Pagpatak ng 12 midnight. Nagpapahinga na ang lahat at wala na rin estudyante sa labas kaya iyon ang magandang oras para magpunta sa secret well. Kaya ganoong oras pumupunta sila Hera sa secret well para bisitahin ang isang tao. “Miss Hera, mababa na po ang lagnat niya kumpara kagabi,” salubong ng isang nurse sa kanya. Tumango siya at lumapit sa pinaglalagyan ng taong iyon. Natutulog na ito. Kumuha siya ng dalawang nurse na magbabantay dito dahil nilagnat ito kagabi. Kaya kagabi rin sila kumuha ng tao. Hindi ito pwedeng manghina o magkasakit dahil malilintikan siya sa tinatawag niyang B. “Mabuti kung ganoon. Check her from time to time. Kailangan gumaling siya. Palagi ninyo rin siyang pakainin para hindi siya manghina,” sambit niya. “Opo, Miss Hera,” sagot nito. Tumango siya at umup

