Chapter 25

1726 Words
PANANDALIANG nakalimutan ni Camilla ang problema ng araw na iyon. Excited siyang lumabas ng room pagkatapos ng klase nila. Nakatanggap kasi siya ng text mula sa nobyo na maghihintay ito sa inupahang resort kung saan madalas silang magkita ng lalaki. Monthsary nila ngayon at excited na siya sa sorpresang inihanda nito para sa kaniya. Dumaan muna siya sa powder room para ayusin ang sarili. Naglagay siya ng manipis na lipstick at powder naman sa mukha. Nang masigurong maayos na ang itsura ay lumabas na siya. Ngunit lumukot ang mukha niya nang malayo pa lang ay natanawan niya na si Damon, malamang ay hinihintay nito si Athena. Agad itong sumalubong sa kaniya nang makita siya. " Oh, Damon anong ginagawa mo dito?" " Samahan mo'ko, sunduin natin si Athena," anito sa balisang boses. " Ba-bakit? Nasaan ba siya?" " Hindi na siya pumapasok ng school matagal na, hindi mo ba alam?" Napabuntong-hininga siya. Hindi pala talaga pumasok ulit ang kaibigan. Akala niya ay may dinaanan lang ito kaninang umaga kaya ito bumaba sa kotse. Sa kabila ng naganap na pagtatalo sa pagitan nito at ng Ina ay nagmamatigas pa rin ang kaibigan. " Saan ba siya nagpupunta kapag hindi siya pumapasok?" tanong niya sa naiiritang boses. " The last time i saw her, nasa isang bar siya at umiinom and now i'm sure naroon sila sa bahay ng isa sa sa mga barkada niya." Bakas niya sa mukha ng lalaki ang pagkabalisa na tila may mabigat itong pinapasan. Ang dating makulit at hyper na Damon ngayon ay malamlam ang mga mata na kababakasan ng kalungkutan. Marahil ay apektado rin ito sa nangyayari sa kaibigan. " Noong una akala ko makikinig siya sa akin,eh. She started ruin her life, nagrerebelde ang kaibigan mo, Camilla and she needs you. You have to talk to her." " Sige, sasama ako sa'yo." Hindi na siya nagdalawang isip na sumama sa lalaki. Kailangan niya na rin kasing makausap ng masinsinan ang kaibigan bago pa nito tuluyang sirain ang buhay. Sa isang magandang bahay inihinto ni Damon ang kotse na minamaneho,nagtataka man ay lumabas na lang din siya kotse. " Narito ba siya?" Tumango lang ang lalaki at sunod-sunod na pinindot ang doorbell. Ilang sandali lang ay isang lalaki ang natanawan nila na lumabas ng pinto. Agad itong napangisi ng makita siya. " Hey, dude you're here, finally! Ano join ka na sa'min?" anito na tila lutang ang kilos. Mestiso ito at guwapo. Gaya ni Damon ay may malaking tatoo ito sa braso. " Where's Athena?" Matigas ang boses na tanong ni Damon. Nagngangalit ang panga nito na tila ba gustong kainin ng buhay ang kaharap. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari dahil sa kinikilos ng binata. " Hey, relax dude! Palagi ka na lang galit tuwing magkikita tayo," nakangising tugon nito. Binuksan ng lalaki ang gate at agad na pumasok si Damon dire-diretso sa loob kasunod siya. Naabutan nila ang grupo nito na nakaupo sa sofa kasama si Athena na pangisi-ngisi na tila high na rin. Natutop niya ang bibig dahil sa nakita, alam niyang hindi maganda ang ginagawa ng mga ito. Nagkalat rin sa sahig ang mga bote ng alak at upos ng sigarilyo. " s**t! Sino ang mga yan pre?" gulat na bulalas ng isang lalaki habang nakaakbay sa katabi nitong babae. Tingin niya ay mga estudyante rin ito na piniling mag cutting classes at sa kasamaang palad ay gumagamit na ipinagbabawal na gamot. Mga mayayamang kabataan na hindi mahanap ang tunay na kaligayahan sa kabila ng dami ng pera kaya piniling sirain na lang ang buhay. Mga anak na nagrerebelde para lang mapansin ng mga magulang. " Athena's friend, i think they wanna join us," nakangising sagot ng lalaking sumalubong sa kanila. Kumuha pa ito ng bote ng alak at iniabot kay Damon. " Are you sure of this baka isumbong tayo niyan!"muling sagot ng lalaki. " Babe, you're here!" bulalas ni Athena. Tinignan niya ito ng matalim habang bakas pa rin sa kaniya ang pagkabigla. Agad itong hinila ni Damon para umuwi ngunit pinigilan ito ng lalaki. " Wait, saan mo siya dadalhin?" Marahas itong tinulak ni Damon habang tila natauhan naman si Athena dahil sa ginawa ng nobyo. Bumundol ang kaba sa mukha niya ng makita ang galit na expression sa mukha ng lalaki. Tiyak niyang dehado si Damon dahil apat ang lalaking naroon. " You are in my house so stop being arrogant!" anito sa galit na boses sabay tungga sa hawak na bote na nangalahati dahil sa pagkakatapon. Imbis makitaan ng takot si Damon sa halip ay marahas niyang kinwelyuhan ang lalaki. " From now on, you stay away from my girlfriend at sana this is the last time na makikita ko ang pagmumuka mo, maliwanag ba?" madiing wika ni Damon. Nakita niya ang pagtayo ng apat na lalaki para tulungan sana ang kasamahan, kaya sinigawan niya ang mga ito habang nakataas ang cellphone at mabilis niyang kinuhanan ng picture. " Hep! Diyan lang kayo! Subukan niyong tumayo at ipopost ko ang mga pagmumuka niyo sa page ng school natin, tignan ko lang kung anong sabihin ng mga parents niyo!"banta ni Camilla sa mga ito. Ngunit kabado pa rin siya dahil alam niya na sa isang iglap ay kayang kaya ng mga itong agawin ang cellphone mula sa kaniya. Ngunit mabuti na lang at agad na naalarma ang apat na lalaki at nagsibalik ang mga ito sa upuan. Kahit mga kabataan pa lang ang mga ito ay makikitaan na ng pagiging agresibo. Lalo na ang lalaking hawak ni Damon, nakangisi lang ito. " Iyong girlfriend ko lang ang kailangan namin, hahayaan na namin kayo but i'm warning you 'wag ka ng lalapit sa girlfriend ko!"matigas pa ring sambit ni Damon. " Then leave!" asik ng lalaki kay Damon habang nakadipa ang mga braso tanda ng pagpayag sa gusto niya. Inalalayan niya ang kaibigan na tila wala na naman sa sarili. Amoy alak ito at sa tingin nila ay lasing na rin. Pinagtulungan nila itong alalayan hanggang sa maipasok nila ito sa kotse. Nakayukyok ito sa loob dahil sa kalasingan habang pinagmamasdan nilang dalawa. Gusto niyang maiyak ng mga oras na iyon. " Hindi natin siya pwedeng iuwi agad sa inyo sa ganyang kalagayan." " Tama ka, tiyak na magagalit ng sobra si Tita," aniya na tila lutang na rin dahil sa pagkabigla. Nagpasya na lang sila na dalhin muna nila ito sa hotel at kapag nahimasmasan na ay saka lang nila ito iuuwi. Habang tulog ito ay mataman niya itong pinagmamasdan. Lupaypay ang katawan nito, magulo ang buhok at bakas sa mukha nito ang paghihirap ng kalooban. Hindi niya na napigilan pa ang pag-agos ng kaniyang luha habang pinagmamasdan ang kaawa-awang itsura ng matalik na kaibigan. Muling bumalik sa kaniyang isip ang alaala nilang dalawa kung saan masayahin pa at punong puno ng sigla ang kaibigan, namimis niya na ang dating Athena. Muli ring nanariwa ang isang kaibigan na palaging nasa tabi niya lalo na noong magkasakit siya kung saan kasama niya itong umiiyak. Sa twing nahihirapan siya sa sakit niya ay nahihirapan din ito. Isang larawan ng tunay na kaibigan kung saan nakaramdam siya ng tunay na pagmamahal at malasakit. " Ang selfish mo, Camilla. Pinabayaan mo ang bestfriend mo," aniya sa sarili habang lumuluha. Muli ring nanumbalik sa kaniya ang pangako nila sa isa't-isa. Pangako na nagpatatag pa lalo sa kanilang samahan ngunit sinira niya. Kaya naman ng gabing iyon, pikit-mata siyang gumawa ng desisyon. Sa pagkakataong ito, siya na naman ang magsasakripisyo na kahit kailan ay hindi niya ginawa. Hindi kakayanin ng konsensya niya na patuloy na sirain nito ang buhay habang wala siyang ginagawa. Napakagat-labi siya habang patuloy na bumabalong ang luha sa kaniyang mga mata. Pinahid niya ang luha ng mapansin ang marahang pagkilos nito. Dahan-dahan nitong iminulat ang mata at luminga sa paligid. Nang makita siya ay nag-iba agad ang expression ng mukha nito. Kababakasan ng pagkadismaya at sama ng loob para sa kaniya. " Nasaan si Damon?"anito na iniwas ang tingin sa kaniya. " Lumabas muna siya sandali para bumili ng pagkain," nakangiti niyang tugon. " Umuwi ka na baka hinahanap kana ni Tita." " Hindi ako uuwi ng hindi ka kasama, Bes." Lumingon sa kaniya ang kaibigan na may mapait na tingin. " Please? I just want to be alone!" asik pa nito sa kaniya. " Ayoko, hindi kita iiwan dito!" Bumangon ang kaibigan at nasapo ang ulo na tila nakaramdam ng pagkahilo. " Bakit ba ang kulit mo? Gusto ko ngang mapag-isa sabi,eh!" naiiyak na sambit nito. " Ikaw ang makulit! Sinisira mo ang buhay mo tapos gusto mo iwan kita?" umiiyak niyang tugon dito. Hindi na rin napigilan ni Athena ang maiyak sa tindi ng emosyong nararamdaman. Ilang saglit silang nag-iyakan ng sandaling iyon. " I'm sorry, Bes!" anito habang umiiyak. " Sorry kung naging selfish ako, sorry kung feeling mo dinidiktahan kita palagi. Kaya from now on, i will keep distance. Hindi naman ako galit sa'yo,eh, naiintindihan kita kung ayaw mo talaga." Pareho na silang hilam sa luha ng mga oras na iyon hanggang sa dumating si Damon na nagulat pa sa eksenang dinatnan. " Don't hesitate to get away from me, okay lang 'yun, i understand.I'm doing this because i just wanted you to be free, but if you need a friend i'm still here naman,eh." Pilit itong ngumiti at pinahid ang luha. Napailing-iling naman siya sa sinabi nito. Pinahid niya ang luha at ngumiti. Talagang napakabait ng kaibigan, nagawa pa nitong isipin ang kalagayan niya sa kabila ng nararanasan nitong problema. Ngayon siya na naman ang babawi, gusto niya ring matawag na isang mabuti at maaasahang kaibigan. " Hindi mo naman kailangang gawin 'yun,eh. Hindi kita iiwasan, Bes,walang dapat umiwas isa man sa'tin." " I'm sorry but i have to. Kasi pag patuloy pa rin ako na malapit sa'yo lalo ko lang nararamdaman ang galit ko sa sarili na minsan naging selfish ako!" anito na muling umiyak. Nilapitan niya ito at pinahid ang luha. " Hindi ka selfish, Bes! Marami ka ng naitulong sa'kin at oras ko naman ngayon para bumawi. Pumapayag na ako sa gusto mo," aniya na pumiyok pa. Hindi agad nakaimik si Athena. Natulala itong napatitig sa kaniya pati na rin si Damon na napatingin sa kanila. Pinahid niya ang luha na muli na namang naglandas. " Oo, payag na ako na pakasalan si Damon," aniya na pilit na ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD