PINAHID ni Camilla ang luha na naglandas sa kaniyang pisngi at pilit na ngumiti. Pilit niyang pinasigla ang awra kahit ang totoo ay nanghihina siya sa ginawang pasya.
" Bes,a-anong sabi mo?" di makapaniwalang tanong ng kaibigan.
" Payag na akong magpakasal!" muling sambit niya.
Nakita niya na umaliwalas ang mukha ni Ahena samantalang si Damon ay labis ring nabigla.
" P-pero, paano ka? Paano 'yung mga pangarap mo?"
" Sus, makakapaghintay naman iyon, bata pa ako at malakas matutupad ko pa iyon," natatawa niyang tugon kahit ang totoo ay nanlalamig ang kaniyang katawan.
Agad siyang niyakap ng kabigan dahil sa labis na katuwaan. Sa ngayon ay handa muna niyang isuko ang pangarap na makapagtrabaho sa Amerika. Wala namang magbabago, tatapusin niya pa rin ang pag-aaral at baka dito na lang muna siya sa Pilipinas makikipagsapalaran. Alam niyang lalong sumama ang loob ng kaibigan dahil sa pagkakatanggal ni Damon sa company. Pag naikasal na sila maibabalik na ito at malaya nang magkikita ang dalawa anumang oras na gustuhin. Napatingin siya kay Damon na matiim ang pagkakatitig sa kaniya habang napapailing.
" Hoy,ano? 'Wag mong sabihing ayaw mo,choosy ka pa ganon?" pabiro niyang puna sa lalaki.
Pinipilit niyang pasiglahin ang sarili pero ang totoo ay gusto niya nang pumalahaw ng iyak.
" This is crazy!" dinig niyang bulong ni Damon.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ng kaibigan na kababakasan na ng kasiyahan sa mukha.
" Bes, i promise this will not take too long. Pag okay na ang lahat, pag kaya ko na siyang ipaglaban maghihiwalay din kayo! Thank you, Bes!" anito at hinalikan pa ang kaniyang mga kamay.
Napatango-tango siya bilang pagsang-ayon dito. Ang tanging problema niya na lang ngayon ay kung paano sasabihin sa magulang ang naging pasya niya. Pati na rin kay Mico na ngayon ay naghihintay sa kaniya sa kanilang tagpuan. Bigla ay natauhan siya, magkikita nga pala sila ni Mico, napatingin siya sa wristwatch at agad na napatayo.
" Kailangan ko munang umalis,Bes. Magkikita nga pala kami ni Mico ngayon," matamlay niyang turan.
" Paano nga pala si Mico? Pumayag kaya siya?" nag-aalalang tanong ng kaibigan.
" Huwag mo na siyang intindihin,ako nang bahala. Basta ang gusto kong gawin mo ngayon, ayusin mo ang sarili mo,okay?"
Nakangiting napatango naman ang kaibigan. Tumalikod na siya upang lisan ang lugar na iyon. Mabigat ang naging bawat hakbang niya kasabay nang panginiginig ng kaniyang katawan. Ang malaking problema niya ngayon ay kung paano sasabihin sa Ina ang magiging pasya niya, sana ay maintindihan siya nito na kailangan niyang tulungan ang kaibigan bilang pagtanaw ng utang na loob sa ginawa nitong sakripisyo sa kaniya. At kay Mico na hindi niya alam kung matatanggap ba nito ang kaniyang pasya.
Tinignan niya ang cellphone na kanina pa tumutunog. Marami ng missed calls at text si Mico na hindi niya nasagot ngunit nagpadala na siya ng mensahe na papunta na siya. Kung sakaling hindi pumayag ang nobyo at magmatigas ito ay mapipilitan siyang hiwalayan na lang ito kahit masakit.
Abot tenga ang ngiti ni Mico nang salubungin siya. Napakagwapo ng nobyo sa suot nitong polo-shirt na may mahabang manggas kaya litaw ang matipunong katawan ng lalaki. Maaliwalas din ang mukha nito na halatang punong-puno ng pagmamahal para sa kaniya.
" Hi!" tanging nasambit niya sa nakangiting binata.
Hinawakan nito ang kamay niya at inayang pumasok sa loob. Gaya ng dati ay punong-puno ng bulaklak ang place,humahalimuyak ang bango ng ibat-ibang bulaklak. Napaka romantic din ng lugar at may background song pa na tumatagos sa kaniyang puso.
Nakahanda rin ang ibat-ibang pagkain sa mesa pati na rin ang boquet of flowers na inabot sa kaniya. Naiiyak siyang napatingin sa binatang hindi mapawi-pawi ang ngiti sa mga labi.
" Happy monthsary, Babe, i love you so much!" anito na titig na titig sa kaniya.
Hindi niya alam ang sasabihin ng mga oras na iyon. Kailangan niyang nang sabihin dito bago pa magbago ang isip niya sa naging pasya. Masyado kasi siyang nalulunod sa kaligayahang pinapadama ng nobyo. Magsasalita na sana siya ng marahan nitong hinapit ang kaniyang bewang at masuyo siyang hinalikan sa labi. Mainit at punong puno ng pagmamahal ang halik na pinaramdam sa kaniya ng lalaki habang mahigpit na yakap ang kaniyang bewang na tila ayaw na siyang pakawalan pa nito. Ginantihan niya rin ng matamis na halik ang lalaki habang hindi niya na napigilan ang mapaluha. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay buong suyo siya nitong tinitigan.
" I love you," bulong pa nito. " I want to take this moment para sabihin sa'yo kung gaano kita kamahal," madamdaming wika pa nito. " You change me a lot and you really make me happy. I want you to be my forever and i hope you will say yes."
Napakunot ang noo niya sa huling katagang sinambit nito. Lalo siyang nagulat nang lumuhod ito sa harap niya at inilabas sa bulsa ang isang maliit na box na may lamang singsing.
" Please, be my wife?" anito sa nangungusap na mga mata.
Labis siyang nagulat sa ginawa ng nobyo, hindi agad siya nakapagsalita. Gusto niyang isiping nagbibiro lang ito ngunit nakita niya ang senseridad sa mga mata nito. Patunay ang hawak na singsingna seryoso ang lalaki.
" H-hindi," napapailing niyang sabi sa mahinang boses.
Hindi iyon nakaligtas sa pandinig ng lalaki kaya napalitan ng pagkalito at lungkot ang itsura nito. Gayunpaman, ay hindi pa rin ito tumatayo, nanatili itong nakaluhod sa kaniyang harapan na tila bang umaasa pa rin na papayag siya. Ayaw niya nang patagalin pa ang paghihirap ng kaniyang kalooban. Habang nakatingin kasi siya sa nangugngusap na mga mata nito ay tila ba gusto niya ng bawiin ang ipinangako sa kaibigan. Umiwas siya ng tingin dito bago magsalita.
" Tumayo ka nga diyan, hindi ako pwedeng magpakasal sa'yo!" matigas niyang sambit.
Dahan-dahan namang tumayo ang lalaki mula sa pagkakaluhod na tila naalarma sa ikinilos niya. Bakas sa mukha nito ang matinding lungkot at pagkadismaya sa sinagot niya.
" I'm sorry pero hindi kita pwedeng pakasalan," aniya sa malumanay nang boses.
Ngumiti ang lalaki ngunit bakas pa rin sa mga mata ang lungkot.
" Sorry, Babe, nabigla ba kita?" tumawa ito ng mahina at muling ibinalik sa bulsa ang box.
Ayaw niya nang magpatumpik-tumpik pa kailangan ng matapos 'to bago pa magbago ang kaniyang isip at matangay sa nararamdamang emosyon. Gusto niya itong yakapin at muling maramdaman ang matamis na halik nito ngunit pinigilan niya ang sarili at tinitigan ito ng diretso sa mga mata.
" Kailangan na nating maghiwalay, Mico," aniya sa nanginginig na boses.
Hindi niya mailarawan ang naging expression ng mukha ng lalaki. Gulat itong napatitig sa kaniya na tila hindi makapaniwala na pakiramdam nito ay masamang biro. Pinilit pa nitong ngumiti at inisip na nagbibiro lang siya.
" Hindi magandang biro iyan, Babe,ah," nangingiting wika nito.
" Hindi ako nagbibiro, Mico, kailangan na nating maghiwalay," naiiyak na niyang sambit.
Dahang-dahang napawi ang magandang ngiti ng lalaki. Sinubukan pa nitong ngumiti ngunit agad na binawi nang makitang seryoso siya. Napalunok ito ng laway at pinagpawisan.
" Ano 'to, ginu-goodtime mo ba ako? Hindi nakakatuwa, Babe,ah!" tila galit na nitong turan.
Ngunit nakita nito na seryoso siya at naiiyak kaya nataranta na rin ang lalaki.
" Babe? Anong?" Pinahid nito ang pawis na namumuo sa noo."Okay, i'm sorry kung nabigla kita, kalimutan mo na 'yung sinabi ko kanina at- i'm really, really sorry!"
Hindi niya na napigilan ang mapaluha kaya iniwas niya ang tingin dito. Niyakap siya nito ng mahigpit.
" Okay na, pasensya ka na talaga sa mga sinabi ko,sorry kung na pressure kita! Hindi na mauulit, Babe!" natatarantang sambit nito kaya lalo siyang napaluha.
Marahan niya itong tinulak ngunit hindi pa rin siya tumitingin sa lalaki.
" Hindi mo naiintindihan,eh! Kailangan nating maghiwalay kasi-"
" Bakit?!" hiyaw ng lalaki. " Because, i propose to you?! I said forget it! Hindi ko sinasadyang i-pressure ka, masyado lang akong natuwa kasi mahal na mahal kita!"hiyaw na rin ng lalaki.
" Ikakasal ako sa iba!"umiiyak na niyang sigaw.
" A-ano?!" nawalan ng kulay ang mukha ng lalaki. Lalo itong nalito dahil sa sinabi niya. " Pakiulit nga ng sinabi mo?!"
" Ikakasal ako kay Damon!"
Napapailing ang lalaki na tila hindi makapaniwala. Nakita niya ang pagngangalit ng panga nito at pagkuyom nito sa kamao. May sumungaw din na luha sa mga mata nito. Hindi niya matagalan na tignan ito kaya muli siyang umiwas ng tingin.
" Ikakasal ako kay Damon dahil kaylangan kong tulungan si Athena. Sana maintindihan mo'ko, i'm sorry!"
Matapos ay mabilis siyang naglakad para lisan ang lugar na iyon. Hilam sa luha ang mga mata niya. Mabilis namang humabol ang lalaki sa kaniya. Yumakap ito mula sa kaniyang likuran. Naramdaman niya ang pagpatak ng mainit na likido sa kaniyang batok. Tingin niya ay umiiyak ang lalaki. Pinilit niyang kumawala ngunit lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.
" No, please, don't do this!" pagmamakaawa nito na tila humihiwa sa kaniyang puso.
Hindi niya na napigilan ang mapahagulgol dahil sa matinding sakit at awa para sa lalaki. Umiiyak ito, kahayagan ng sobra nitong pagmamahal sa kaniya.
" Bakit kailangan mo'kong saktan ng ganito, Camilla? Lagi mo na lang binabalewala ang nararamdaman ko, why is it easy for you to hurt me?" puno ng pagdaramdam na tanong nito. " Do you love him now kaya ganoon na lang kadali na iwan ako?!"
Lalo lang siyang naiyak sa mga sinabi ng lalaki. Hindi niya na alam kung ano pa ang tamang salita para maipaliwanag dito ng maayos ang sitwasyon nila. Hinintay niya muna na pareho silang kumalma bago niya tuluyang ipaliwanag ang sitwasyon. Ayaw niyang isipin nito na kaya siya makikipaghiwalay ay dahil may mahal na siyang iba.