
Mabilis ang pag pagpadyak ko sa aking bike, Dahil konting oras na lang aalis na siya at matagal pa bago ko sya makita ulit, Halos masemplang ako sa sobrang pagmamadali .
Naiinis ako sa sarili ko, Sana pala nung una ko syang nakilala hindi na ako naging masungit sa kanya at naging masama.
Sana mas na enjoy ko ang mga moment namin hindi puro panget na memories ang maalala ko, Sana una palang na value ko na sya katulad ng pag value nya sa akin.
Bakit ba hindi ko iyon nakita noon?....
Nang marating ko ang Park natanaw ko agad syang nakaupo sa mahabang Bench, kaagad kong binaba ang aking Bike at Sinalubong sya ng mahigpit na yakap.
Tumingala ako sa kanya kahit nakasalamin sya ay kitang-kita ko parin ang Pag pungay ng kanyang mga mata.
"Basang-basa ka ng pawis." Sabi nya at kaagad sya naglabas ng panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang pawis ko sa noo.
Uminit ang pisngi ko dahil sa labis nya Pag-cacare sa akin, Sobra ko itong mamimiss.
"Sana talaga hindi na ako nakinig sayo na hindi ka sunduin, Basang-basa ka tuloy ng pawis Nagmadali kaba?." He said worriedly.
Kahit na pinapagalitan nya ako ay tuwang tuwa parin ako sa kanya. Para syang Tatay na pinapagalitan ang anak.
"It's okay, Ayaw ko mag abala ka sa pa Pagsundo sa akin." I said.
Bumuntong-hininga sya at kinurot ang ilong ko. Hays parang gusto ko talaga magmakaawa sa kanya na huwag na syang umalis, Pero hindi ko iyon pwedeng sabihin.
"No, I would do for you my Baby andrea." he said softly.
"Felix don't worry okay lang ako pawis lang to noh! ." sambit ko .
Patuloy nya parin pinupunasan ang aking noo, Titig na titig ako sa kanya Ibabaon ko sa aking isip ang bawat sulok ng kanyang mukha.
"Paano kapag Natuyuan ka ng pawis, You'll get sick." he said as if scolding me.
Humalakhak ako sa sobrang tuwa sa kanya, Eto nanaman sya sa pagiging maraming alam.
He touch my cheeks and stared at me Seriously, and I seemed to be getting drunk from his stares.
"I'm serious, I don't want you to get sick." he said seriously.
"I won't get sick, I promise." I assured him and I smiled sweetly.
Napabaling ako sa Isang malaking Pet carrier agad ko itong nilapitan at tinignan ang loob nito.
Namilog ang aking mga mata na makita ang Dalawang Persian Cat na nasa loob Black and white ang mga kulay ng mga ito.
"Wow! you brought it?." I asked.
Agad syang lumapit at kinuha sa loob ang mga pusa, Ibinigay niya sa akin ang itim na pusa at kinuha naman niya ang Puting pusa.
"Yes, you like sailormoon right?, this black is luna and this white is Artemis." he said.
Nagulat ako dahil naalala nya pa pala na gusto ko ang Sailormoon at alam din nya ang mga pangalan ng pusa doon.
"This is for you, Para hindi mo ako masyadong mamimiss."
I smile at him " Thankyou, I will still miss you too much." I said and stared at him.
"Paano mo naman nalaman ang pangalan ng mga pusa sa Sailormoon?."
He chuckled." I watched that." Sabi nya at sabay kaming tumawa ng malakas.
"Magpakabait ka habang wala ako, Mag-aral ka ng mabuti tumawag ka sakin kapag nahihirapan ka sa mga assignment mo. Sasagutin ko kapag hindi ako busy." Sabi nya habang hinahaplos ang pisngi ko.
Hindi nakatakas sa akin ang lungkot sa boses nya pero pinilit niya hindi ipahalata iyon.
"Don't worry about me, I can answer my assignment." I said.
"I know you're smart." he said and chuckled.
Pumungay ang kanyang mga mata at titig na titig sa akin, Lumapit sya sa akin at hinalikan ang aking noo.
"Ilang oras na lang bago ka umalis?." malungkot kong sambit.
"I still have an hour left." he said.
Sa oras na ito hindi ko alam kung ano ang gusto ko. Ang bumagal ang oras para mas matagal ko pa syang makasama o ang Bumilis ang oras para nandito na sya ulit sa tabi ko.

