Chapter 39

1583 Words

** Ngumisi si Angel habang nakatingin sa mga ito. “Ano tingin ninyo sa akin? Uto-uto? Masiyado naman yata kayong duwag at mahina para gamitin si Shaira,” sambit niya. “Hindi na uubra ang yabang mo ngayon,” sambit ni Jaimee habang nakatingin sa kanya. Tiningnan niya ito. “Kailan ako nagyabang? Nagsasabi lang ako ng totoo. Ginagamit ninyo si Shaira laban sa akin, pagyayabang ba ’yon?” tanong niya. Hindi ito nakaimik. “Sundin mo na lang ang sasabihin namin,” sambit ni Jane at hinawakan siya sa balikat. Tiningnan niya kamay nitong nasa balikat niya saka niya marahas na inalis. “Hindi mo ako tauhan para utusan, Jane,” sambit niya at tiningnan ito. Sumama ang tingin nito sa kanya pero wala siyang pakealam. Naglakad siya palapit kay Shaira pero pinigilan siya ni Jane nang muli siyang hawakan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD