PILIT niyang kinalma ang sarili at humarap sa lalaki. Pinahid niya ang luha sa pisngi nito at tinitigan sa mga mata. Hinawakan niya ito sa kamay at inaya para maupo nang makapag-usap sila maayos.
" Sana maintindihan mo ako na kailangan kong tulungan ang kaibigan ko. Gagawin ko ito para sa kaniya at sana respetuhin mo ang naging desisyon ko."
Napailing-iling si Mico bilang pagtutol.
" I don't get it. Bakit kaylangang umabot sa ganito ang pagtulong mo sa kaniya? May iba pang paraan, Camilla!" giit pa rin ng binata.
" Masyado nang magulo ang sitwasyon niya. Ito lang ang naiisip kong paraan para makatulong sa kaniya. Please, Mico, intindihin mo naman ako!"
" Pero paano ako? Paano tayo?! Paano 'yung pangarap mo, 'yung mga pangarap natin? Itatapon mo na lang ba iyon dahil diyan sa sinasabi mong utang na loob?!"
" Hindi naman 'to magtatagal,eh! Maghihiwalay din kami at pag maayos na ang lahat, promise ko, babalik ako sa'yo."
Hinaplos niya ang pisngi ng lalaki.
" This is so hard for me!"
Halos madurog na ang puso niya sa nakikitang paghihirap ng kalooban ng nobyo.
" Sa'kin din naman,eh! Kasi mahal na kita!" pag amin niya dito." Kaya please, 'wag mo na kong pahirapan pa!"
Hinaplos ng nobyo ang pisngi niya at tinitigan siya sa mga mata.
" Kung ganon mahal mo na pala ako?!" hindi makapaniwalang tanong nito kasabay ng pag-aliwalas ng mukha nito.
Napatango-tango siya kaya muli siya nitong niyakap.
" Kaya kailangan mong magtiwala sa'kin,Mico." aniya pa.
" Hindi ko kayang makitang ikakasal ka sa iba, Camilla."
" Please? Pumayag ka na, 'wag mo na kong pahirapan pa," pakiusap niya dito.
Lalo niyang naramdaman ang higpit ng yakap nito. Nang kumalas ay hinalikan siya nito sa noo at sa buong mukha matapos ay sa labi. Mainit ang mga halik nito, punong-puno ng pagmamahal na pakiramdam niya ay magpapabago ng kaniyang isip ngunit naka bitiw na siya ng pangako kaibigan.
" I will trust you, Babe. Papayag na ko but i won't let you to break-up with me," anito.
Nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi ng lalaki.
" I want you to promise me one thing. Please, don't fall inlove with him."
" Ikaw lang ang mamahalin ko, promise iyan!"
Nang mga oras na iyon ay nabawasan ang tinik sa kaniyang dibdib. Ang mahigpit na yakap ng lalaki ay nagsilbing pampakalma sa magulo niyang isip. Hindi biro ang papasukin niya, alam niyang magdadala ito ng matinding kalungkutan sa kaniyang buhay. Papasok siya sa isang kasunduan na hindi siya sigurado kung kelan siya makakawala. Kailangan niya ang nobyo para mabawasan ang hirap na dadalhin niya.
Malalim na ang gabi kaya nagpasya silang doon na lang magpalipas ng gabi. Nasa tabing dagat sila nakahiga habang nakaunan siya sa bisig ng nobyo. Pinili nilang doon mahiga dahil sa preskong hanging hatid ng malamig na gabi. Naramdaman niya ang pagkilos ng lalaki at tumagilid ito paharap sa kaniya. Hindi man niya ito lingunin ay alam niyang nakatitig ito sa kaniya. Muli itong kumilos at lalong dumikit sa kaniya hanggang dumikit na ang mukha nito sa leeg niya, dinig niya ang malalim na paghinga nito. Hinaplos niya ito sa buhok habang napapapikit. Ramdam niya ang hirap ng kalooban nito hindi man ito magsalita.
Ngunit ang isang problema niya na lang ngayon ay kung paano sasabihin sa ina ang naging pasya niya na ang pagpapanggap lang na magnobyo ay mauuwi na sa kasalan, siguradong aatakihin sa puso ang kaniyang Ina. Nang makauwi siya kinabukasan ay naabutan niya ang Ina at si Athena na masinsinang nag uusap. Balisa ang mukha ng kaniyang Ina habang si Athena ay seryoso rin. Nang makalapit siya ay agad siyang napagalitan nito.
" Talaga bang wala ka ng respeto sa'king bata ka at inuumaga ka na lagi ng uwi,ha?!" nakita niyang may sumungaw na luha sa mga mata nito.
Napatingin siya kay Athena na nakayuko. Malamang ay na sabi na ng kaibigan ang plano nila. Hindi siya nakaimik napayuko na lang.
" Ano, ha?! Wala ka bang sasabihin sa'kin? Talaga bang masyado ng matitigas iyang mga ulo niyo mga bata kayo?!"
" Ma, sorry po," tanging nasambit niya.
Nilapitan niya ang Ina na tuluyan na ring naiyak niyakap niya ito ng mahigpit. Sa ikinikilos pa lang ng Ina ay alam niyang ipinaalam na ito ng kaibigan. Ang totoo ay wala siyang lakas ng loob para magsabi sa Ina dahil natatakot siya sa magiging reaksyon nito. Iniwan sila ni Athena at hinayaan silang mapag-isa.
" Pasensya ka na,anak kung wala man lang akong magawa sa sitwasyon mo ngayon,ah? Kasi noong nagkasakit ka malaki ang naging pasasalamat ko kay Athena at nangako ako sa kaniya na tatanawin ko iyong malaking utang na loob. Patawad kung hindi ko man lang siya matanggihan at alam kong ganoon ka rin." Pinahid nito ang luha matapos ang mahabang litanya.
" Promise, Ma. Tutuparin ko pa rin ang mga plano natin. Maipagpapatayo pa rin kita ng sariling bahay mo at magbubuhay reyna ka pa rin."
" Sus, ang batang 'to. Alam ko naman iyon anak," natatawang sambit ng nanay niya.
Pinilit niyang pasiglahin ang sarili. Nasisilip niya pa rin ang pag-asa na matatapos rin ang tila bangungot na kinakaharap. Hindi ito magtatagal at nakikita niya ang sarili na kasama si Mico at sabay nilang tutuparin ang pangarap.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging abala na siya muli sa pag-aaral at pag- aayos ng mga kakailanganing mga papel para sa nalalapit na kasal nila ni Damon. Muli na ring bumalik sa dating pamumuhay si Athena ngunit hindi nalilingid dito ang pananamlay niya ngunit nagpapanggap siyang okay lang ang lahat. Habang papalapit ang kasal pakiramdam niya ay papalapit na rin ang kaniyang katapusan.Sino ba naman ang hindi masisira ang katinuan kung pilit kang ipakasal sa lalaking kinaiinisan mo? Ano kaya ang mangyayari sa araw-araw nilang buhay habang kasama ito sa iisang bubong?
" So, ready ka na to be my wife?" dinig niyang tanong ng lalaki.
Kasama niya ito habang naghihintay sa distribution ng kinuha nilang papel para sa kanilang kasal. Hindi siya umimik at nakatingin lang siya sa kawalan. Ilang linggo na ring araw-araw niya itong nakakasama at bukas naman ay dadalo sila sa isang ceminar para sa tamang pagbuo ng pamilya. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nilang gawin iyon, hindi ba pwedeng direcho kasal na agad?
" Are you ready to cook for me? Para naman pagdating ko galing sa work,eh,may masarap akong hapunan."
Ilang araw na din na hindi niya nakakasama si Mico at kalat na rin sa school ang plano niyang pagpapakasal kaya naging limitado ang pagsasama nila ng nobyo. Namimis niya na ito.
" How many children do you want, huh? Ako gusto ko only three," tumawa ito ng mahina.
Nilingon niya ang lalaki kanina pa natutulilig ang tenga niya sa kasasalita nito. Nagagawa pa nitong magbiro sa mga klaseng sitwasyon at naiinis siya dahil doon. Ngunit napansin niya at lungkot sa mga mata nito, marahil ay nililibang lang nito ang sarili para takpan ang kalungkutang bumabagabag dito. Ilang segundo itong tumahimik bago muling nagsalita.
" Pasensya ka na, ha? Pati ikaw nadamay sa problema namin ni Athena.
Muli niya itong nilingon at nakita niyang seryoso na ito. May bahagi ng puso niya ang bumibilib para dito. Kung tutuusin kasi pwede naman itong 'wag pumayag sa gusto ng kaibigan, pwede naman iwan at hayaan na lang nito ang nobya pero hindi nito ginawa tanda na talagang mahal nito si Athena.
" Bakit ka pumayag?"tanong niya dito.
Napabuntong-hininga ito bago sumagot.
" Do i have a choice? I don't want to just watch ruin her life," seryosong tugon nito. " Eh, ikaw bakit ka pumayag?"
" Same," tipid niyang sagot.
Matagal na katahimikan ang namayani sa kanila bago ito muling nagsalita.
" There's one thing i want you to promise me."
Muli siyang napalingon dito at matamang nakinig.
" Please, don't fall inlove with me."
Bigla ay napangiwi ang mukha niya. Dinampot niya ang suot na sapatos at inihambalos sa lalaki. Tingin niya ay mag uumpisa na naman ang tila aso't pusa na bangayan nila ng lalaki.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Dumating na ang oras na kinatatakutan niya. Ang araw ng kasal nila ni Damon. Sakay siya ng isang magarang bridal car habang nakatulala. Napakaganda niya sa suot na gown na mismong si Athena ang pumili. Nakalugay ang mahaba niyang buhok at tila siya isang prinsesa sa kaniyang kasuotan.
Halos hindi niya maihakbang ang mga paa habang marahang naglalakad sa aisle ng simbahan. Pakiramdam niya ay isa itong deathmarch. Hilam na rin sa luha ang mga mata niya na natatakpan ng suot niyang belo. Hindi ito luha ng kaligayahan kundi luha ng kapighatian.
Ito kasi ang araw na ikakasal siya,ang pinaka-aasam ng maraming kababaihan ngunit hindi ng katulad niya. Pakiramdam niya kasi ay bibitayin na siya ng mga oras na iyon. Ikakasal siya sa lalaking kinamumuhian niya ng sobra,sa boyfriend ng bestfriend niya.
Iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid. Namataan pa niya ang lalaking bumihag na sa kaniyang matigas na puso. Namumula pa ang mga mata nito na tila galing sa pag-iyak. Humanga siya sa katapangan nito dahil kahit na masakit ay pinili pa rin nitong dumalo sa kaniyang huling hantungan este kasal.
Dumako ang tingin niya sa lalaking naghihintay sa kaniya. Si Damon Villaruiz. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Tila nagluluksa rin ang itsura nito. Gusto niyang kumaripas ng takbo ng mga oras na iyon.
" Dios ko! Bakit binuhay niyo pa ako?!" sigaw ng isip niya.
Namataan din niya ang kaniyang bestfriend na siyang maid of honor. Nakayuko lang ito. Pati na rin ang Nanay niya na walang tigil sa pagpunas ng luha.
Nang makaupo na sila at makaharap ang pastor ay naging blanko na sa kaniya ang lahat. Hindi niya na naiintindihan pati ang sermon nito. Ni halos hindi niya rin marinig ang sarili habang binibigkas ang wedding vow. Tila nagising lang siya sa mahabang pagkakatulog ng marinig ang sinabi ng pastor.
" You may now kiss the bride."
Tila iyon bomba sa kaniyang pandinig. Ni hindi niya rin namalayan na itinaas na pala ni Damon ang kaniyang belo. Inawat niya ang lalaki sa ginawa nito.
" Ah, pwede po ba, 'wag na 'yung mga ganyan,i mean next time na lang?" mahinang bulong niya sa pastor.
Nagtatakang tinignan siya nito. Nagpapalit-palit ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Damon.
" Eh,kasi po ano,eh. Maraming tao,may pagka shy type po kasi ako,saka-"
Naputol ang sasabihin niya ng bigla ay hinapit ni Damon ang kaniyang bewang at siniil siya nito ng halik sa kaniyang mga labi. Nanlalaki ang mata niya sa labis na pagkagulat lalo't naramdaman niya ang mainit at malambot nitong mga labi.