Hindi ako naparusahan dahil wala namang ebidensya sa akin at Paulit-ulit kong tinanggi yon, at isa pa hindi naman talaga ako ang gumawa non.
Walang sinabi si felix kahit na alam naman niya ang mga ginawa ko noon sa kanya, at sa isang banda pwedeng nga ako ang gumawa non pero wala akong narinig sa kanya hindi niya parin ako pinagbintangan.
Tulala ako habang hinihintay ang driver namin. Iniisip ko parin kung sino ang gumawa non kay felix.
Si venice ang huli kong nakita papasok sa science lab, pero malabong siya ang gagawa non sa sarili niyang kaibigan.
"Malapit na ba ang driver mo?." Napabaling ako ng marinig ang boses ni felix sa gilid ko.
Nakangiti siya sa akin habang dala-dala ang sirang project. Nakangiti parin siya sa akin samantalang nag-aalala ako sa kanya, dahil hanggang bukas lang ang ibinigay na deadline para ayusin ang project.
"Ah...Oo malapit na." medyo natagalan pa ako sa pagsagot.
"Buti na lang." aniya.
"Sino ang katulong mo gumawa ng project?." Tanong ko.
"Ako lang mag-isa, madali lang to." Sagot niya.
Bumuntong-hininga ako. "Believe me hindi talaga ako ang gumawa non."
"Don't worry, naniniwala ako sayo." he said seriously.
Hinaplos niya ang ulo ko at ngumiti sa akin. "Mauuna na ako para maayos ko kaagad yung project." he said.
Tumango ako at pinagmasdan siyang sumakay ng jeep. Nang makasakay na siya sa jeep kumaway siya sa akin sa malayo.
Napangiti ako at namula ang pisngi.
Hindi nagtagal dumating na din ang driver namin. Kahit nang makauwi ako siya parin ang nasa isip ko.
Mag-isa lang siyang nag-aayos ng project wala siyang katulong. Alam ko namang kaya niyang gawin mag-isa yon, pero madaling matatapos kung may katulong siya.
Mabilis ako nag bihis, at hindi ako magdadalawang isip na pumunta sa kanila para tulungan siya.
Nang matapos ako magbihis, nagmadali akong bumaba sa hagdan.
"Andrea... Bakit ka nagmamadali? Mag meryenda ka muna." Sabi ng kasambahay namin.
"Mamaya na lang po manang." Sabi ko habang palabas ng bahay.
Kinuha ko agad ang bike ko at mabilis na pinadyakan. Nang makarating ako sa kanila ay binaba ko agad ang bike sa gilid ng bahay nila.
Nakauwang ang pintuan nila kaya hindi ako kumatok. "Felix..." Tawag ko.
Binuksan ko ng malaki ang pintuan at nanlaki ang mata ko ng naabutang nasa sala si felix at venice na ginagawa ang project.
Nagulat si felix at venice ng makita ako, nanigas ako sa kinatatayuan kaya natigilan ako sa hamba ng pintuan nila.
"Why are you here?!." Galit na sambit na venice.
Tama siya bakit nga ba ako nandito? Pero imbis na sagutin ang sarili tanong mas naghari sa akin ang selos na makita silang dalawa.
Ang sabi kanina ni felix siya lang ang mag-isa ang gagawa ng project, tapos makikita ko may kasama pala siya.
Sabagay sila nga pala ang magkaibigan, sila ang palaging magkasama. Bakit ba pinipilit ko ang sarili ko makipag kaibigan sa kanya, kahit ano naman ang gawin ko hindi mapapalitan ang pagiging kaibigan ni venice sa kanya.
"Andrea? Napadaan ka ba?." Tanong ni felix ng lapitan ako.
"No.. Sinandya ko talagang puntahan ka gusto kitang tulungan ayusin yung project."
Nakita ko ang tuwa sa mata ni felix ng sabihin ko yon, hinawakan niya ang braso ko para papasukin ako sa loob.
"Bakit guilty ka kaya gusto mong tumulong?." Sambit ni venice.
Pinagtaasan niya ako ng boses." Meron ka palang konsensya? Nakokosensya kana sa mga kalokohan mo!." Galit na sambit ni venice.
"Venice wag kang ganyan kay andrea." Saway ni felix kay venice.
"Bakit mo ba pinag-tatanggol yan?." Si venice.
"Nagsasabi siya ng totoo, Please stop!." awat sa kanya ni felix.
Naiintindihan ko naman kung bakit ako ang pinagbibintangan ni venice, masama ako kay felix noon.
"Paano ka nakakasigurado? Alam naman nating dalawa na may galit sayo yan, dahil naiingit —"
"Hindi nga ako ang gumawa non!." Putol ko kay venice.
"Sinungaling!." Sigaw ni venice sa akin.
Hindi na ako nakapatimpi pa susugurin ko na sana siya, pero pumagitna si felix para awatin kami.
"Andrea..." Pigil sa akin ni felix.
"Felix hindi talaga ako ang gumawa non." giit ko.
Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko, nakita kong natigilan si venice sa gilid at mariing nakatingin sa amin.
"What drama is this?." Narinig ko ang boses ni Lucas sa likod.
Nataranta akong bumaling sa likod, nalaglag ang panga ko ng makita si Lucas, Agustine na malaki ang ngisi, at si lolo roben na may dala dalang isda at si lola melda na may hawak na supot ng gulay.
"Anong nangyayari nag-aaway ba kayo?." Tanong ni lola.
Kinabahan ako kaya hindi ako sumagot. Nakakahiya ako pa ang dahilan nang pag-aaway.
"Hindi po lola, may inaayos lang kaming project." Paliwanag ni felix.
Lumapit si venice kay lola para mag manong at kinuha niya ang dalang gulay ni lola melda.
"Salamat hija." Sabi ni lola kay venice.
Lumapit na rin ako at nag manong kay lolo at lola. "Hello po." Bati ko sa kanila
Malaki ang ngiti nila sa akin kaya nawala ang kaba ko. "Magluluto ako ng marami dito na kayo kumain." Sambit ni lola.
Tumango na lang ako at ngumiti.
Inayos naming tatlo ang mga nasirang picture sa board. Ginupit ko ang mga bagong print na picture.
"Kukuha pa ako ng glue." Sabi ni felix.
Tumayo siya at pumanik sa taas para kumuha ng pandikit, naiwan kami ni venice sa sala.
Tinuon ko lang ang sarili sa pag-gugupit at pagdidikit ng mga picture.
"Mali yung dikit mo, parang hindi naging leader." Insulto sa akin ni venice.
Tinignan ko ang ginagawa ko wala naman akong nakitang mali sa ginagawa ko. Nagpipintig na ang tenga ko sa kanya.
"Hindi ka ba talaga titigil?!." Pataray kong sinabi.
"Ikaw ang tumigil !" Mariin niyang sinabi.
Matalim ko siyang tinignan. Kung hindi lang siya kaibigan ni felix malamang kanina ko pa siya nginudngod sa project na to.
Hindi na ako nakipagtalo kay venice nirerespeto ko ang bahay nila felix at nirerespeto ko din si felix, ayokong magalit siya sa akin.
"Tapos na..." Si felix nang matapos namin ang project.
Halos tatlong oras rin namin ginawa ang project, kaya masaya ako nang matapos.
"Tapos na kayo? Kakain na tayo." Si Augustine.
"Nakahain na sa sa hapag, Tara na." Sabi ni Lucas.
Nakaupo na kami at nakahanda na ang hapunan, mukhang masarap ang luto ni lola melda.
"Paksiw na bangus yan, kumakain ka ba niyan?." Bulong ni felix sa akin.
Tumango ako, Sumandok siya ng kanin at nilagay sa plato ko, pinanood ng lahat ang ginagawa niya.
"Ako na." Sabi ko at kinuha ang sandok sa kanya.
Huminto lang siya at ipinaubaya na sa akin ang sandok.
"Felix, Sandok mo ako ng kanin." Si venice.
Napangiwi na lang ako ng ipinag-sandok siya ng kanin ni felix, gaya-gayang venice!
Napansin ko ang makahulugang ngisi ni Augustine at Lucas.
"Siguro nung nagpa-ulan si Lord ng kagwapuhan at katalinuhan sinalo mo lahat, felix." Biro ni Lucas.
"Sinalo niya rin pati katorpehan." Si Augustine.
Nagtawanan si Lucas at Augustine, kaya sinaway sila ni Lola melda.
"Tumigil na nga kayo!, Baka ano ang isipin ni Andrea." Saway ni Lolo roben.
Tumigil naman ang dalawa dahil sa pagsaway sa kanila. Binaling ko na lang ang sarili sa pagkain.
"Ano nga pala ang nangyari sa project mo hijo." Tanong ni lola melda.
"May sumira po lola." Sagot ni venice.
Nagulat si lolo at lola kaya seryoso silang napabaling sa apo, hindi nagsalita si felix kaya tinignan ko siya.
"Ano?... Bakit naman sisirain yung project ng apo ko?." gulat na tanong ni Lola.
"May naiingit kase kay felix lola.. Hindi niya kase kayang taasan si felix kase hindi naman niya kaya." Makahulugang sinabi ni venice.
Natigilan ako sa pagkain at hinintay ko pa ang maari niyang sasabihin kay lola at lolo.
"Kilala niyo ba ang gumawa non?." Tanong ni Lola.
"Hmm. May idea lang po ako kung sin—"
"Tama na yan. Okay na po lola naayos na po namin." Putol ni felix.
"Kung mauulit pa yan apo, Ireport niyo na agad sa mga teacher." abiso ni lola melda.
"Ako na po ang bahala." Si felix.
Hindi na nagtanong pa si Lola at lolo, naramdaman ko na lang na nilapit ni felix ang mukha niya sa akin.
"Kumain ka pa." bulong niya sa akin.
Tipid akong ngumiti at tinapos na lang pagkain. Nang matapos kami kumain ay tumulong kami sa pagliligpit ng mga pinggan.
Gabi na rin kaya kailangan ko na rin umuwi. Magpaalam na sana ako nang sumingit nanaman si venice.
"Felix ihatid mo ako, sinabi ko kase ikaw maghahatid sa akin." Sambit ni venice.
Bumaling sa kanya felix." Ihahatid ko din si andrea, mas malayo yung kanila malapit lang naman ang inyo. Isang iskinita lang."
Kumunot ang noo ni venice." Samahan na lang kita ihatid siya."
Tumingin sa akin felix bago sagutin si venice." Sige ikaw na lang muna ihahatid ko."
"Saglit lang ihahatid ko muna si venice." Sabi sa akin ni felix. "Tara na venice."
Bago sumunod si venice sa kay felix, matalim niya muna ako sinulyapan.
Umupo na lang ako sala nila habang hinihintay siya. Ilang saglit pa ng lapitan ako ni Lucas at Augustine. Umupo sila malapit sa tabi ko.
"Magkaibigan lang talaga si venice at felix." Sabi ni Lucas.
"Oo nga. Wag ka sanang magselos sa kanila." Dagdag ni Augustine.
Kumunot ang noo ko. Anong nagseselos? Halata ba na nagseselos ako?
"Huh?.. hindi naman ako nagseselos." Agap ko sinabi nila.
"Hindi halata." Biro sa akin ni Lucas.
Magkamatayan na hindi ako aamin na nagseselos nga ako doon kay venice. Alam ko din naman na wala akong karapatan magselos.
"Hindi naman talaga! Wala akong gusto kay felix." Pataray kong sinabi.
"Aray. Kawawa naman yung pinsan namin basted agad." Si Augustine.
"Anong basted? Hindi naman yon manliligaw sa akin." Sabi ko Pinagtaasan sila ng kilay.
"Hindi mo sure." Pabirong sinabi ni Lucas at nagtawanan sila ni Augustine.
Inirapan ko sila at tumayo na, magpaalam muna ako kila Lola at lolo bago umuwi.
"Saan ka pupunta? Hintayin mo yung pinsan namin." Sabi ni Lucas.
Hindi ko na sila sinagot nag-paalam na lang ako kila lola at lolo.
Nang matapos ako magpaalam ay lumabas na ako ng bahay, ayoko na siyang hintayin kaya ko naman umuwi mag-isa.
Kinuha ko ang bike sa gilid, pinagulong ko na ang bike para sakyan, nang bigla kong makita ko si felix na kakarating lang.
"Hatid na kita." Sabi niya sabay kuha sa akin ng bike.
kaagad kong iniwas sa kanya ang bike ko."Hindi wag na."
Pilit niya paring kinuha sa akin ang manibela ng bike. "Wala naman na si venice, ihahatid na kita." Katwiran niya.
Fuck! Sineryoso niya talaga ang mga sinabi kong yon. Hindi ko alam kung ayun talaga ang gusto niya o sumusunod lang siya sa mga gusto ko.
"Sundin mo yung gusto ko, ayokong ihatid mo ako!." maarte kong sinabi.
"Pumayag kana kahit ngayon lang.... Please."Pagpupumilit niya.
Nag-agawan kami sa bike ko pero ayaw niya paring bitawan.
Pinag-gulong ko ang bike habang sumusunod siya. "Huwag mo akong pilitin, ayoko nga na ihatid mo ako!."
"Bakit sino ba gusto mong maghatid sayo? Si Angelo Ian?." Sarcastic niyang tanong.
Mariin ko siyang tinignan, umigting ang panga niya at nag-iwas ng tingin.
"Sorry." he said.
Hindi ako nagsalita, hindi ako sumakay sa bike ko dahil nakahawak parin siya sa manibela.
"Ito ang pinaka ayaw ko, yung palagi tayong nag-aaway." sambit niya ng ilang minuto kaming naglalakad.
Sumulyap ako sa kanya nakita kong seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
"Nahihirapan din ako sa tuwing nagagalit ka sa akin." Dagdag niya."........Hindi ko alam ang gagawin ko kapag alam kong galit ka."
"Sabihin mo sa akin kung ano ba ang kailangan kong gawin para hindi ka nagagalit." he asked seriously.
Tumigil kami sa paglalakad habang seryoso niyang sinasabi yon.
Umiling ako sa tanong niya. "You don't have anything to do."
"Kung para sayo, gagawin ko ang lahat." Matapang niyang sinabi.
"Bakit mo naman gagawin ang lahat para sa akin ha?!. and besides ano ba ako sayo?."
"Gusto kita." he hissed.
Napakurap-kurap ako.
"Liar! Si venice naman talaga ang gusto mo!."
"There's nothing I want other than you
Baby. I've wanted to tell you for a long time. I really like you."
Tanging ilaw lang sa poste ang nagsisilbing liwanag para makita ko ang pag pungay ng mga mata niya.
Bumilis ang pagtibok ng puso ko, kaya hindi ako nakasagot agad. Nakatulala lang ako sa mga mata niya. Ganon din siya sa akin.
"Don't worry. I know you're never gonna like me back." aniya sa malungkot na boses.
Nag-iwas siya ng tingin at hinawakan ng mahigpit ang manibela, Ipapagulong na sana niya ulit ang bike pero pinigilan ko siya.
Tumingin siya ulit sa akin at tinitigan ako.
"I like you too, even I don't know how to show it."
Nalaglag ang panga niya at mangha na nakatitig sa akin. Binababa niya agad ang bike at niyakap ako ng mahigpit.
Ako naman ang nagulat sa ginawa niya, pero napangiti din ako kalaunan dahil naramdaman kong sobrang saya niya.
"Yes! Thankyou Lord." he whispered while hugging me tightly.