chapter 1:Ang pagdating ng pamilya Rabonza sa Bario silang.
Gabi na ng umuwi sila diday galing sa pagtitinda ng isda .Dahil Gabi na nagmamadali silang umuwi at para mapabilis Ang kanilang pag uwi mag shortcut sila sa may punta doon Ang madaling daan para maka uwi sa kanilang bahay." diday bilisan mo wag kang titingin sa bahay na puti at wag kang lilingon.." saway ng kanyang Ina." Bakit nay ano ba Ang merun dyan sa puting bahay sa punta"kulit na tanong ni diday.Basta wag kang titingin dyan o lilingon bilis bilis ng lakad sabi ng nanay ni diday..Ang puting bahay sa punta ay pag mamay ari ng mga Rabonza.Sila Don Sebastian at Donya Hellen sila Ang nag mamay ari ng buong punta .May tatlo silang anak sina Joaquin.helena.at Nerrisa.Matagal ng patay ang kanilang ama at ina na lamang nila ang buhay misteryoso .Ang pagkamatay ng kanilang ama.Ang kanilang Ina naman ay isang kapitan ng barangay .isang dayo lamang si ginang Hellen sa Bario na yun.Nakilala sya ni Don Sebastian sa Isla ng ticao island.At ng nagsama sila bilang mag Asawa ay sinama sya ni Don Sebastian sa bario silang.At doon bumuo ng pamilya.Ng mamatay si Don Sebastian mag isang binuhay ni Gng HelLen Ang tatlo nyang mga anak.Ng makatapos ng kolehiyo ay nag sipag trabaho sila sa mamalayong lugar at nag ka pamilya na..Ng mag ka sakit Ang kanilang Ina napilitang umuwi si Helena upang asikasuhin si Gng Hellen .Si Joaquin naman ay ayaw umuwi at si nerrisa.Si Helena ang bunsong anak.Isang maestra sa secondary school.Sinama nya Ang kanyang pamilya sa bario para samahan Ang Ina nito na may sakit.Ng gabing nagdala si Helena ng pagkain sa kwarto ng kanyang ina ay naka higa lamang ito at hawak Ang litrato ng kanyang ama.Inalis ni Helena Ang kamay ng kanyang Ina sa pagkaka hawak sa larawan ng ama " mama kain na po at uminom ka na ng gamot.." Sabi ni Helena sa Ina ." Helena anak kelan ba uuwi Ang mga kapatid mo.Hangang ngayon Hindi pa ba nila ako napapatawad .malapit na Ang paglisan ko sa mundong ito.Pagod na Ang katawan ko.Gusto ko ng magpahinga."malungkot na Sabi ni Hellen sa anak." Ma pls wag kayong magsalita ng ganyan uuwi sila para dumalaw sayo Mahal ka namin..Kumain. ka na at uminom ng gamot .Kailangan na may pumalit sa akin bago ako mamatay ." anong sinasabi mo mama" tanong ni Helena .Kailangan na maipasa ko Ang lihim ng angkan bago ako mawala.Ngunit para lamang ito sa mga panganay na babae upang maipag patuloy natin Ang ating lahi.sabi ng mama ni Helena.Hindi ako mamatay hangat walang tumatangap ng aking minana sa aking ninuno."Nagtaka agad si Helena Kung ano Ang sinasabi ng kanyang Ina ."Ano po bang minana nyo mama.?"tanong ni Helena .Ang pagiging aswang sa mundong ito . Gulat na gulat si Helena sa narinig nya.Paanong nangyari na may lahi silang aswang na napaka bait at butihing Ina nito sa kanila..Hindi Kita maiintindihan mama? Paano nangyari yun."At nag kwento Ang kanyang Ina.Noong bata pa ako may naka alitan Ang aking papa tungkol sa lupa sila ay mga katutubong mangyan na galing sa kabilang Isla.Merun syang ginahasa na katutubo .at pina hirapan nya Ang mga ito.sinunog nya Ang bahay para mag si alis ito sa lupang gusto nyang maangkin.Akala ng papa naubos nya Ang mga katutubo pero may natirang isa.Isinumpa Ang papa na Hindi sya makakatulog hangat Hindi sya kumakain ng laman ng tao dahil sa nagawa nito sa mga mangyan.At ipapasa nya ito salinlahi habang buhay.Yun ang sinimulan na tinawag na aswang Ang aming lahi.Dahil ako Ang panganay sa aming mag kapatid Ako Ang nasalinan ng sumpa.Halos hindi ko matangap na ganito Ang sinapit ko at hangang ngayon ay isasalin at isasalin ko ang sumpa.Hindi ko alam Kung paano maalis Ang sumpa kahit ang papa mo ay nagbuwis ng buhay ay hindi pa rin maalis ang sumpa.Pagod na Ako Helena kailan matitigil Ang sumpa na ito. kwento ng mama ni Helena habang nagdudusa sa hirap na nararamdaman.Halos hindi ito maka tulog palaging nagsusuka pero wala naman lumalabas sa kanyang sikmura.Awang awa si Helena sa kanyang mama.Habang hinahagod ang likod nito .Iniwan ni Helena ang Ina na nahihirapan huminga.Lumabas sya ng kwarto nakita nya ang bintana na bukas isasarado Sana nya ito pero may nakita syang anino sa likod ng kurtina.Pupuntahan sana nya ito pero biglang humangin ng malakas .Kasabay ng malakas na hangin ay nawala rin ang anino nakita nya.Sinarado na nya ang bintana at bigla syang nagulat sa Asawa nya nakatayo sa likod nya." At bigla sya nitong niyakap at nilambing pupunta sa kwarto."kanina pa Kita iniintay sa kwarto tulog na ang mga bata" lambing ng Asawa ni Helena na si Jule's." ikaw talaga syempre nagpatulog pako kay mama.
Habang sa labas ay may lihim na naka masid sa kanilang bahay.Tanghali na ng magising sila Helena at Asawa nito.Paggising nila ay tumungo agad sila sa kusina para mag luto ng umagahan .Nakita nilang may mga patak ng dugo sa sahig.Pinunasan ni Jule's Ang mga dugo at nag patuloy si Helena sa paghahanda ng almusal.Palaisipan kay Jule's kung sàan galing ang mga dugo.Ngunit lihim na umiwas si Helena at nagkunwari Walang alam.Papunta na sa skwelahan si Helena at mga anak nito para pumasok at si Helena naman ay nagtuturo sa highschool.Araw araw ito Ang kanilang palaging ginagawa . Hinahatid naman sila ng kanyang Asawa na naka trycickle.Nagpapasada si Jule's araw araw at naiiwan naman nila ang kaniyang mama sa bahay nila.Pinupuntahan lamang ito ng kanilang labandera para pakainin at pag pauwi na sila Helena ay umaalis din ito.Matulungin Ang mama ni helena sa mga tao sa bario .Ngunit pag kagat ng dilim ay nagbabago ang anyo nito.Ang mga tinutulungan nya ay mga nabiktima nya sa gabi upang itoy lapain.Dahil Kung Hindi sya kakain ng laman ng tao unti unti syang mamatay.Kayat kailangan nyang lumapa ng tao sa gabi upang mabuhay .Ito Ang lihim ng pamilya nila Helena . Ngunit ang mama ni Helena ay dumating na sa takdang panahon na dapat ay maipasa nya ito sa susunod na lahi nya at yun ay Ang panganay nyang anak na si Nerissa .Hindi pa sya dumadating tinawagan na nila dahil nasa ibang bansa naka tira .Naka pangasawa si Nerissa ng foreigner at doon na nanirahan.Ngunit alam ni Helena na ilang Ang kanyang kapatid sa kanilang mama.Kahit Ang kapatid nilang lalaki ay hindi pa rin pumapasyal .Habang pumapasyal si Helena sa tabi ng dagat napansin nya na Ang bawat sumasalubong sa kanya ay umiiwas .Sunod sunod na kasi may namamatay sa kabilang bario at hinala nila Ang pamilya nila Helena.Hindi pinapansin ni Helena Ang mga Ito kahit sa skwelahan ay ramdam nya ang malamig na pakikisama sa kanya ng
mga ka trabaho .Kahit naiilang sya ay hinahayaan nya lamang ito .Pinagpapatuloy nila Ang normal na pamumuhay Ang Asawa naman nya Hindi pinapansin Ang mga Sabi Sabi ng kapitbahay Dahil alam nya ay normal na tao sila Helena at nakikita nya Ang ginagawa nito .Walang ka alam alam ang asawa ni Helena sa mga nagaganap sa loob ng kanilang pamamahay.Ginagamitan kasi sya ng mahika na panglimot sa ano man na makita nya sa loob ng bahay nila Gng Hellen.At kahit si Helena ay nakaka limot din sa mga naririnig at nakikita nya sa loob ng bahay nila .Kapag gabi na ay pinapatulog muna ni Hellen Ang pamilya ni Helena bago Ito mag hasik ng lagim.At pag umuwi na sya ay nagsasabuy sya ng abo para maging tao sya at bumubulong ng mahika para sa limot.Habang tumatagal ay lalong nanghihina si Hellen sa edad na 83 .Dahil hindi gabigabi kumakain si Hellen ng laman ng tao.Hindi na nya makaya na pumatay pa ng tao. Kahit anong laban nya ay may mahika na bumubulong sa kanya upang kusa syang magbago ng anyo.Nilalabanan nya ito pero natatalo sya ng mahika na bumubulong sa kanya mga tenga kapag naririnig nya Ang mga bulong tinatakpan nya Ang kanyang mga tenga.Ang mga bumubulong sa kanya ay mga katutubo na pinatay ng kanyang ama sa sunog habang sila ay sinusunog binubulong nila Ang salitang " Hindi ka makatulog sumpain ka ng aming mga ninuno Hindi ka makakatulog hangat Hindi ka kumakain ng laman ng tao pagbabayarin ka namin hangang sa salinlahi mo."