KINABUKASAN Dahil linggo ang araw na ito, araw ng paglabas ng mga estudyante kaya naman matatahimik na naman ang buong school. Pero katulad ng plano niya, hindi siya lalabas dahil wala naman siyang kailangan bilhin o gawin sa labas. Kasama niya si Shaira dahil hindi rin ito umuwi. Pero habang nagkakape sila nito ay pareho silang nakaharap sa laptop. Nagre-re-search sila tungkol sa kakaibang nangyayari sa kanya. Bakit naglalaho ang mga pasa? Bakit mabilis gumaling ang mga sugat? “Gel, wala naman tamang sagot sa tanong natin. Puro nakalagay lagyan ng gamot o uminom ng gamot, hindi ka naman umiinom no’n,” sambit ni Shaira. Napabuntonghininga siya dahil tama ito. Halos paulit-ulit lang ang lumalabas sa tanong niya. “Yeah,” sagot niya. “Ano ang gagawin natin, Gel? Paano natin malala

