Sinabunutan ko ang sarili at nag-pagulong gulong sa kama, hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kanina.
I finally told him that I like him.
Matapos kong sabihin yon, hindi na nawala ang saya sa mukha niya hanggang sa maihatid ako. Dagdag pa ng text niya kanina hindi ako nakapag-reply dahil sa sobrang lakas ng kalabog ng puso ko.
Felix :
Thankyou. You don’t know how happy I am tonight.
Felix :
I can't wait to see you tomorrow.
Felix :
Goodnight.
Paulit-ulit kong binasa ang mga text niya at napapangiti ako sa tuwing binabasa ko ang mga 'yon.
Nagising na lang ako na yun parin ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikisamahan ngayon.
It’s very awkward for me to talk to him after I say I like him. Kanina ko pa iniiwasan ang mata niya kahit nung pagpasok ko. Tahimik lang din siya sa tabi pero ramdam ko ang titig niya.
Buti na lang nasa kalagitnaan kami ng klase kaya wala kaming pagkakataon na mag-usap.
Hindi ko sinasadyang matabig ang ballpen ko sa ibabaw ng desk ko, kaya nalaglag sa sahig. Pupulutin ko na sana nang gumulong yon sa harap ni felix.
Yumuko din siya para pulutin kaya nakaramdam ako ng kuryente dumaloy sa buong katawan ko ng magdikit ang mga daliri namin.
Nagkatinginan kaming dalawa kaya bumitaw agad ako. Umupo ako ng mabilis sa upuan ko at napalunok.
Hindi ako makatingin sa kanya kahit nilapag na niya ang ballpen ko sa ibabaw ng desk ko. Hindi ko alam wala akong tapang para tumingin sa kanya.
Natapos na lang ang klase na hindi ako lumingon sa kanya kahit pa isang beses. Mabilis kong inayos ang gamit ko at malayang nakaalis sa classroom.
Naglalakad na kami ni belle sa corridor tahimik lang ako hindi makapagsalita ang dami kong iniisip, hindi ko rin alam gagawin ko hindi alam paano ko iexpress ang feelings ko.
Kumain kami ni belle sa canteen hindi parin ako masyadong nagsasalita. Tumititig siya sa akin at nanliit ang mga mata.
"Bakit ang tahimik mo?." Tanong niya, sabay hawak sa pisngi ko." At bakit namumula 'yang pisngi mo nag blush on ka ba?"
Napahawak ako sa pisngi ko, talaga bang namumula? Naghanap agad ako ng maliit na salamin sa bag ko.
Namilog ang mata ko ng makitang namumula nga ang pisngi ko. Hindi ako nag make-up at hindi naman ganon kalamig para mamumula ang pisngi ko.
Umiwas ako ng tingin kay belle. "Wala to siguro nilamig lang ako sa classroom. Ang lamig kase ng aircon kanina e." Pagdadahilan ko.
"Parang hindi naman masyadong malamig."
Kumain na lang kami buti na lang ay naiba ko ang usapan namin kaya hindi na niya ako natanong kung bakit namumula ang pisngi ko.
Naramdaman ko na lang na nag-vibrate ang cellphone ko. Kaya Pinasadaan ko saglit, napakagat ako ng labi ng makitang text ni felix yon.
Felix :
Yung sinabi mo ba sa akin kagabi hindi yon totoo? Are you regretting?
Nang mabasa ko ay kaagad kong tinago sa bulsa ko, hindi ako nag-reply. Maganda siguro kausapin ko siya ng personal mamaya. Teka kaya ko ba?!
Tama kakausapin ko na lang siya.
Halos sabunutan ko ang sarili ng pumunta kami comfort room at doon ako nag-isip ng gagawin.
Ano sasabihin ko sa kanya? Magugustuhan kaya niya kung sabihin kong wag niya sana sasabihin kahit na gusto ko siya.
Magiging okay kaya sa kanya kung magkikita kami ng patago? Gusto kong makasama siya pero ano na lang sasabihan ng ibang taong masyadong nakakakilala sa amin, na ginagamit ko lang siya dahil malapit na mag-graduation, na gagamitin ko siya at uutuin para ako ang maging valedictorian.
Bakit ba ganon ang mga iniisip ko? Wala naman akong pake sa achievement, masyado lang siguro akong guilty dahil sa mga pinag-gagawa ko sa kanya noon.
Bumalik na kami sa classroom, kaya nauna ako kay felix nang pumasok siya at nagtama agad ang mga mata namin pero kaagad siyang umiwas ng tingin.
Kaagad ako naramdaman ng sakit. Bakit siya umiwas ng tingin, ngayon lang siya umiwas ng tingin sa akin.
Kasalanan ko naman kanina ko pa siya hindi pinapansin. Ano ba ang gagawin ko? Gulong-gulo na talaga ako.
Kahit nang mag-uwian na ay nag-aayos na kami ng gamit. Nakasulyap ako sa kanya Samantalang seryoso siyang nag-aayos ng gamit.
Gusto ko siyang tawagin pero walang lumalabas sa bibig ko. Lumunok ako at handa na siyang tawagin nang saktong lumapit si venice kaya nabitin ang pagtawag ko.
"Lix, sama ka laro muna tayo nila migs." Sambit ni venice.
Saglit na lumingon si felix at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit. "Kayo na lang muna venice wala akong sa mood." Malamig na sambit ni felix.
Kumunot ang noo ni venice at gulat sa reaksyon ni felix." Huh? Bakit badtrip ka?"
"Hindi" Simpleng sagot ni felix, nang matapos siyang mag-ayos ng gamit ay sinukbit na niya sa likod ang bag." Gusto ko lang umuwi ng maaga." Sambit niya sabay tango kay venice at nagmartsa na paalis.
Sinundan ko siya ng tingin ng lumabas siya ng classroom. Halatang wala siyang sa mood mukha pang badtrip, hindi niya pinansin ang mga classmate naming tinawag siya.
Napatingin ako kay venice sa gilid na mariin ang titig sa akin. Mabilis ko na lang na nilagay ang mga ballpen ko sa bag at para rin maiwasan ang titig niya.
Nakasakay na ako sa sasakyan namin para umuwi. Ang bigat sa pakiramdam hindi ko talaga alam kung paano mawala to, pero gusto ko makausap si felix.
Hindi pa kami nakakauwi, kaya hindi ako nag-dalawang isip na puntahan si felix sa bahay nila. "Manong pakibaba po ako sa bahay ng classmate ko, hindi po muna ako uuwi."
"Ma'am baka pagalitan po ako."
"Manong saglit lang po, magtetext na lang ulit po ako sa inyo. Tsaka project naman po 'yon." Pagdadahilan ko.
"Sige po Ma'am."
Tinuro ko ang daan sa bahay ni felix, hindi ko sinaktong sa bahay nila mismo. Nag-dalawang isip pa ang driver ko na iwan ako mag-isa pero napilit ko na din siya na iwan ko.
Nang umalis ang driver namin ay kaagad akong tumakbo para makapunta agad sa bahay nila, pero hindi pa ako nakakapasok ng maabutan ko siya na nasa labas kaya natigil ako sa pagtakbo.
Tinitigan ko muna siya na nagdidilig ng mga halaman sa bakuran nila. Madilim at busangot ang mukha halatang malalim ang iniisip. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito, palagi kase siyang nakangiti at mukhang masayahin.
Nakakatakot pala siya kapag galit.
Dahan-dahan akong lumapit at halos natuyo ang lalamunan ko para tawagin siya.
"F-Felix..." I called.
Lumingon siyang kunot ang noo, kaya kinabahan ako pero nang makita niya ako kaagad nagbago ang expression niya nanlaki ang mata at gulat.
"Andrea, Why are you here?."
"I want to talk to you."
Binaba niya ang hose sa pinatay agad ng gripo. Tumayo siya ng tuwid at malamig parin ang tingin sa akin.
Yumuko siya at kinagat ang labi.
Seryoso akong nakatitig sa kanya, ayoko na talagang lokohin ang sarili ko. Alam ko na bata pa kami at bata pa ako, pero hanggat maari gusto ko lang maging totoo.
Bata pa kami kaya hindi ko alam kung mahal ko na ba siya? Pero ang alam ko gusto ko siya gustong-gusto. Hindi ko alam kung pwede bang maging magkaparehas ang mahal at ang gusto? Pero isa lang alam ko pwede maging mahal mo ang taong gusto mo.
"About what?" Tanong niya hindi parin ako tinitignan.
"About what I said last night."
Lumunok ako at pinaghandaan ang sasabihin. Andito na rin naman na ako kaya bakit pa ako aatras.
"It's true that I like you. Hindi ako makatingin sayo kanina ka-se—"
Nakita kong nagulat siya kaya napabaling agad siya sa akin.
"... N-Nahihiya ako, kaya hindi rin ako nag-reply hindi ko talaga alam ang sasabihin ko kanina."
"You like me?" Mangha niyang tanong.
Hindi ako sumagot sa tanong niya at pinagpatuloy ang mga dahilan ko. "Huwag mo sanang isipin na niloloko kita at pag-gagawan nanaman ng hindi maganda."
"Gusto mo ako talaga?!."
Lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang siko ko. Nakaramdam nanaman ako ng bultaheng kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang hawakan niya ako.
"Felix, seryoso ako."
"Edi gusto mo nga ako!"
Wala ba siyang narinig sa mga ibang sinabi ko. Natutop ang bibig ko nang sobrang lapit na niya sa akin. Nawala agad ang lakas ng loob ko.
Ako naman ang napayuko na dahil hindi ko na kayang labanan ang mga titig niya sa akin.
"Promise me? Wag mo sasabihin kahit kanino 'yan."
"Bakit?."
Ngumuso ako at nakaramdam ng gaan sa pakiramdam ng sabihin ko sa kanya.
Hinawakan niya ang baba ko at inangat para magtama ang mata namin. Mapupungay ang mata niya.
"Bakit nga?." Mahinahon niyang tanong.
"Basta."
"Kahit kay Angelo Ian? Hindi pwedeng sabihing gusto mo ako."
Sinimangutan ko siya." Silly!."
Hindi ako nagtagal sa bahay nila kahit nang ayain niya pa ako mag meryenda. Kumaway ako sa kanya bago pumasok sa sasakyan.
Napansin ko sa rearview mirror ang makahulugang ngiti ng driver namin sa akin. Dahil nakita niya si felix kanina bago sumakay.
"Ma'am boyfriend niyo po ba yon?."
"Hindi manong"
"Gwapo po non Ma'am tsaka mukhang matalino, manliligaw niyo po ba yon?."
Sumimangot ako umirap sa kanya." Hindi mag driver na lang po kayo!."
"Sungit nyo talaga Ma'am."
Bigla akong natauhan sa sinabi ni Mang caloy. Masungit ba talaga ako? Patuloy parin ba akong magugustuhan ni felix kung panget ang ugali ko?
"A-Ah.. Sorry po."
Humalakhak si manong."Biro lang po Ma'am. Pero totoo po minsan masungit po kayo, mas gusto po nang mga lalaki kapag po mabait ang isang babae."
"Edi masungit nga talaga ako?."
"Hmm, minsan." ngumisi si manong.
Bumuntong-hininga ako at tumingin sa bintana.
"Pero mukhang gustong-gusto kayo non kaklase nyo!."
Patuloy parin si manong sa pag-sasalita halos hindi ko na pakinggan. Pero ng sabihin niya yon napabaling ulit ako.
"Paano niyo naman na sabi?."
"Halatang halata naman Ma'am, kaming mga lalaki nababasa namin ang isa't-isa. Kanina lang ng sumakay ka hindi mawala ang ngiti sa labi dahil nakita ka."
Paano naman nasasabi ni manong to, hindi naman niya kilala si felix. Pero totoo bang halata ba kay felix na gusto niya ako?
"Huwag po kayo mag-alala hindi ko po sasabihin kay Ma'am andie at kay Sir William.
Tumango na lang ako.
Kinagabihan oras na nang-pagrereview ko ay biglang pumasok sa isip ko si felix. Patabog kong binagsak ang ballpen ko.
Bakit bigla siyang pumapasok sa isip ko? Hindi ako makapag-concentrate sa nirereview ko dahil bigla siyang papasok sa isip ko.
Bumuntong-hininga ako at kinalma ang sarili. Ano kaya ang ginagawa niya baka magkasama sila venice? Pero impossible gabi na rin kung magkakasama pa sila!
Dinampot ko ang Cellphone sa gilid at naisipang itext siya.
Ako :
Anong ginagawa mo?
Mariin ang titig ko sa cellphone ko dahil hinihintay ko ang reply niya. Hindi pa nakakailang minuto nag-reply agad siya.
Felix :
Nothing just studying. What about you?
Nag-rereview din siguro siya. Pumasok din kaya ako sa isip niya habang nag-aaral siya?
Ako :
Nothing.
Wala akong ibang masabi sa kanya. Namimiss ko agad siya.
Felix :
You need sleep now, baby girl.
Ngumuso ako at namula ang pisngi nang mabasa ang text niya. Pero pinapatulog niya na agad ako, gusto ko pa siya kausap.
Ako :
Hindi pa ako inaantok.
Humiga na ako sa kama at hindi na pinagpatuloy ang pag-rereview.
Felix :
Imiss you already baby.
Ako :
Why do you call me baby?
Kinagat ko ang labi ko at nag-pagulong gulong sa kama. Niyakap ko ang unan ko dahil sa sobrang kilig.
Felix :
You are my baby.
Ilang minuto ako natulala sa text niya. I don't know but I felt that someone is there for me.
Naging mahaba pa ang pag-uusap namin hanggang nakatulog na lang. Hindi ko alam kung nakapag-aral ba siya dahil sa akin. Malaman ay hindi ang bilis niya kase mag-reply.
Naging maganda ang gising ko kinaumagahan at excited na pumasok para makita siya. Nagpahatid agad ako pagtapos mag-ayos.
Mapupungay na mata niya agad ang nakita ko pag-pasok ko pa lang ng classroom, para bang huminto ang oras ng makita ko siya at hindi na gumalaw ang mga tao sa paligid.
Ang bilis ng t***k ko ng puso ko at nag-uumapaw ang saya. Ito na ata ang unang beses ko na magkagusto sa isang tao.
I'm having a crush but the way I like felix is different from the guys I used to like.
Hinawi ko ang buhok ko at nilagay sa likod ng aking tainga habang naglalakad ako para makaupo sa upuan namin.
Sinundan niya ako ng tingin at nakauwang labi, tulalang nakatingin sa akin. Nilagay ko ang bag ko at nakangiting lumingon sa kanya.
"Goodmorning." Bati ko.
Nakatitig siya sa akin at nangingiti. "Goodmorning."
Hindi kami masyadong napapansin dahil pabulong lang naman ang pag-uusap namin.
Nang magsimula ang klase ay seryoso kaming nakinig sa lecture. Hanggang sa may naramdaman akong mainit na kamay na humawak sa akin sa ilalalim ng desk.
Namilog ang mata ko nang makita ang kamay ni felix na nakahawak sa mga kamay ko. Sumulyap ako at nahuling nakangisi siya at nakatingin sa lecture ng teacher namin.
Nagpapatay malisya. Kinurot ko agad ang kamay niya para tanggalin niya agad at hindi kami mahuli.
"You such a flirt, Primo." mariin kong bulong ko sa kanya.
"I'm not." giit niya.
Mas nilapit ko pa ang sarili ko sa kanya para makabulong ng mas mahina.
"Let go of my hand!"
"Ayoko."
Kinagat ko ang labi ko pinipilit na tanggalin ang kamay niya sa akin. "Let go!" bulong ko.
".... Before our teacher sees us, or else venice will see that you are holding my hand !"
"Mas lalo kong hindi bibitawan." he said seriously.