Chapter 31

1672 Words
NaBABAHALA na siya sa ikinikilos ni Camilla. Pamaya-maya kasi ay panayan ang paghingi nito kay Zeke ng maiinom. " Hoy! Wala akong pambayad kaya magdahan-dahan ka sa pag-inom,ah!" pagbibiro pa niya sa babae. Panayan din ang paglinga niya sa paligid at inaasahang dumating na si Athena. " Ang kuripot mo, ah! Samantalang nung kinasal tayo sabi mo pa sa wedding vow natin ibibigay mo ang lahat tapos alak lang nagdadamot ka," sabay halakhak nito. Naloko na! Mukhang lasing na talaga ang babae. Paano kung magwala ito dito?Narinig niya naman ang paghalakhak din ng kaibigan habang napapailing. " 'Yun naman pala, eh. Kasama naman pala sa wedding vow niyo 'yun, eh!" Tumungga siya ng alak habang pinagpapawisan. Nanahimik na siya at baka bigla siya nitong asbaran. Ngunit maya-maya lang ay dumating na si Athena at nakahinga siya ng maluwag. Ang buong akala nito ay aawatin nito ang kaibigan at pagagalitan siya. " Ang daya niyo, ah! Bat niyo ko iniwan?" nagtatampo pa nitong saad. " Bes! Buti naman at dumating ka, ito kasing asawa ko killjoy, eh!" Namumula ang matang sambit ni Camilla. Halatang may tama na rin ito. " Ano ka ba naman, Damon. Minsan lang naman 'to!" asik nito sa kaniya. " Oh, hey, Zeke is that you?!" Anito pa nang mapatingin sa katabi niya. Napangiti lang ang lalaki na halatang hindi makapaniwala sa nakikita. Malamang ay nagtataka ito kung bakit tila normal lang ang kilos ni Athena matapos ang bestfriend nito ang magawang pakasalan ng dating nobyo. " He own this club," aniya. " Oh, really? It was a surprised. Naalala ko kasi dati puro pagpapaiyak lang sa girl ang iniintindi niyong dalawa,eh,"panunudyo nito. " Well, it was a years ago," nangingiting tugon ng lalaki. " Wow! You mean to say nagbago ka na? That great news!" " Bes! Tara na inom na tayo, try mo 'to ang sarap!" Pukaw ni Camilla sa atensyon ng kaibigan. " Whoa! Sige i will try that!" Muli itong bumaling kay Zeke. " Can you give me this?" " Sure!" " Athena, baka malasing iyong kaibigan mo," paalala niya sa nobya. " Damon, we're in the right age, siguro naman okay lang paminsan-minsan , eh,gawin namin 'to!" Napabuntong hininga na lang siya sa tinuran nito. Ang buong akala pa naman niya ay ito mismo ang aawat sa kaibigan. " I can't believe this, seryoso pare okay pa rin sila efter ng ginawa mong pagtuhog sa kanila?" bulong pa ng kaibigan sa kaniya. Muntik pa siyang masamid at mapaubo sa tinuran nito, pinilit niyang ngumiti at maging kaswal. " What do you expect ba? They will destroy their friendship for me?" Hindi siya makatingin dito ng diretso, kilala niya kasi ang kaibigan. Matalino ito at hindi naloloko. Magaling itong manuri ng isang sitwasyon. Napansin niya ang pananahimik nito alam niyang gumagana na naman ang utak nito sa panunuri. Hindi nito pwedeng malaman ang kasalukuyan nilang sitwasyon mahirap na at baka kumalat pa. Kung sakali ay baka hindi lang kasal ang hilingin ng nobya sa kanila baka pati ang pagkakaroon ng anak ay hilingin na rin nito para lang patunayan sa ina na legit ang kanilang marriage. " By the way about sa sinabi mo kanina. I will consider it, pag iisipan ko basta you will help me,ah." " Sure, sabihin mo lang kung kailan ka ready," anito. Napatingin siya sa dalawa ng bigla ay tumayo ang mga ito. Inaya ni Athena ang kaibigan na pumunta sa dance floor para sumayaw. At dahil nga may epekto na ng alak ang dalaga ay hindi ito nagdalawang isip na sumama sa kaibigan. " Hey! Mag behave kayo,ah!" paalala niya sa dalawa. Pinagmasdan niya ang dalawa habang papunta sa dance floor habang si Zeke naman ay inasikaso ang costumer na dumating. Noong una ay tila nahihiya pa si Camilla na sumayaw habang si Athena naman ay halatang sanay na sa dancefloor dahil madalas nila itong gawin ng nobya kapag gumigimik sila. At dahil naengganyo ng kaibigan ay tila hindi na rin ito nakaramdam ng hiya habang sumasayaw. Napapailing na lang siya habang nangingiting pinanonood ang dalawa. Maraming kabinataan at kadalagahan na rin ang naki-join sa dancefloor sa saliw ng masayang tugtog. Napagmasdan niya si Camilla na tila masayang-masaya sa ginagawa. Ang dating conservative na buhay nito ay tila nagbago sa isang iglap na kayang kaya rin palang makipagsabayan sa maraming kabataan. " Whoa! Hindi ko alam may wild side rin pala si Camilla,ah. She's hot when she dance like that." Dinig niyang sambit ni Zeke na nasa tapat na pala niya. " Lasing lang iyan. And i'm sure she doesn't know what she's doing." Hindi niya napigilan ang muling mapatitig sa babae, marahil ay naninibago lang siya dahil sanay siya sa boyish look nito ngunit ngayon para bang napukaw nito ang atensyon niya sa hindi malamang dahilan. Malamang ay dahil natutuwa siya sa magulong step na ginagawa nito na hindi niya alam kung saan napanood. Kung hindi niya lang kilala si Camilla ay malamang ay naakit na siya dito sa mga oras na iyon. Hindi niya napigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan ito ngunit nangunot ang noo niya nang mapansin ang isang lalaki na tumabi dito at nakipagsayaw. Tila hindi iyon napansin ng dalaga na halos idikit na ng lalaki ang katawan nito dito. Agad naman siyang tumayo at lumapit sa mga ito, bahagya niya pa itong tinulak na ikinagulat ng huli. " Hey, what's your problem, dude?!" Inis na tanong nito sa kaniya. " She's my wife!" Tiim bagang niyang sagot dito. " Oh, okay," anito na napaatras pa. Natigilan naman ang dalawa sa ginawa niya at inutusan na bumalik na sa upuan. Tila mga bata naman na sumunod sa kaniya ang nga ito. " Ang killjoy mo naman Damon,eh!" Dinig niyang reklamo ni Camilla. " Anong problema,Hon?" tanong ni Athena sa kaniya. Hindi siya agad nakasagot sa tanong ng nobya. " May nangyari ba sa office kaya mainit ulo mo?" Nag-aalalang tanong nito sa kaniya. " Hindi mainit ang ulo ko, okay?" aniya habang muling napatingin kay Camilla na noon ay tuwang-tuwa na pinapanood si Zeke habang nagpapalipad sa ere ng mga bote. " Eh, bakit parang wala ka sa mood?" Hinawakan siya nito sa kamay at inaya sa dancefloor nang magbago ang music na pinapatugtog. Mula sa rock ay naging sweet ang music. Bahagya silang kumubli sa paningin ni Zeke. " Remember this song, Hon?" anito na ikinawit ang mga braso sa leeg niya. " Naalala mo noong first time na isayaw mo'ko nung highschool tayo? Nanligaw ka sa'kin telling that i'm the one," nangingiting turan nito. Bahagya siyang napaisip. Naalala niya nong nanligaw siya sa dalaga noong fourth year siya habang first year naman ito. At ang songs na ito ang naging themesong nila. " Of course, makakalimutan ko ba naman 'yung araw na sinagot mo agad ako?" Nangingiti niyang tugon. " Syempre, since elementary minahal na kita, bakit ko pa patatagalin?" Humilig ito dibdib niya. " And i promise to myself na you are my first and last man for me." Matagal sila sa ganoong posisyon habang ninamnam ang masayang sandali. " Hon, 'yung bestfriend mo baka lasing na. I think we have to go home." Tumunghay ito sa kaniya at napatitig. " I think may problema ang kaibigan mo, talk to her." " Bakit parang gusto kong magselos sa pinapakita mong pag-aalala sa kaniya?" " Ano?" " Pinagtanggol mo siya kanina sa lalaking lumapit sa kaniya, remember?" Naningkit sa inis ang mata niya sa tinuran ng nobya. " Biro lang, Hon. Masyado kang seryoso," natatawang sagot nito. Tila naman nakahinga siya ng maluwag sa sinabing iyon ng nobya. Akala niya ay seryoso ito sa sinabi. " I have something to tell you really important," bigla ay seryosong turan nito. Mulo siyang napatitig dito. Bakas sa mukha nito ang kalungkutan. " After graduation, i decided to go to Amerika para muling mag-aral." Napamaang siya sa sinabi nito hindi kaagad siya nakapagsalita. Kung tama siya ng pagkakaintindi gusto nito lumayo at pumunta sa ibang bansa. " I will do this for us. Ayoko habang buhay kinokontrol ako ng mga parents ko about my future!" " Aalis ka at iiwan mo kami ni Camilla?" Hindi makapaniwala niyang tanong sa kaharap. " Pansamantala lang naman iyon! If i choose to stay here and manage our company baka hindi na kita maipaglaban. Besides, hindi naman kasi ito ang gusto ko, eh. May iba akong pangarap para sa sarili ko." Nakuha niya ang ibig nitong sabihin. Lalayo ito para tuparin ang pangarap para sa sarili, para maiwasan ang pagkontrol ng mga magulang. Napapailing siyang napatingin dito. " Please respect, i already made my decision," nakayuko nitong turan. " Wow! Nakapagdesisyon ka na pala so what's for this? Gagawin mo rin naman 'di ba kahit 'di ako pumayag?!" galit niyang turan. Kumalas siya sa pagkakahawak nito at umalis ngunit sinundan siya ng nobya. " Damon, please intindihin mo naman ako!" mangiyak-ngiyak nitong wika. " Kailangan kong gawin 'to para sa atin!" " Iiwan mo kami ni Camilla para gawin ang gusto mo? Don't you ever think na may isang tao na isinakripisyo ang pangarap niya for this damn marriage?!" Mahina nitong sabi ngunit madiin tanda ng kinikimkim na galit. " Kaya nga aalis ako para matapos na ito! Look, if i will choose to stay here, i cannot guaranteed kung hanggang kailan ang palabas na 'to! Paano pa kita mababawi kung nasa anino pa rin ako ng mga parents ko? Don't you get it, Damon? I will do this for us! Please give me enough time to fix this!" umiiyak na nitong sabi. Hindi na siya nakaimik, kahit ano namang sabihin niya ay wala na ring saysay dahil nakapagpasya na ito. Umalis na siya sa harapan nito para puntahan si Camilla. Hinila niya na ito sa braso at inayang umuwi. Nagulat man ang babae ay tila wala na itong nagawa. Maging si Zeke ay nagulat din sa ikinilos niya. Muli niyang sinulyapan si Athena bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse. Nakatanaw ito sa kaniya habang hilam pa rin sa luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD