Sa bawat minuto lumilipas hindi mapakali si Mang Dan sa kanyang pwesto palagi syang naka tingala sa langit upang bantayan ang aswang .Umakyat sya sa taas ng sasakyan.Para masibat nya ng mabuti ang aswang.Pero tila bigo sila .Dahil alam na ni Hellen na sinusundan sya .Kayat nag katawan pusang itim si Hellen.Matagal na nag intay sa punta sila Srgnt Salvador at Mang Dan.Napansin ni Mang Dan na may naliligaw na pusa sa harap nila nalaman agad ni Mang Dan na aswang Ang pusa Kayat sinipat nya ito ng pana.Pero Hindi tinamaan biglang lumundag Ang pusa sa kanya katawan at naging aswang ito nabitawan ni Mang Dan Ang Pana."Hellen Kilala Kita Ikaw yan sa wakas nag harap din tayo sa matagal na panahon . Nagulat si Hellen dahil Kilala sya ng matanda..Ikaw ang pumatay sa asawa ko Kayat maghihiganti ako Pati ang walang awa sangol Kong anak dinamay mo." sumbat ni mang Dan kay Hellen.Inilipad ni Hellen si Mang Dan ng mataas .At sinabihan sya " Pinatay nyo Ang mga magulang ko Kayat gantihan lang tayo.Hindi ko dinamay Ang anak mo buhay pa sya" Sabi ni Hellen Kay Mang Dan sabay bitaw sa kanya sa lupa .Agad na pinaputukan ni Srgnt Salvador ang aswang pero hindi ito tinamaan. Palaisipan Kay Mang Dan ang sinabi ni Hellen sa kanya na buhay pa ang kanyang anak ."Mang Dan " tawag ni Srngt Salvador sa kanya at agad syang tumayo at kinausap si Srgnt pinatay nya Ang mag Ina ko.Sinugod ng lahi nila Ang aming bario at sinunog Pati Ang anak ko ay nadamay .Pero ang sabi nya buhay pa ang anak ko Srngt"sabay hawak sa balikat nito.at tila ba natuwa sa magandang balita.At ng sa bahay na at makapag palit ng anyo si Hellen naisip nya si Mang Dan.
Si Mang Dan ang una nyang pag ibig sa Isla ng ticao.Naalala nya nung una silang nagka kilala mga teen ager pa lang sila noon .Nag kakilala sila sa koprahan na pagmamay Ari ng ama ni Hellen.Namimili sila ng kopra sa pamilya ni Mang Dan .Tuwing pumupunta sila sa bahay ni Hellen nakikita nya ang binata na naka sakay sa kalabaw habang maydala dalang kopras.Nagka tinginan sila at nag titigan sa mata.Nabighani naman ang binata sa dalaga kapag naka ngiti ito.Nagtutuksuhan ang magkapatid na sila Mang Dan." Nakatingin sayo yung dalaga naka ngiti sabay tapik sa likod ni Mang Dan.Tingnan mo naka ngiti sayo manoy..At tinignan naman ni Mang Dan si Hellen.Habang hinahangin ang mahab a nitong buhok.Simula noon ay nagtatagpo sila sa baybayin ng dagat .Lihim silang nag iibigan ayaw malaman ng pamilya ni Hellen na sya ay nakikipag tipan sa hindi nila kalahi.Kayat mina buti nilang maglihim ni Mang Dan.Ngunit walang lihim na di nabubunyag .Nalaman ng papa ni Hellen na nakikipag tagpo sya Kay Mang Dan.Pinarusahan sya nito at hindi pinalabas .Ngunit ang lalaking umiibig harangin man ng sibat ay di patitiklop.Tumungo sya sa bahay ni Hellen at doon hinanap ang kanyang minamahal.Pero hinarang sya ng mga kapatid na lalaki ni Hellen.Pero nag pumilit si Mang Dan na makita sya.Kayat binugbog sya ng mga kapatid nito .Umiiyak naman si Hellen na nakatanaw lamang sa bintana at walang magawa.Iniwan nila Mang Dan na naka handusay sa labas ng kanila hacienda at pinulot ng mga taga Bario.Nalaman ito ng ama ni Mang Dan Kayat sumugod sila sa sa bahay nila Hellen.May dala dala silang mga itak at sumpak.ang iba naman ay tirador .Ngunit natamaan Ang ama ni Hellen sa ulo.Umatras sila duguan Ang ama ni Hellen Galit na galit naman ang nakatatandang kapatid ni Hellen." Ama sugurin na natin sila mamayang gabi.higupin natin ang kanilang mga dugo.ubusin natin ang lahi nila.Mag hihiganti kami ama." Sabi ng Kuya ni Hellen . Ng gabing iyon nagsimula ang alitan ng dalawang lahi .Tao laban sa aswang.Namatay Ang ama ni Mang Dan kitang Kita ni Mang Dan Kung paano nilapa ng mga aswang Ang kanyang ama.Kayat pinaghiganti rin nya Ang kanya ama tinira nya ang pinaka malaking aswang at yun ay Ang ama ni hellen.Mula noon kinalimutan na ni Mang Dan si Hellen.Dahil Kung ipagpapatuloy pa nila Ang kanilang pag iibigan ay maraming masasawi.Natahimik Ang bario ng Isla ticao nagkaroon ng sariling pamilya si mang Dan.Habang si Hellen ay kalalabas lamang sa underground ng kanila bahay .ikinulong sya ng kanya ama at mga kapatid ng 5 taon.Yun Ang parusa sa mga aswang kapag sila ay sumusuway sa kanilang batas.Ng sya ay makalaya dun lamang nya nalaman Ang lahat ng naganap. .Nalaman nya na patay na Ang kanyang ama at si mang Dan ay may iniibig ng iba.May pamilya na si mang Dan.At halos madurog Ang puso ni Hellen sa natuklasan.Sa Galit nya umiyak sya at sumigaw sa harap ng puntod ng kanyang ama." Ipaghihiganti Kita ama kahit buhay ko man Ang kapalit patawad ama."Ng araw na yun nagmanman si Hellen sa bahay nila Mang Dan.Nakita nya na magkatabi Ang dalawa at masayang tinitignan Ang Ang kanilang sanggol.Sa isip ni Hellen Sana sila ni Mang Dan ang magkapiling at masayang namumuhay.Nakaramdam ng inggit si Hellen .Pero awang awa sa sinapit ng kanyang ama.Ipaghihiganti Kita ama.Tinitigan nya ng masama Mula sa malayo sila Mang Dan at asawa nito.At agad na kumidlat at nagliparan Ang mga uwak sa kalangitan tanda na maghihiganti ang mga aswang.Agad na napatayo Ang mag asawa at pinapasok ang mag Ina .Nakaramdam ng kaba at takot si Mang Dan.Nakita nya si Hellen na naka silip sa likod ng puno at nagtalukbong ng balabal sabay talikod nya Kay Mang Dan." tinawag ni Mang Dan si Hellen.Pero mabilis itong nawala.Agad na pumasok si Mang Dan sa loob ng bahay at tiniyak na nasa ayus Ang kanyang mag Ina.Ng gabing iyon sinugod nila Hellen at ng kanyang mga kampon Ang bario nila Mang Dan.Pinatay ni Hellen ang asawa nito at kinuha ang anak.Ang alam ni Mang Dan Patay na ang kanyang anak.Dahil nasunog Ang kanilang bahay at Hindi na nya nakita pa ang bangkay nito.At doon nga simulang Mang hunting ng aswang si Mang Dan.Tuwing byernes Santo gumagawa sya ng mga panglaban sa aswang tulad ng langis .bawang na pinulbos at pana na may holy water.Hinahanap nya Ang mga aswang hindi sya tumitigil .Hangang napadpad sya sa sa bario punta.Kung saan may nabalitaan syang aswang at agad syang nag responde at nakilala nya si Srngt Salvador.Dito nya natuklasan na buhay pa si Hellen ang una nyang minahal.Ngunit Hindi pagka sabik Ang kanyang naramdaman kundi poot at paghihiganti.Sa bawat araw na dumadaan na naiisip nya ang sinapit ng kanyang mag Ina sa kamay ng mga aswang gusto nya itong lipulin.Upang hindi na makapang biktima at sapitin ang nangyari sa kanya.
Hindi mapakali si Mang Dan tuwing iniisip nya ang sinabi ni Hellen na buhay pa ang kanyang anak.Bigla syang nasabik na makita ang kanyang anak.Ano na Kaya ang itsura nito may pamilya na kaya sya.Inisip nya na balikan si Hellen at alamin kung sàan dinala ang kanyang anak.Kaya ng araw na yun sinadya nya Ang bahay ni Hellen ." Hellen lumabas ka dyan " kalampag nya sa gate ng bahay." ilabas mo ang anak ko saan mo dinala Ang anak ko ilabas mo sya."sigaw ni Mang Dan .Ngunit Walang sumasagot kundi tahimik lamang ang bahay.Ng araw na yun ay Wala sila Helena kasalukuyang nasa school ito at ang mga anak nya.Bigla naman dumating Ang asawa Helena at agad syang inaawat nito sa pag kalampag ng kanilang gate."Sino po sila bakit po nagwawala kayo dyan ano po ba problema nyo" tanong ng asawa ni Helena.."Nasaan si Hellen sabihin mo ilabas ang anak ko aswang ang nakatira dyan." Sabay awat ni Srgnt Salvador Kay Mang dan.at Saka sinabihan ang asawa ni Helena na " pasensya kana ha wala ito.lasing lang kulang pa ata ang ininom kagabi biro ni Srngt Salvador sa kausap.,At hinila nya pabalik ng kotse si Mang Dan." Ano ka ba Mang Dan mabubulilyaso Ang plano natin kapag daanin mo sa init ng ulo ang lahat.Kumalma ka lang at mag iisip tayo ng plano kung paano natin malalaman Kung buhay pa nga ang anak mo.payo ni Srgnt Salvador"Natauhan din si Mang Dan sa sinabi ni Srgnt.
Nagtataka naman Ang asawa ni Helena Kung ano Ang sinasabi ng matanda na nagwawala sa harap ng kanilang bahay." anong aswang sinong aswang at ano Ang sinasabi nya na anak nya.eh halos Hindi na nga maka lakad si mama.tinutukoy nya Ang kanyang byenan na si Hellen .Sa ngayon ay wala pa itong alam sa nangyayari dahil ginagamitan sila ng orasyon ng byenan para maka limot sa ano mang nakikita nila ng mga anak . Pumasok na si Jule's sa bahay nila at nakita Ang kanyang byenan na nakasilip sa taas ng bintana. Agad syang pumasok at sinabihan ang kanyang byenan na masama Ang tumayo sya at baka mahilo sya at bumagsak.Dumating na rin si Helena at mga anak nito galing skwelahan.At agad na nagsumbong si Jule's Kay Helena." Mahal ko may nagwawala na lalaki sa labas kanina hinahanap si mama at Ang anak nya ilabas daw ni mama lasing ata eh" ewan ko ba dun.parang baliw"Napa isip si Helena Kung sino ang taong yun!