** Pagbalik ni Shaira galing cafe, may dala itong tray na mayroong pagkain. Nagpasya silang sa sahig na lang kumain dahil maliit ang mesa nila. Nakangiting inilapag nito ang tray na puno ng pagkain. May apat na kanin, lumpiang shanghai, pritong manok, adobong baboy, caldereta at pansit. Napangiti siya nang makita ang pansit. “Alam kong paborito mo ’yan kaya kumuha na rin ako,” wika nito. “Thanks,” sagot niya. Inalis nila iyon sa tray at inilapag sa sahig para makapagsimula silang kumain. Habang kumakain sila, naisip niyang iyon na ang tamang oras para magkuwento kay Shaira. Hindi naman ito nagtatanong kaya mas lalo siyang naging komportable sabihin ang buhay niya. My way “Shaira…“ tawag niya. Napatingin ito sa kanya. “Bakit, Gel? May kailangan ka?” tanong nito. Umiling siya at ng

