Cheska's POV
Lumabas agad nang kwarto si Ziana pagkadating ni Klyde. Tinignan pa ako ng bestfriend ko bago lumabas, para bang sinasabi niya na 'hindi pa tayo tapos'. Alam kong sumama ang loob niya sa nalaman niya.
Nangako kasi kami noon sa bawat isa na hindi namin isusuko ang bataan kahit kanino. Until we both get married to a guy we love. Ibibigay lang namin ang sarili namin sa lalaking ihaharap kami ng clean and pure sa harap ng altar.
''Best sorry, maiintindihan mo rin ako balang araw kapag tumibok na ang puso mo. Kapag naramdaman mo na yung sobrang pagmamahal. Yung matatakot kang mawala sa'yo yung taong mahal na mahal mo," sabi ko sa aking isipan.
Hinalikan ako ni Klyde sa aking noo sabay abot ng flowers. Oh, diba sabi ko naman sa inyo sweet and caring siyang boyfriend.
"Uhmm, babe, about dun sa nangyari kagabi gusto ko lang sabihin na wala akong pinagsisihan kung nagawa man natin iyon. Wala naman magbabago 'di ba?" Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para sabihin sa kaniya iyon at itanong.
Nakita kong kinuyom niya ang kanang kamay niya. "Yes, babe, I will promise that what ever might happen hindi kita iiwan," sagot niya.
Napangiti naman ako and I feel secured about it. Mabuntis man ako alam kong pananagutan niya. Alam kong hindi niya ako iiwan.
"Ikukuha lang kita ng pagkain para mainom mo na ang mga gamot mo." Tumayo siya at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa bago maglakad palabas ng kwarto.
Bigla naman pumasok si Ziana sa kwarto at nakita kong ini-lock niya ang pinto.
"Sorry!" Agad kong sabi sabay pinagdikit ko ang palad ko at inilagay sa tapat ng mukha ko.
"Best, nag-iisip ka ba? Bakit sumuko ka? Nakakainis ka naman eh. Oo, alam ko boyfriend mo si Klyde at mahal mo siya. Pero hindi naman kasi sukatan ng pagmamahal kung ibinigay mo sa kaniya yun 'di ba? I know in our generation hindi na uso yung Maria Clara effect. Pero sana naman binigyan mo ng kaunting respeto ang sarili mo."
"Best, nangyari na eh. Saka handa naman daw panagutan ni Klyde kung sakali man may mabuo. Huwag ka ng magalit. Maiintindihan mo rin ako kapag dumating ang araw na magmahal ka ng sobra," sabi ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Hindi naman ako nagagalit best eh. Ang sa akin lang sana pinag-isipan mong mabuti. Sabay tayong lumaki kaya ayokong masaktan ka. Noon pa man hindi na ako boto sa boyfriend mo 'di ba? Pero dahil mas mahal kita higit pa sa pagmamahal ng boyfriend mo. Susuportahan kita. Nandito lang ako palagi. Siguro nga kapag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat huwag lang siya mawala." sabi ng bestfriend ko.
"Tomboy ka kasi. Oh, nagbibiro lang ako." Dadambain niya sana akong hampasin sa sinabi ko.
"Mahal kita dahil kapatid na ang turing ko sayo. Nag-iisa akong babae sa pamilya namin, sa'yo ko nahanap ang pangungulila sa kapatid na babae. Tigil-tigilan mo ko sa pagtawag ng tomboy ah. Hindi ka nakakatuwa. Sa ganda ko na 'to? Tomboy?" Bigla naman kaming nagtawanan.
May kumatok sa pinto kaya natigil kami sa bestfriend moments. Binuksan iyon ni Ziana. Iniluwa noon ang gwapo kong boyfriend na may dalang tray ng pagkain.
"Oh, pagkain mo! Kainin mo na yan ng makainom ka na ng gamot. Napaka-sakitin mo talaga." Tinitigan ko siya sa naging asta niya. May iba sa aura ng mukha niya at sa tono ng boses niya.
"Ano hinihintay mo? Susubuan pa ba kita? Aba, malaki ka na Cheska. Hindi ka naman baldado. Dalian mo at baka lumamig ang sabaw. Inumin mo gamot mo pagkatapos. Maliligo lang ako sa labas." Sabay hubad niya ng sandong suot niya at walang lingon-lingon na lumabas ng kwarto.
"Anyare doon?" Nagkibit balikat lang ako. May kung anong kumalabit sa puso ko sa inasta ng boyfriend ko.
"Baka may dalaw? Or maybe nabitin at gusto pa ng isang round," sabi ng bestfriend ko sabay tawa.
"Alam mo ikaw na ang virgin na green minded. Ang dumi ng utak mo!" Sabi ko bago sumubo ng pagkain.
Matapos kong kumain ay ininom ko na ang gamot ko. Mayamaya ay nagsipasukan ang barkada sa kwarto ko.
"Oww, gising na pala si sleeping beauty," sabi ni Eunice.
"Kaloka ka girl! Pinag-alala mo kami.Nag-jijinarte ka lang ata bakla eh," sabi ni Georgina ang bakla namin kaibigan.
"Uy girl, hindi mo nakita yung fafa na yummy. Grabe yung pandesal walo yun. Hindi ako pwedeng magkamali ng bilang. Tapos yung V-line niya pa. Oh my G lang talaga.
Nakakapaglaway. Kung hindi lang nakatali ng mahigpit ang mga two piece na suot namin. Panigurado nalaglag na ang mga iyon." Sabi naman ni Jackie.
"Kaloka talaga bakla. Si fafa Jay-jay ko. Ahmmm, super duper gwapo at yummy!" dagdag pa ni Georgina.
"Magsitigil nga kayo. Ano naman kung gwapo? May mala-adonis na katawan swapang naman at antipatiko. Nasobrahan sa hangin ng katawan." Bitter na sagot ni Ziana.
"Woooh! Nagkakaganyan ka kasi tinamaan ka sa kaniya. Sino ba kasing nagsabi sa'yong mag t-shirt ka at mag-short ng hanggang tuhod. Inasar ka tuloy, tama naman siya nasa resort ka at private naman. Wala kang dapat ikahiya dahil kami lang kasama mo. Ikaw lang ang bukod tanging hindi naka-two piece. Kung ako ikaw, naku, hindi ko hahayaan na hindi maibigay ang number ko sa kaniya." Suhestiyon naman ni Eunice.
Natawa ako sa sinabi ni Eunice. Malamang sa malamang pinagbawalan yan ng kapatid niyang kambal.
"Isusumbong kita kay Nick. Akala ko ba loyal ka sa kapatid ko. Nakakita ka lang ng abs. Nagkaganyan ka na. Hoy, para sabihin ko sayo, mas hot ang kapatid ko sa lalaking yun!" Sabi naman ni Ziana.
"Pero pansin ko girl, kamukha mo si fafa Jay-Jay. Magkamukhang-magkamukha kayo. Hala ka! Baka meant to be kayo. Ayiiie!! Okay na rin yun. Magpaparaya ako para sa'yo girl. Nang magkaboyfriend ka na." Pang-aasar naman ni Jackie sa bestfriend ko.
"Sino ba kasi yung Jay-Jay na yun? Gwapo ba talaga? Mas gwapo sa boyfriend ko?" tanong ko.
"Mas gwapo si fafa Jay-Jay, girl. Sorry to offend you, pero iyon ang totoo. Hahaha!" Sarkastiko silang tumawa lahat pwera lang sa bestfriend ko.
"Wala pa rin tatalo kay Christian Grey ko. Period!" Sigaw naman ni Ziana.
"Nasaan na ba ang mga lalaki? Naiwan ba sila naliligo sa dagat?" tanong ko.
"May pag-uusapan daw sila. Boys talk daw bawal ang babae at binabae,"sagot ni Eunice.
"Ate princess, pinapauwi na tayo ni Mom and Dad. Napa-aga ang uwi nila eh. Mukha atang may problema." Bungad ni Nick kapatid ni Ziana.
"Sorry guys, mauna na kami umuwi ah. Kita-kita na lang sa saturday, sa house nila Klyde. May surprise party daw eh. Sige alis na kami!" Sabi naman ni Nate kakambal ni Nick kapatid rin ni Ziana.
"Best, una na ako ah. Punta na lang ako sa bahay niyo. Text na lang kita. Bye guys!" Paalam ng bestfriend ko.
*****
"Klyde, may problema ba tayo? Bakit di mo ako pinapansin?" tanong ko sa kaniya habang nakatuon sa kalsada ang tingin niya habang nagmamaneho.
"Wala, babe, sorry. I love you!" Hinila niya ang kamay ko at hinalikan iyon.
"Nga pala babe. Nakita mo ba yung tinutukoy nila Eunice na Jay-Jay ang name?" kumunot ang noo niya sa tanong ko at binitawan ang kamay ko.
"Wala akong oras sa mga walang kwentang tao," sagot niya.
"Nagtatanong lang naman ako, Klyde. Wala kasing bukambibig yung barkada kanina kundi yung Jay-Jay na yun," pagdadahilan ko.
"Alam mo kung hindi mo naman kilala yung tao. Huwag mo ng kilalanin! Nakakainis, wala naman kwentang tanong, nagtatanong pa. Mukha ka lang tanga!" Narindi ang tenga ko sa sagot niya. Ngayon niya lang ako sinabihan ng tanga.
"Hoy, anong sabi mo? Tanga ako? What the hell, Klyde. Ano ba problema mo at nagkakaganyan ka! Anong masama kung nagtatanong ako? Itigil mo ang kotse mo. Itigil mo sabi eh!" Nagpreno siya ng sobrang lakas. Kung wala akong seabelt bumangga na ang mukha ko sa salamin ng kotse niya.
"Now open the damn door!" utos ko. Sabay tanggal sa seatbealt na suot ko. Pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako sa paglabas ng sasakyan niya.
"Cheska, wa--wait lang. Sorry babe," bigla niya akong niyakap.
"Sorry, bad mode lang ako. Nasermonan kasi ako ni dad kanina sa phone. Sorry! Can you forgive me?" Tumango na lang ako. Ikinabit niya ulit ang seatbelt ko at nagmaneho ulit.
Five hours ang biyahe mula sa San Isidro pauwi sa bahay namin dito sa Maynila. Galing kami sa rancho ng mga Buenaventura napakaganda ng resort doon. Iyon lang atang rancho na iyon ang maipagmamalaki ng San Isidro.
Buong biyahe akong tahimik. Hindi ko kasi ma-gets ang ugali ngayon ni Klyde. Parang water despenser hot and cold.
Klyde's Pov
What the hell is happening to me? Nasigawan at nabulyawan ko si Cheska kanina. Paano ba naman kung sino Poncio Pilato ang tinatanong niya na hindi ko naman kilala. Hindi kasi mawala sa isip ko ang nangyari kagabi kaya bad trip ako. May isang taong inabuso ang p********e ng girlfriend ko.
Pagkabalik namin kanina sa resort inalam ko agad kung sino ang taong pwedeng gumawa noon sa girlfriend ko. Apat na tao lang ang pinagsususpetsiyahan ko.
Sila lang ang apat na lalaki bukod sa akin na pumunta sa resort na inarkilahan ng barkada. Pag-uwi ko sa Maynila susubaybayan ko at aalamin ko isa-isa ang bawat kilos nila. Aalamin ko ang motibo ng kung sinong hayop, kung bakit niya nagawa iyon kay Cheska. Nakakasigurado akong mawawala sa mundo ang lalaking kumuha ng imporanteng bagay na dapat ay akin.
Simula kanina umaga hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan si Cheska. Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang nangyari kagabi? Mukha atang wala siyang alam sa nangyari sa kanya kagabi. Pero bago ko sabihin sa kaniya dapat makakuha muna ako ng ebidensiya para maniwala siya. Baka isipin niya na gumagawa lang ako ng kwento.
Gusto kong maging sweet sa kaniya. I want to become her only world. I want her to feel that I am the only guy that she can't live for. I want her to feel that she is the only girl of my life.
But since yesterday happened. All the things between Me and Cheska becomes different. I can't pretend that I'm happy.
Hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa kaniya kagabi. Sa tuwing lalapit ako sa kaniya sabik na sabik ako sa kaniya. Pero sa tuwing sasagi sa isip ko na may ibang lalaking humawak sa pag-aari ko. Umiinit ang ulo ko. Nabubunton ko ang galit ko sa kaniya. Pero kapag lalayo na sa akin si Cheska hindi ko kaya. Dumadaloy na siya sa sistema ko. Tipong hindi ako nakakagalaw ng wala siya.
F1ck! I love her so much. I can do anything for her. I'm willing to kill someone to get a revenge. So wait for me stranger f1cker. I will kill you!
Damn this feeling! The feelings that makes me mad. Madness that I can treat my Cheska like a hot and cold water.