DAHIL sa pagkabigla ay hindi kaagad siya nakakilos. Tutop niya ang bibig at nanlalaki ang mata. Pakiramdam niya ay nahalikan siya ng aso.
" Ayan, tapos na!" Anito habang pinunasan pa ang sariling labi.
Nang makabawi sa pagkabigla ay gusto niya itong sapakin ngunit natigilan siya, nasa simbahan nga pala sila. Tiningnan niya na lang ito ng matalim habang naiiyak. Tinignan niya rin si Athena na kasalukuyang nakayuko pa rin kaya nakahinga siya ng maluwag dahil hindi nito nakita ang ginawa ng nobyo.
" Okay. I now pronounce you, husband and wife," nangingiting sambit ng kaharap na pastor.
Hindi niya napigilan ang matawa ng marinig iyon. Mag asawa na sila ni Damon ngayon.
" Humanda ka sa'kin mamaya, Damon Villaruiz!" sigaw ng isip niya.
Ngayon pa nga lang ay nakaisip na ng kalokohan ang lalaki paano pa kaya sa mga susunod na araw? Gusto niya ng maloka at maglupasay sa sahig ng simbahan.
" Ang ganda mo,iha!" pukaw sa kaniyang atensyon ng mama ni Damon.
Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito. Matamis ang mga ngiti nito habang hinahaplos ang kaniyang buhok.
" Hi po," nahihiyang bati niya.
" Mommy na tawag mo sa'kin,ah?" anito sabay tawa. " Oh, balae!" bati rin nito sa Mama niya nang makalapit.
Namalayan niya na lang na nagkakagulo na para sa picture taking. Pakiramdam niya ay lutang siya ng mga oras na iyon. Inis niyang tinignan si Damon na abala rin sa mga bumabati dito. Matamlay naman ang ngiting lumapit si Athena sa kaniya para makisali sa picture taking, habang hinahanap ng kaniyang mga mata si Mico ngunit hindi niya na ito makita. Malamang ay umuwi na rin ito.
Sa bahay ni Damon ginanap ang reception dahil na rin sa kagustuhan ng Mama niya. Nakahiyaan kasi nitong gamitin ang mansion na hindi naman nila pag-aari lalo't palabas lang naman ang lahat.
Marami sa kamag-anak at kaibigan ng pamilya ni Damon ang dumalo. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagtataka kung bakit siya at hindi si Athena ang pinakasalan ng lalaki.
" Anong nangyari? Bakit ibang babae ang pinakasalan ng anak mo? Hindi pala si Athena ang girlfriend niya?" dinig niyang tanong ng isang kamag-anak ng lalaki habang kausap ang kaniyang bienan kuno.
" Alam mo naman ang mga kabataan ngayon, paiba-iba ng gusto."
Napabuntong-hininga na lang siya dahil doon. Ang totoo ay gusto niya ng matapos ang araw na iyon. Gusto niya ng matulog at mapag-isa sa kwarto at isipin na sana ay masamang panaginip lang ang lahat ng ito. Pasimple siyang umalis sa reception at pumunta sa madilim na bahagi para walang makakita na umiiyak siya. Hindi niya namalayan na nakasunod pala ang kaibigan. Agad niyang pinahid ang luha sa mga mata at pilit na pinasigla ang boses.
" Pagod ka na ba? Gusto mo sabihan ko si Damon na pumunta na kayo sa hotel?"
Ang hotel na tinutukoy nito kung saan gaganapin ang pekeng honeymoon nila ng lalaki.
" Okay lang ba iyon na iwan na namin sila?" aniya sa matamlay na boses.
" Oo naman, i know you're tired."
Ngumiti siya rito at napatango na lang. Niyakap siya ng kaibigan.
" Salamat, Bes,ah? Tatanawin ko itong malaking utang na loob."
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at tinapik tapik ang likod ng kaibigan.
" So, bayad na'ko sa'yo?" pabiro niyang sambit.
" Oo naman, sobra pa nga,eh!"
Nagkatawanan silang dalawa.
" Hindi lang naman 'to tungkol sa utang ko sa'yo 'no! Hindi lang talaga kita matiis," aniya.
" I know. Bestfriend tayo, eh!" nangingiting tugon nito.
Iniwan siya saglit ng kaibigan para puntahan si Damon. Nagpaalam muna siya sa magulang bago nila tinungo ang hotel. Tahimik lang silang dalawa ni Damon habang lulan ng kotse. Mamaya niya na 'to kakastiguhin pagdating nila sa hotel. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid, inaasahang makikita man lang si Mico, ngunit wala ito.
" So, are you ready for our honeymoon?" pilyong tanong ng lalaki nang marating nila ang hotel.
" Ang lambot pala ng labi mo, ah?" Pang-iinis pa rin nito.
Naningkit ang mata niya sa inis, talagang pinaalala pa nito ang ginawang kalokohan kanina sa simbahan.
" Ah, ganon?" Tumawa siya ng pagak at agad itong nilapitan.
Huli na para makaiwas si Damon. Agad niya itong hinawakan sa magkabilang balikat at buong pwersa niyang tinuhod ang bagay na nasa pagitan ng hita nito.
Hindi naman mailarawan ang naging itsura ni Damon. Nawalan ng kulay ang mukha nito kasabay ng impit na daing.
" Ouch!" nakangiwing sambit ni Camilla. " Ano, masakit ba? Hindi ka na nawalan ng kalokohan sa buhay,ah!"
" Ba-bakit naman ang 'buddy' ko pa?!" nauutal na sambit nito habang namimilipit sa sakit.
Gusto niyang humagalpak ng tawa sa itsura ng lalaki ngunit natutop niya na lang ang bibig. Para itong bagong tuli at tutop ang harapang bahagi.Agad niyang binuksan ang pinto ng hotel at pinalabas 'to.
" Doon ka matulog sa labas, dali labas na!" pagtataboy niya sa lalaki.
" Why are you so mean to me, Baby? I'm your husband now." anito at humabol pa ng pang-aasar.
" Lalabas ka ba o sisipain kita palabas?!" gigil na niyang tanong dito.
Pangisi-ngisi na kumilos ang lalaki kahit halatang hindi pa ito nakakabawi sa sakit. Lalabas na sana ito ng bumungad sa kanila si Athena.
" Oh, Bes? Anong ginagawa mo dito?"
Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay isa itong Anghel na biglang dumating para tulungan siya.
" Sige na, Bes magpahinga ka na. Kumuha ako ng isang kwarto para saming dalawa ni Damon," nakangiting tugon nito.
Gusto niyang matawa ngunit pinigilan niya. Dahil mukhang ang dalawa ang magho-honeymoon.
" O, sige, Bes, magpapahinga na'ko. Goodluck na lang kung magamit mo pa iyan," pigil ang tawang sambit niya.
Napansin niya naman ang pamumula ng mukha ni Damon at pinandilatan siya kaya hindi niya na napigilan ang tumawa.
" Why? What do you mean?" takang tanong ni Athena.
" Ah, Babe let's go. Hayaan na natin siyang magpahinga," singit ni Damon at hinila na ang braso ng nobya.
Sinarado niya na ang pinto ng hotel at natatawa pa rin habang nakasandal sa pinto. Maya-maya ay inapuhap ang bag para kumuha ng damit. Kanina pa kasi siya nangangati sa suot na gown. Nang makapagbihis ay agad niyang ibinagsak ang pagod na katawan sa malambot na kama. Water bed iyon kaya pakiramdam niya ay hinehele siya. Agad siyang nakatulog at kinalimutan saglit ang mga problemang kinakaharap.
Nagising siya kinabukasan sa ring ng kaniyang cellphone, si Mico ang tumatawag.
" Hello, Babe?"
" Hi! How's your sleep?"
" Okay lang, ikaw?"
Narinig niya ang paghinga nito ng malalim.
" Hindi ako nakatulog kaya ang sakit ng ulo ko."
" Ikaw talaga. Baka hindi ka makapasok niyan?"
" Bakit pa? Hindi rin naman kita makikita dun." Tila walang ganang sagot nito.
" Babe naman,eh. Sige na bangon na diyan may pasok ka pa."
" I just thinking kung sino ang katabi mo ngayon." Sa halip ay tugon nito.
" Syempre,wala!"
" Can you take a picture for a proof?"
Sinunod niya ang nobyo at kinuhanan ang sarili. Agad niya itong nai-send sa lalaki.
" You're so pretty, Babe! Lalo na kahapon, napakaganda mo."
Napangiti siya sa papuring iyon ng nobyo.
" How i wish na tayo na lang 'yung kinasal."
" Bakit nga pala bigla kang nawala kahapon?"
" Ang totoo, hindi na ko nagtagal, umalis na rin ako. Mahirap na,eh. Baka mapasigaw pa ako ng 'tutol'"
Natawa siya sa sinabi ng binata. Nakahinga na rin siya ng maluwag dahil hindi nito nakita ang ginawa ni Damon.
" Can i see you now? I really miss you!"
" Hindi pa pwede, Babe. Alam mo naman kung bakit di ba?"
" Hindi naman kayo totoong mag-asawa,ah?" May himig na pagdaramdam sa boses ng lalaki.
Narinig niya ang marahang pagbukas ng pinto. Si Damon,may dala itong tray na may lamang pagkain.
" Paano ka nakapasok, may susi ka?!" gulat niyang tanong dito.
" Who's that?" dinig niyang tanong sa kabilang linya. " Is it Damon? How did he get into your room?" matigas ang boses na tanong nito.
" Hindi naman naka-lock, eh. May dala akong food,kumain ka na. Kanina pa umalis si Athena."
" Babe?"
" Ah, Babe sige mamaya na lang."
" Don't turn off the phone!" Utos sa kaniya ng lalaki.
" Si Totoy ba iyan?" nakangising tanong nito sa kaniya. Mukhang may iniisip na namang kalokohan ang lalaki.
Binato niya 'to ng unan para lang manahimik ngunit lalo lang itong tumawa ng malakas.
" Sige na, Babe. Bye na. I love you."
Hindi niya na hinintay na makasagot ang nobyo agad niya niya na itong nai-off.
" Paano mo nga pala napapayag ang boyfriend mo na ikasal ka sa'kin?" anito na ibinagsak ang katawan sa kama.
Sinipa niya ito at pinaalis ngunit hindi tuminag ang lalaki. Pumikit pa ito at nagkunwaring tulog. Naka unan ito sa sariling braso.
" Alam mo Camilla, masanay ka na na makasama ako lagi sa iisang kwarto," anito habang nakapikit.
Nanlaki naman ang mata niya sa tinuran nito ngunit alam niyang wala naman siyang magagawa na. Sa bahay ng lalaki sila titira kaya hindi pwedeng makita ng Mommy nito na magkaiba sila ng kwarto. Napahinga na lang siya ng malalim nakita pa niyang iminulat ng lalaki ang isang mata at ngumiti ito ng pilyo. Kinuha na lang niya ang pagkain na nakapatong sa side table at sinimulang kainin. Naalala niyang hindi nga pala siya kumain kagabi kaya ganoon na lang ang naging gutom niya. Napangiti siya ng mapansing marami ang dinalang pagkain ng lalaki, masasarap kaya nakalimutan niya saglit ang inis dito at in-enjoy na lang ang pagkain. Napalingon pa siya sa lalaki ng marinig niya ang paghilik nito.
" Ang bilis niya namang nakatulog, halatang nagpakapuyat," naiiling niyang turan.
Nakaposisyon ng tuwid ang higa ng lalaki kaya hindi sinasadyang mapatingin siya sa maamong mukha nito. Mula sa makakapal na kilay nito, sa matangos na ilong at sa mamula-mula nitong labi na kahapon lang ay naramdaman niya ang lambot nun. Tila tuloy nararamdaman pa niya ang malambot na labi ng binata ngunit agad siyang napangiwi sa naisip. Ipinilig niya ang ulo na tila ginigising ang sarili. Napatitig rin siya sa dibdib nito, mabalahibo iyon.
" Ano ba 'tong ginagawa ko?" aniya na natatawa.
Tumayo siya at kinuha ang kumot na nasa tabi lang nito. Tinakluban niya ito ng kumot mula ulo hanggang paa.
" Ayan! May you rest in peace!" aniya at muling tinuloy ang pagkain.