Chapter 30

1777 Words
ABALA si Damon habang nakatitig sa screen ng kaniyang laptop sa office, matapos kasi ang ilang linggo pagkatanggal bilang shareholders ng company ay naibalik na rin siya. Noong una ay hindi niya na sana tatanggapin pa at ibebenta na lang sana ang shares ngunit naalala niya ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. Sa ngayon, hindi muna niya paiiralin ang pride, saka na siya mag-iisip ng ibang paraan para tuluyang makawala sa anino ng kaniyang Ama. Narinig niyang may kumatok sa pinto. " Come in!" Aniya na nakatutok pa rin ang atensyon sa ginagawa. Nagulat siya ng iniluwa noon ang isang tao na matagal niya nang hindi nakikita. Si Zeke, ang kaniyang bestfriend. " Pare!" anito at mabilis siyang nilapitan at niyakap at tinapik- tapik ang likod. " Kumusta na? Long time no see,ah!" Aniya at tinapik din ang balikat ng kaibigan. " Teka? Kailan ka pa dumating?" gulat pa rin niyang tanong dito. Si Zeke na highschool pa lang ay kaibigan niya na. Partners in crime. Kasama niya 'to sa pagbibilang at pagpapaiyak ng mga babae noong nag-aaral pa sila. Nang maka graduate ng highschool ay naghiwalay na sila dahil pumunta ito ng canada at doon nagtapos ng pag-aaral habang siya naman ay sa Amerika. Naging successful businessman na rin ito na kung saan ay may sarili ng club. " About three weeks? By the way kumusta na?" Inilibot nito ang paningin sa paligid. " Whoa! Ang ganda ng office mo,ah!" " Three weeks? And ngayon mo lang ako dinalaw?" " Sorry, pare sobra lang talaga ako naging busy, eh. Alam mo naman minsan lang ako makadalaw dito sa Pinas and sa club agad ang atensyon ko." " So, stay here for good?" Naupo ito sa upuan na nasa tapat niya. " Ahm. I will try but for now i'm planning to stay here for a long!" " Ayos pare! Para makapag bonding naman tayo," masaya niyang sagot. " Gusto ko iyan! But wait, i heard na kinasal ka na, is it true?" " Ahm. Yes! One week ago na." " Wow! So, sineryoso mo talaga si Athena,ah. By the way pare, i'm inviting you to visit my club, isama mo si Athena." Noon pa man ay alam na nitong may relasyon sila ni Athena kaya inakala nito ay ang babae na nga ang pinakasalan. " Hindi si Athena ang napangasawa ko pare." " Talaga? Kasi these past few months lang palagi ko nakikita mga post niyo sa account mo,what happen?" Ngumiti ito ng pilyo. " Hindi ka pa rin nagbabago pare?"natatawa nitong turan. Hindi siya nakaimik. Hindi niya naman kasi pwede ikwento dito ang buong detalye. " Sino 'yung babae?" Nangingiti pa ring tanong nito. " Remember, Camilla?" " Camilla?" Anito at pilit na inisip kung sino ang tinutukoy niya. " Wait, si Camilla? That cute girl pero parang lalaki kung kumilos at laging kasama ni Athena?" Napatango-tango na lang siya. Hindi naman makapaniwala ito sa sinabi niya. " Seryoso? Ganun pala ang mga type mo?" Napangiti na lang siya sa tinuran nito at pilit na iniba na lang ang usapan. " Kumusta na nga pala ang business mo? I heard palaging maraming costumer,ah?" " Ah, yes! And i plan to have a new branch somewhere in Makati. How about you?" " I'm okay. ' Yun nga lang hindi naman talaga ito ang gusto ko,eh. I mean, just like you i want to have my own company." " Talaga, pare? So, why don't you pursue it? Gusto mo ba tulungan kita?" " Huwag na. Ayoko nang istorbohin ka pa. Teka, kailan mo ba balak mag asawa, ha?" " Hayy! Ano ka ba! Dapat doon ka sa pangarap mo. Look, you have a special skills, don't waste it! Nag-aral ka ng culinary 'di ba? Then why don't you have your own restaurant?" Mataman siyang napaisip sa sinabing iyon ng kaibigan. Ayaw niyang manatili na lang sa trabaho na alam niyang hindi naman siya magaling at magagawa ang mga gusto niya. Isa pa gusto niyang balang araw ay may maipagmalaki siya sa nobya na kaya niyang magtagumpay na hindi nakaasa sa kompanya ng mga magulang nito. Sa kompanyang iyon, hindi nakikita ang kakayahan niya. Ang tanging nakikita ng mga ito ay ang dala dala niyang apelyedo na sinira ng kaniyang Ama. Bago tuluyang dumirecho ng uwi sa bahay ay sinundo niya muna si Camilla. Mula nang maikasal sila ay malaya na rin silang nagkikita ni Athena,kumpyansa silang dalawa na wala nang sumusunod sa kanila. Nakita niyang nakasimangot ito habang papalapit sa kaniya. Hinanap ng mata niya ang nobya dahil hindi ito kasama ng babae. " Hindi mo yata kasama si Athena?" Hindi siya pinansin ng babae na sambakol pa rin ang mukha. " Hey, Camilla is that your husband?" Napalingon sila ng marinig ang tanong ng isang babae na sa tingin niya ay kakilala ni Camilla. Alanganing tumango si Camilla at lalo pa itong napasimangot. " Now i'm pretty sure na may chance nang maging kami ni Mico.Before kasi may doubt ako sa inyo 'coz you're always been together,friends nga lang pala talaga kayo." Napansin niya ang pilit na ngiti ni Camilla na tila pinipigil ang sarili na mainis. Gusto niyang matawa nang mga oras na iyon. Ngayon may ideya na siya kung bakit ito nakasimangot. " Well, mas hot siya girl,ah. Ganiyan pala ang mga tipo mo?" anito habang nakangiting nakatingin din sa kaniya. Hindi na umimik si Camilla, sa tantiya niya ay malapit na itong sumabog sa inis palatandaan ang pagkagat nito sa pang ibabang labi. Ganoon din kasi ito pag naaasar sa kaniya. Nagpaalam na ang babae at iniwan na sila. Dumirecho na rin si Camilla sa kotse kaya sumunod na rin siya dito " Simula bukas 'wag mo na ako sunduin. Si Mico na ang bahalang maghatid sa'kin sa bahay," pagalit na sabi nito nang makapasok sila sa kotse. Hindi na siya nagtanong pa at sumang-ayon na lang sa babae. Hindi na rin siya nagtanong pa tungkol kay Athena. Mahirap na at baka mapagbuntunan pa siya ng galit nito. " Napakamanhid talaga! Obvious naman na hindi siya gusto ni Mico, eh, pinipilit pa ang sarili, ang arte!" dinig niyang sambit nito. Ngayon alam niya na kung bakit ito nagkakaganun. Mahirap talaga kalaban ang selos, nakakasira ng katinuan. Nagulat na lang siya nang biglang hampasin nito ang likurang bahagi ng upuan na nasa tapat nito. " Badtrip talaga! Nakakainis ka talaga, Mico!" Hindi maipinta ang mukha ng babae,tingin niya ay mayroong hindi magandang nangyari sa pagitan ng dalawa. Gusto man niyang magsalita ngunit kabado siya na baka siya naman ang pagbuntunan nito at baka gawin pa siya nitong punching bag. Ngunit maya-maya lang ay mukhang nahimasmasan na ito. Muli niya itong sinipat sa rear view mirror, nakatanaw na ito sa labas na may malamlam na mga mata. Kahit paano ay nakaramdam siyw ng awa sa babae kahit nakikita niya ang pagiging palaban nito at matapang ay may kahinaan pa rin ito pagdating sa pag-ibig. Tingin niya ay nagkakaproblema ang dalawa at mukhang may kinalaman ang pagpapakasal nila. Naalala niya ang club ng kaibigan. Ano kaya kung dalhin niya ito doon para kahit papaano ay mahimasmasan ito? Kaya lang ay baka doon naman siya nito habulin ng pamalo gaya ng ginawa nito noon ng dalhin niya ito sa kanilang bahay. Pero susubukan niya pa rin, tiyak na malilibang ito, paminsan minsan naman ay kailangan nitong magsaya sa buhay. Nang makahanap ng tyempo ay nag u -turn siya na kapansin-pansin namang hindi tinutulan ng babae. Malamang ay dahil sa lalim ng iiniisip nito. Kabado pa siya nang marating ang nasabing club kung saan may nakalagay na " Zeke's Fun Club". Nakita niya ang pagtataka sa mukha nito. " Anong ginagawa natin dito?" " Maglilibang lang tayo sandali." " Maglilibang? Baliw ka ba?" Sasagot pa sana siya nang salubungin siya ng kaibigan na napadalhan niya na ng message habang nasa biyahe. " Pare!" tawag ng binata sa kaniya. " Welcome to my club!" Sinalubong sila nito at agad na sinipat ang babae at nagulat pa. Tila hindi ito makapaniwala sa bagong Camilla na kaharap nito. " Camilla, is that you?!" Bakas sa mukha ni Camilla ang pagtataka na tila sinusuri kung sino ang lalaking kaharap. " Ako 'to si Zeke, remember? Damon's bestfriend!" Matagal bago ito nakilala ni Camilla dahil malaki na rin ang pinagbago nito. Katulad ni Damon ay simpatiko rin ang binata. " Ah, oo. 'Yung mayabang at playboy din katulad ni Damon," nakaismid na wika nito. " Nagbago na ko 'no!" tumatawang sambit nito." Okay, let's get inside!" Wala naman siyang nakitang pagtutol sa itsura ng babae. Sa tingin niya ay ito ang unang pagkakataong nakapunta si Camilla sa ganitong lugar dahil sa expression ng mukha nito. Malawak ang loob ng club, marami na rin ang tao na katulad rin nila ay puro mga kabataan. Dinala sila mismo ng binata sa bar area kung saan ito mismo ang bartender. Naupo sila at agad naman silang sinalinan ng alak. " For a pretty woman like you here's our lemon drop martini cocktail, try it!" Napangiwi ang mukha ni Camilla habang nakatingin sa baso. Inabutan naman siya ng bote ng alak ni Zeke at naupo sa tapat niya. " I can't believe na ganyan siya kaganda kaya pala natipuhan mo,eh!" Pilyong bulong nito sa kaniya. Napangiti siya ng hilaw at napatingin kay Camilla na kasalukuyang iniinom na ang binigay ni Zeke. " By the way napag-isipan mo na ba 'yung sinabi ko sa'yo? Pwede mo namang ibenta ang shares mo para magkaroon ka ng capital." " But i'm not as lucky as you! Tingnan mo nga napalawak mo na agad ang business mo," aniya na iginala ang paningin. " Hoy, meron pa ba? Penge nga ulit!" ani ni Camilla kay Zeke. "Sure!" Agad itong sinalinan ng kaibigan at muling bumaling sa kaniya. " Ano bang sinasabi mo, of course you can do it! What happen to your confidence,huh?!" anito at muling tumungga. " Ang sarap,ah? Penge pa nga! Hoy Damon bayaran mo 'to, ah!" muling singit ni Camilla. Nangingiting agad namang tumugon si Zeke. " Ang sweet niya sa'yo, pre,ah!"nanunudyong bulong pa nito sa kaniya. " Hoy, Camilla! Hinay, hinay lang baka malasing ka!" " Sus! Sabi mo maglibang? 'Wag mo na ko pakelaman, mag-usap lang kayo diyan!"asik nito sa kaniya. Namimilog naman ang mata ni Zeke habang nakamasid sa pag-uusap nila. Bahagya siyang kinabahan dahil mukhang nagkamali yata siya ng desisyon na dalhin ito sa ganitong klaseng lugar. " Ganyan ba talaga kayo mag-usap, pre? Wala man lang ka sweet-sweet?" Napatingin siya kay Zeke at muling tinungga ang bote. Nagpasya na lang siyang tawagan si Athena para papuntahin at ito na lang mismo ang aawat sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD