Chapter 29

1565 Words
ALAM ni Camilla na hindi magiging madali ang ginawa niyang desisyon. Mahihiwalay siya sa Mama niya dahil kaylangan niyang sumama kay Damon at matulog sa iisang kwarto.Kaylangan niya ring pakisamahan ang pamilya ng lalaki lalo na ang Mommy nito. Kay Mico na alam niyang mahihirapan din sa sitwasyon nila at kailangan niyang hatiin ang oras para dito. At higit sa lahat, idagdag pa ang araw-araw na pambubwisit ng lalaki na kailangan niyang makasanayan. Sa edad na twenty, hindi pa rin siya makapaniwalang kailangan niya ng harapin ang ganoong kabigat na problema. Pinagmasdan niya ang lalaking katabi habang himbing pa rin sa pagkakatulog at natatakluban ng puting kumot, dinig niya pa ang paghilik nito. Gusto niya sanang umalis at iwan na lang ang lalaki pero pinigilan niya ang sarili, kailangan niya nang masanay na kasama ito lagi. Wala na siyang pagpipilian pa.Dahil sa pagod sa kakaisip ay nagpasya na lang din siyang mahiga sa pinaka gilid ng kama Pinangharang pa niya ang ilang mga unan sa pagitan nila ng lalaki. Hanggang sa tuluyan na nga siyang makatulog. Ilang oras din siyang nakatulog nang magising ang diwa niya. May naaamoy siyang mint leaves ngunit mainit-init iyon. Dala ng kuryosidad ay iminulat niya ang mata para lang magulat. Katabi niya na si Damon at magkalapit ang kanilang mukha. Halos sumayad na ang tungki ng ilong nito sa ilong niya. Nakadantay pa ang isang paa nito sa balakang niya. Hininga pala ng lalaki ang naamoy niya dahil nakaawang ang bibig nito. Dahil sa gulat ay nahampas niya ito sa mukha na labis ring ikinagulat ng lalaki. Nanlalaki ang mata nitong bumangon na tila naalimpungatan ngunit agad niya itong sinipa dahilan para mahulog sa kama ang lalaki. Isang impit na daing ang narinig niya mula rito. " Bakit mo naman ako sinipa,ano bang problema mo?" dinig niyang reklamo ng lalaki. " Nakakainis kang manyak ka! Nakadantay pa iyang hita mo sa akin!" Binato niya ito ng unan. " Hey, enough!" asik nito sa kaniya. " Ano bang malay ko, eh, pareho tayong tulog" anito at nagkamot ng ulo. Tumayo ito at akmang mahihiga na naman. " Hep! Doon ka sa sofa matulog sipain kita diyan, eh!" Ngunit muling ibinagsak nito ang katawan at dahil water bed iyon naging malakas ang pag alog nila. " Ayy! Sarap!" anito na ipinikit pa ang mga mata. " I already told you, Camilla masanay ka nang makasama ako because you have no choice!" anito habang nakapikit. " Hoy! Magkasama nga tayo sa isang kwarto pero sa baba ka matutulog 'no!" Narinig niya ang mahinang tawa nito. Nagmulat ito ng mata at tumagilid paharap sa kaniya. " Are you afraid of me?" pilyo ang mga ngiting tanong nito. " I already warn you, don't fall in love." Sa inis ay binato niya ito ng unan. Bumalikwas siya at nagpasyang sa sofa na lang matulog. Muli niyang narinig ang nakakainis na tawa nito kaya tinakpan niya ng unan ang mukha niya. Hindi niya alam kung kailan siya tatagal ngunit alam niyang ito pa lang ang simula ng pambi bwisit sa kaniya ng lalaki. Muli siyang nakatulog nang mga oras na iyon. Sa tingin niya ay buong araw na lang siya matutulog kaysa makita ang nakakainis na mukha ng lalaki. Pabor din naman sa kaniya iyon para makabawi naman siya sa ilang buwang pagpapagod sa pag-aaral. Nagising siya nang makaramdam ng gutom. Sinipat niya ang kaniyang wristwatch, ala una na pala ng hapon. Bumangon siya at nag-inat napansin niyang wala na doon ang lalaki kaya napangiti siya, masosolo niya ang buong kwarto. Agad siyang lumipat sa kama at muling pumikit, tingin niya ay nakauwi na ang lalaki ngunit bigla namang tumunog ang tiyan niya. Naalala niya wala nga pala siyang dalang pera paano siya makakakain? Napasimangot siya nang maisip iyon. Ngunit maya-maya lang ay muling bumukas ang pinto. Si Damon kasama ang isang waiter na may dalang pagkain. " Okay, thank you!" wika ng lalaki at inabutan ng tip ang nasabing waiter. Natakam siya nang maamoy ang ulam na dala ng waiter. " Gising ka na pala, sakto kumain na tayo." Lumapit ito sa pwesto niya habang tulak tulak nito ang trolley na naglalaman ng iba't-ibang putahe. May breefsteak tagalog, beef caldereta, chicken barbecue at ibat-ibang seafood pati na rin ilang dessert. Narinig niyang kumulo ang tiyan niya sa nakita. Inilapit ito ng lalaki sa kaniya. " Sabi ni Athena alagaan daw kita kaya kumain ka na," anito at nag-umpisa ng sumubo. Napatingin siya sa mapulang labi nito habang ngumunguya. Muli niya na namang naalalaa ang ginawa nitong paghalik sa kaniya kaya umasim ang mukha niya. Napansin naman ng lalaki na hindi siya kumikilos, nakasimangot lang siya habang nakahalukipkip. " Oo na, sige na aalis na po. Dito na lang ako kakain sa sofa, Maam!" anito at binitbit ang sariling plato. Pumwesto ito sa sofa habang nakatalikod sa kaniya kaya napangiti siya at nag-umpisa nang kumain. Gutom na gutom siya nang mga oras na iyon kaya kakainin niya ang lahat nang putahe na nasa harapan niya. " 'Di ba HRM course mo, so magaling ka magluto?" tanong nito sa kaniya. " Management ang major ko hindi culinary, okay?" " Paano iyan? How can you cook for me kung hindi ka pala marunong magluto?" Kunwa ay reklamo nito. " Hoy! Hindi ako pumayag na magpakasal sa'yo para ipagluto ka 'no! Hindi kasali sa usapan iyon, batuhin kita ng kutsara,eh!" mataray niyang wika kaya natawa ang lalaki. " Pero kung mapilit ka talaga pwede naman kitang ipagprito na lang ng itlog," aniya sabay tawa ng malakas. " Bakit ka ba nagustuhan ni Mico kung hindi ka pala marunong magluto?" nang-aasar na wika ng lalaki. " Ang yabang mo! Eh, ikaw bakit ka nagustuhan ni Athena? Eh, mukha ka namang may saltik!" napipikon niyang tugon kaya muling napahalakhak ang lalaki. " Because there's something special about me that Athena can only see," pagyayabang ng lalaki. " Talaga ba? Okay sige na sabi mo,eh!" sarkastiko niyang tugon. Nang matapos silang kumain ay inaya na rin siya nito na umuwi na sa bahay ng lalaki na sinang ayunan na lang niya. Medyo madilim na nang makarating sila ng bahay at agad silang sinalubong ng Mommy ni Damon. " Oh, bakit naman ang bilis ng honemoon niyo, paano naman ako magkaka apo agad niyan?" pabirong turan ng Mommy ni Damon. Nagmano naman agad siya dito bilang pagbati. " Ilang apo ba ang gusto niyo, Mom?" anito na kinindatan pa siya. " Syempre gusto ko marami para mas masya. Pero dapat puro babae,ah?" sagot ng natutuwang matanda. " Narinig mo 'yun loves,ah?" Pinandilatan niya ito ng mata sabay pasimpleng kinurot sa tagiliran. Matapos nun ay inihatid sila nito sa kanilang kwarto. " Ayan, pinaayos ko pa at pinaganda ang kwarto niyo. Sige na iha, magpahinga ka na. Welcome to our family, feel at home,ah?" anito at hinalikan pa siya sa pisngi. Nahihiya siyang napangiti na lang sa mabait na matanda kasabay ng pagkurot ng konsensya sa kaniyang dibdib. Wala itong kamalay-malay na palabas lang ang lahat. " Sige na, magpahinga ka na, maghahanda lang ako ng dinner natin," anito na sumunod na rin sa Ina. Napaupo siya sa kama nang mapag-isa. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwarton. Maaliwalas at malawak iyon. Hanggang kailan kaya ang itatagal niya sa lugar na iyon o tamang sabihing tatagal nga kaya siya? Bigla ay namiss niya ang kaniyang Mama. Gusto niya itong tawagan ngunit pinigilan niya ang sarili. Kailangan niya nang masanay na malayo dito at sanayin ang sarili sa bagong mundo na ginagalawan niya. Sa mata ng mga tao ay may asawa na siya at kailangan niyang kumilos ng naaayon. Isa-isa niyang inayos ang mga gamit pati na rin ang mga damit niya sa namataang cabinet. Inabala niya na lang ang sarili sa pag-aayos habang naluluha. Pipilitin niyang maging matapang at panindigan ang desisyong ginawa. Nang matapos ay kinuha niya ang cellphone, nai-off nga pala niya iyon matapos makausap ang nobyo. Nagpasya siyang tawagan na lang ito para mabawasan ang lungkot na nararamdaman. May himig na pagtatampo sa boses nito nang makausap niya. " Bakit mo naman ako pinatayan ng cellphone, Babe?" " Sorry, naging busy lang ako kanina," pagsisinungaling niya dito. " Bago mo patayin ang cellphone narinig ko ang boses ni Damon. Ano bang ginawa niyo?" Pangungulit pa rin ng lalaki. Hindi nya alam ang isasagot sa lalaki, ginawa niya lang naman iyon sa takot na may masabing kalokohan na naman si Damon dito. " I miss you, Babe!" aniya na pilit na iniba ang usapan. " I'll try to call you but you're out of coverage na. Masyado mo'kong pinag-aalala,Babe!" Nagtatampo pa ring wika ng lalaki. " Galit ka ba? Sorry na?" " Hindi ako galit. Nag-aalala lang ako sa'yo at hindi ko maiwasan ang magselos," malambing ng sagot nito. " I love you, too! Can i see you now, please?" " Babe naman,eh. Magkikita naman tayo bukas sa school 'di ba?" " Makikita nga kita pero hindi naman kita magawang lapitan ni mahawakan." " Eh, di after ng school pumunta tayo sa resort!" " What if 'wag na muna tayo pumasok bukas dumiretso na tayo doon!" " Babe,ah! Bad influence ka!" Narinig niya ang pagtawa nito sa kabilang linya. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya matapos makausap ang nobyo. Pero alam niyang hindi matatapos doon ang problemang kinakaharap. Alam niyang marami pa siyang pagdadaanan sa panibagong yugto ng kaniyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD