Chapter 2:Gabi ng lagim

2172 Words
Halos sunod sunod ang mga nawawalang tao sa ibat ibang bario .Kahit ang may kapangyarihan ay hindi malaman kung sino ang kumukuha dito at iniiwan na wala ng laman loob.Ngunit si Helena wala pa rin alam sa nangyayari .Kayat kumuha na ng private investigators ang mga pulisya para mag imbestiga sa kaso.Si Srgnt Ed Salvador ang namuno sa pag imbestiga. Dumulog din sya sa mga para normal expert para mag imbestiga ng mga kakaibang kaso.Si Manong Dan ang kanyang para normal expert ang tumayong lead nya sa kaso ." Hindi ito normal na tao isa itong aswang na lumalapa ng tao para mabuhay din sabi ni Mang Dan kay Srgnt Ed Salvador.Wala tayong lead sa kaso Mang Dan .tanong ni Srgnt Salvador.Habang naglalakad si Srgnt Salvador napansin nya Ang bahay na puti sa punta natatanaw Ito sa malayo".Naalala nya nung kabataan nya napadpad sila sa lugar na yun habang naghahanap ng gagamba.At Hindi nya makalimutan ang batang babae na nakilala nya sa bahay na puti.Kumusta na kaya sya buhay pa kaya sya bulong nya sa sarili."May tumawag sa telepono ni Srgnt Salvador .At umalis na ito sa lugar ng krimen kasama si Mang Dan. Pumunta sila school na pinag turuan ni Helena.Para mag masid at bumisita na rin sa kanyang paaralan na pinagmulan .Nakilala nya agad si Helena "kumusta classmates sabay abot ng kamay.Inabot naman ni Helena Ang kanyang kamay.Ok lang naman classmate tugon nito Kay Srgnt Salvador.Tagal na rin nating di nagkita .Sabi ni Srgnt Salvador Kay Helena." oo nga tagal na rin.sya nga pala dito ka ba na assign sa lugar namin.tanong ni Helena.."Ah oo nag imbestiga kami sa pinatay daw ng aswang.ewan ko,Wala pa kami clue.Ewan ko ba may aswang pa ba ngayon sobra na tayong civilized" Patawang sabi ni Srgnt Salvador.Si Helena naman ngumiti lang at di alam ang isasagot.At biglang dumating si Mang Dan nakita nya na iba Ang mata ni Helena kulay pula ito na parang may apoy sa loob ng mata.Ang mga experto sa para normal lamang Ang nakaka Kita nito Ngunit kapag normal kang tao ay Hindi mo ito mapapansin sa mata ng may dugong aswang..Umiwas agad si Helena at pinikit Ang mata parang napako sya sa pagtingin sa kanya ni Mang Dan..At agad na nag paalam si Helena sa kanilang dalawa.Hinabol naman ng tingin ni Mang Dan si Helena at tinanong si Srgnt Salvador Kung matagal nya na itong kilala.Sumagot naman si Srgnt " simula pagka bata magkalaro magka klase pero di kami tinadhana patawa naman sagot ni Srgnt Salvador"May kaka iba sa mga mata nya at tanging ibang nilalang lamang Ang merun noon Sabi ni Mang Dan kay Srgnt Salvador.Hindi nya agad deneretso ng salita kay Srgnt at baka di Ito maniwala .Agad na nag imbestiga si Mang Dan sa mga tao doon sa bario.May hinala syang may kinalaman si Helena o Ang pamilya nito.ilang taon na rin ng maka Kita sya ng pulang mata ng makaharap nya ang mga aswang noon anyong tao sila pero aswang sa gabi .Kayat Hindi sya pwedeng mag kamali ng hinala na si Helena ay may dugong aswang .Sinusubaybayan ni Mang Dan si Helena at Laging tinatanaw Ang bahay nito sa gabi.Ngunit nakita nya na umalis sila Helena kasama Ang pamilya nito para dumalo sa isang okasyon.Nakita nya si Helena nung gabing iyon.Ngunit pag ka umaga ay may nabiktima na naman ang aswang may nakitang lalaki na laslas Ang leeg Wala ng puso Ang katawan nito at nag kalat Ang dugo sa daan ."Napa isip si Mang Dan Kung sino Ang aswang .Kung Hindi si Helena sino Ang aswang bulong nito sa sarili..Napa isip si Mang Dan may iba pa bang aswang sa bario na yun .Nagtanong tanong si Mang Dan sa nakakilala kina Helena at may nag kwento sa kanya na isang matanda na buhay pa ang Ina ni Helena.At ito Ang naiiwan sa bahay na puti kapag umaalis ang pamilya ni Helena.Kayat nagkaroon ng clue si Mang Dan merun na syang hinala.Binantayan nya ulit ang bahay nila Helena nung gabing iyon..May hawak na pangontra si Mang Dan Kayat Hindi sya Basta basta malalapitan ng sino mang aswang.Maya maya pa may biglang humangin ng malakas at tila ba may ibon na lumilipad sa taas ng bubong nila Helena .Nag paikot ikot ito at lumipad papalayo ng bahay.At binantayan nya ito hangang makabalik .Ngunit mag uumaga na Hindi pa bumabalik Ang aswang sa kanyang bahay.Maya maya may nakita syang naglalakad na matandang babae papasok ng pinto galing sa labas.Nagbago ito mula sa anyong ibon at naging tao.Inisip nya agad na ito na ang kanyang hinahanap.Tinawagan nya si Srgnt Salvador para e kwento ang natuklasan Nagkita sila sa Isang fast food restuarant uminom muna sila ng Beer at nag simula mag kwento si Mang Dan sa nakita nya " May clue nako Srgnt ang nanay ni Helena Ang aswang.kitang Kita ng mga mata ko ." nakita ko ang pagpalit ng anyo nya sa umaga ." Sigurado ka ba Mang Dan kasi very confidensyal yan isang dating kapitana si Gng Hellen mabait sya at nakita ko sya mula pagka bata .Pero hindi ko lubos maisip na aswang sya tumutulong sya sa mga taong namatayan."Bulag kayo binubulag nya kayo.ginagawa nya ang pagtulong sa mga nabiktima nya para itago Ang karumaldumal nyang pagpatay"..Sagot ni Mang Dan kay Srgnt Salvador.Hindi lahat ng naka tawa ay mabuti Srgnt..yan ang tandaan mo".Kailangan natin syang sundan para mabigyan natin ng hustisya ang mga pamilyang nabiktima nya." paliwanag ni Mang Dan kay Srgnt Salvador.' Pero paano " tanong ni Srngt Salvador .Sinimulan nilang manmanan si Hellen ang nanay ni Helena.Kapag umaalis sila Helena. Pero ilang gabi na ito hindi lumalabas ng bahay nila sa gabi .Nagtataka si Mang Dan kailangan nila maka pasok sa loob ng bakuran Ngunit hindi sila pwedeng mag pahalata Kayat naka isip ng paraan si Srgnt Salvador na mag palipad ng hidden camera para matingnan nila ang loob ng bahay at malaman Kung anong nangyayari sa nanay ni Helena. Naka monitor si Srgnt Salvador sa screen habang pinapanood nila Ang nasa loob ng bakuran.Hinanap nila Ang kwarto ng nanay ni Helena at natagpuan nila ito naka higa sa kama at mahimbing na natutulog.Dahan dahan nilapag ni Mang Dan Ang camera at iniwan nila naka bukas ito para makita nila Kung ano ginagawa nito nag intay silang dumilim.Pag tapat ng alas dose ng hating Gabi.Nakita nila Kung paano nagpalit ng anyo si Gng Hellen.Tumayo ito unti unting lumalabas Ang kaniyang pangil.humahaba ang kuku pati Ang kanyang mukha ay nagbabago din .Namumula Ang mga mata nito at handa ng mag hasik ng lagim.Kitang Kita ni Srgnt ang lahat lahat .Dahil sa nakatagong hidden camera.Pero napansin agad ni Hellen na may umiilaw at tumutunog sa kanyang kwarto na tila ba laruan Kayat dinampot nya ito at tinitigan at sinigawan Ang camera at dinurog sabay tinapon sa labas .At nag tungo sa labas upang lumipad na ..Takot na takot si Srgnt Salvador sa nakita.Hindi sya maka paniwala na may ganoong nilalang sa mundong ito.Sinundan nila Kung sàan papunta ang aswang lumabas naman si Mang Dan sa sasakyan at tinignan ang direksyon ng aswang.Papunta Ito sa mga kabahayan.Agad na pina andar ni Srgnt Salvador ang kotse .Kailangan nilang masundan ang aswang para mailigtas Kung sino man ang susunod na bibiktimahin nito .Nakita nila ang aswang na si Hellen .Nasa taas Ito ng bubong at nakatuwad.Tila ba may sinisipsip sa baba ng bahay na may natutulog na buntis .Agad itong pinana ni Mang Dan ngunit hindi tinamaan kaya inulit ni Mang Dan Ang pagtira ng pana.Nagulat ang aswang at lumingon Ito sa kanila agad na lumipad Ang aswang patungo kay Mang Dan.Gusto sya nitong hilahin pataas pero biglang naka ilag si Mang Dan.Galit na galit Ang aswang Kay Mang Dan.Pero hindi makalapit ang aswang Kay Mang Dan.Dahil tinitira sya ng pana .Naamoy ng aswang ang Pana na may holy water at dinurog na bawang.Kailangan nyang iwasan ang pana dahil kung hindi ay mamatay sya.Lumipad Ang aswang naramdaman nya na hindi na sya pwede pang magtagal kailangan nyang maka kain ng lamang ng tao Kung hindi ay dahan dahan syang mamatay .Humanap ng ibang lugar si Hellen upang makakain ng tao .Ngunit patuloy syang sinusundan nila Mang Dan at Srgnt Salvador.Habang lumilipad sya nakakita sya ng piggery.Doon sya kumain at sumipsip ng laman ng hayop.at ng maka rinig sya ng ingay ng mga tao.Agad syang umalis at iniwan na wala ng buhay ang limang baboy .Nakita ng may ari ang kanyang wala ng buhay na mga baboy.Ne report agad nila ito sa barangay at nakarating kina Mang Dan ang balita. " Lumapa sya ng hayop ang aswang ang may gawa nito dahil tinutugis natin sya kagabi Hindi sya makalapit sa tao kaya baboy Ang tinira nya" paliwanag ni Mang Dan kay Srgnt Salvador.Pinaliwanag din ni mang Dan na mag ingat ang mga tao dahil may gumagalang aswang sa punta.Hindi maka paniwala Ang mga tao nababalot ng takot ang bario silang.Pati ang mga katabing barangay ay pina alalahanan na rin ni Mang Dan Dumating ng bahay si Hellen na pagod na pagod at agad syang naging tao at dumeretso sya sa kanyang banyo.Tumingin sya sa salamin at kinausap ang sarili " Inalala nya Ang nakita nyang tumutugis sa kanya na si Mang Dan Hindi nya makakalimutan ang mukha na yun 10 taon na nakakalipas .Kilala nya si Mang Dan sa Isla ng ticao island pamilya Ito ng mga hunters .Tumutugis sila ng mga aswang sa kanilang Isla.Kayat napadpad sya sa bario silang inilayo sya ng kanyang asawa sa lugar na yun upang di matuntun ng mga hunter.Ngunit hindi parin tumitigil Ang mga hunter sa pagtugis sa mga katulad nilang aswang .Iniisip ni Hellen ang anak nyang si Helena.Baka mapag buntunan nila ng galit kailangan nyang umisip ng paraan Kung paano makaka iwas sa mga hunters.Mula noon ay sa malayong bario na sya nangbibiktima .At ang binibiktima nya mga hayop baboy.kalabaw .kambing.upang di sya mahalata ng mga hunters.Pero kumakalam parin ang sikmura nya at naghahanap ng dugo ng tao.Isang gabi habang sya ay lumilipad may nakita syang tumatakbong babae at kasunod nito ang mga lalaki .Hinahabol nila ang babae na wala ng saplot sa katawan .Gusto pala nilang gahasain ang babae.Nahuli ng lalaki Ang babae at agad na hinawakan sa buhok at inamoy amoy nya ang babae na tila ba hayok sa laman.At pinipilit na ihiga nito ang babae naman ay nag mamaka awa na huwag syang sasaktan.Habang sila ay nagtatawanan na para bang mga demonyo.Lumapag sa lupa si Hellen at agad na hinablot Ang mga lalaki natakot naman ang babae at agad na tumakbo at sumsigaw papalayo.Nilapa ni Hellen Ang tatlong lalaki sinipsip nya Ang mga dugo nito at kinain Ang mga laman loob.. Sumisigaw naman Ang babae papalayo ng aswang..aswang...habang Walang saplot sa katawan.Nasalubong sya ng mga patrolman ng barangay at agad na sinalubong .Nagtataka sila Kung bakit ito naka hubad na tumatakbo ng kanilang malapitan Ang babae ay bigla itong hinimatay.Umaga na ng magising Ang babae na muntik ng ma rape ng mga lalaki kagabi.Iyak ng iyak ito at takot na takot na nagpapaliwanag." Naka Kita ako ng halimaw kinain nya yung mga lalaki na nagtangkang humalay sa akin ."Binalita agad Ito sa radyo at television.Ngunit Walang naniniwala na may aswang pa na nabubuhay .Agad itong nabalitaan nila Srngt Salvador at Mang Dan .Agad nilang tinungo ang babae na naka Kita umano ng aswang.Natagpuan nila ang babae na naka higa sa hospital kinausap nila ito." kumusta ka Ms sabi ni Srngt Salvador "ako nga pala si Srgnt Salvador at ito si Mang Dan kami ang humahanap sa aswang .Ano Ang nakita mo ng gabing iyon .Umiiyak ang babae at takot na takot na nag kwento." Hinahabol ako ng mga lalaki gusto nila akong gahasain pero biglang dumating ang aswang kinain nya at sinipsip ang mga dugo .Hinayaan nya akong maka takbo iniligtas nya ako Srgnt." kwento ng babae sa kanila .Namangha si Mang Dan sa narinig na kwento ng babae .May mabuti rin palang puso ang mga aswang.Pero ano ang dahilan nya .Nag isip si Mang Dan ng malalim.Mahirap hulaan ang isip at galaw ng mga aswang.sabi ni Mang Dan kay Srngt Salvador.Umalis sila ng hospital para maghanap pa ng ibang impormasyon.. Tumungo sila sa pinangyarihan ng krimen.Halos nag gutay gutay Ang mga laman ng tao at dugo nito." May humahangos na lalaki at humihingi sa kanila ng tulong nawawala ang kanilang mga hayop ." Inubos pati mga manok .Pinuntahan nila Srgnt Salvador at Mang Dan Ang mga kulungan ng hayop nag Iwan lang ito ng mga dugo sa sahig." Gutom na gutom sya ha! hindi pa sya nabusog sa 3 lalaki kagabi?.Pabirong puna ni Srgnt Salvador.Paano ba mapipigilan ito Mang Dan? tanong ni Srngt Salvador." mahirap man pero kailangan natin syang bantayan sa kanyang lungga.At bantayan Kung sino Ang susunod na bibiktimahin.Gumawa si Mang Dan ng mga Pana na tinubog sa holy water at pinulbos na bawang .Ang ginamit na holy water ay may kasamang orasyon na tanging si Mang Dan lang ang nakaka alam .Pinuntahan nila Ang bahay sa punta para bantayan ang aswang .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD