister? Umuwi sya kagabi, may importanteng aayusin daw. May sasabihin ka ba sa kanya?” sabi ni Kuya Bryan. Napatungo naman ako. Umalis na pala si Jaz. Paano na? Gusto ko sanang mag explain habang andito pa kami sa Batangas para maayos na. Parang di ko na sya kayang harapin kung tatagal pa ito. Baka lalong masira ang friendship namin. Ganon po ba, Sige po thank you. May sasabihin lang sana ako. Bye mga Kuyz! Sabi ko nalang. “Bye sister! Regards mo nalang kami sa mga bestfriend namin.” Sabi naman ni Kuya Zin. Mabibigat ang hakbang ko pabalik ng cottage. Anong nalang mangyayari. Stress na ako. Yung kabog ng dibdib ko grabe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD