** Habang nakaupo si Hera ay biglang tumunog ang cellphone niya. Nakita niyang si B ang tumatawag kaya agad niya iyong sinagot. “Hello, B?” aniya. “[Hera…ano na ang balita sa final fight?]” tanong nito. Malamig abg boses nito at masyadong seryoso kaya naging maingat siya sa sagot na bibitawan niya. “Sa ngayon, wala pa po akong sinasabi dahil hinihintay ko pa po ang utos ninyo,” sagot niya. “[Ganoon ba? Kung ganoon, sa July 1 mo gawin ang laban para sa finals. Wala ka bang ibang naiisip na kakaibang activity para sa kanila habang naghihintay tayo ng oras?]” tanong nito. Lumunok muna siya bago sumagot. “May plano po ako magbigay ng activity every last Friday of the month. Sa last Friday po nito, magpapa-motor race po ako.” “[Magaling. Mada-divert ang atensyon ng lahat diyan. Maga

