Chapter 1 Ugly

1316 Words
"I am the Pretty Guardian who fights for love and Justice! I am Sailor Moon! And now in the name of Moon I'll punish you!." I almost imitate Sailormoon as I watch it on my TV. A loud knock I heard knocking in my bedroom." We're going to have dinner Andrea get down there." Si mommy. Sunday night I did nothing but watch Sailormoon in my room. Pinatay ko na ang TV at nagpasya ng bumaba para sa aming dinner. Naabutan ko na silang nakaupo at handa ng kumain. Nagmadali akong naglakad patungo doon at dahan-dahan akong naupo sa aking silya. "Wala ka ng ibang ginawa buong araw kundi manood dyan sa kwarto mo! Bat hindi mo gayahin ang mga kapatid mo kahit weekend nag-aaral." Sabi ni daddy sa isang matigas na boses. Hindi pa nga kami tapos kumain pinapagalitan na nya agad ako. Yumuko ako at naghanap ng mga salita. "It's okay daddy, I'm a consistent honor– " You are always in the Top 3, You are never in the Top 1." My dad's said with disappointed voice. Wala na ako tangi nasabi pa. Gusto kong ipaglaban na walang masama sa pagiging Top 3 ginawa ko ang best ko para mas tumaas pa ako doon, ngunit doon lang ang nakakaya ko ngunit mababa parin iyon sa kanila. My mom and dad have always compared me to my siblings. Because it's true that sometimes I don't have anything in the Achievements of my siblings, they are always in the Top 1 and there are so many awards I get in school.....while I can't progress to just being Top 3. " Kumain na tayo ." Sabi ni mommy upang magsimula na kaming kumain. Tahimik akong kumakain habang masaya silang nag-uusap, I feel invisible in front of them. " Daddy gusto ko talagang kumuha ng Medicine, I want to be a Doctor like you." masayang sambit ni ate Elise. Masayang tumawa si Daddy sa sinabi ni ate Elise at sabay haplos sa kanyang ulo. "Good choice, I'm proud of you." My daddy said. " Ikaw Steven ano kukunin mo malapit ka na mag College." Tanong ni daddy sa aking kuya Steven. " Of course Architecture daddy like mommy." Mayabang na sambit ng aking kuya Steven. Tila na giliw na giliw sila mommy at daddy sa mga sinabi ng aking dalawang kapatid na kukunin nilang kurso. " Ikaw Claudine matagal pa bago namin tanungin kung ano ang gusto mong kurso." Sabi ni mommy sa aking bunsong kapatid dahil nasa Elementary pa lang ito. Napaisip ako kung ano ba talaga ang gusto kong kurso, Wala naman akong ibang hiniling. Simula noong bata pa lang ako kundi maging isang Nurse. Nang sabihin nila ate Elise at kuya Steven ang gusto nilang kurso ay nanlamig ako dahil hindi ko kaya iyon. Architecture and Doctor hindi ko lubos maisip na kaya ko ba ang mga kurso na binanggit nila. Dahil hindi naman ako kasing galing nila. Inihanda ko ang aking sarili na sabihin ang gusto kong kurso. "Daddy I want to be a nurse." Ito ang handa kong sabihin kay daddy at iniisip ko na sasabihin nya sa akin na Proud sya at masaya sa napili ko Balang araw. Ngunit hindi na dumaan sa akin ang tanong na iyon. Napayuko na lamang ako at tahimik na kumakain hindi na ako naglakas sabihin ang gusto ko. Masaya silang nagtatawanan at tipid na lamang akong ngumingiti, Nakakapagtampo gusto ko na lang magkulong sa aking kwarto. I feel that I'm not important to them, that whatever my opinion is not important. Araw ng lunes at hindi pa dumadating ang aming Teacher, I'm already inside the school and I'm quiet and annoyed while sitting in my chair, Because I'm next to the person I hate the most in the world. Bakit ba kase parehas kami ng First letter ng Surname kaya kami magkatabi sa sitting arrangement. Bumuntong hiniga at palihim syang iniirapan habang nagbabasa sya ng makapal na Libro. Itong lalaking nerd na ito ang dahilan kung bakit hindi ako makausad sa Top 3, Palaging nagmamagaling palibhasa nerd. " Felix, wala daw si Sir. " Si Venice ang Bestfriend ni felix na nerd din. Kung si Felix ang laging Top 1 si Venice naman ang Top 2, Parehas silang matalino at nerd kaya siguro nagkakasundo sila at matagal na magkaibigan. " Pumunta tayong library hanapin natin yung Book ni Sun Tzu." Sabi ni Venice nang makalapit sa banda namin. " Hmm, maybe later." Sambit ni Felix. Hindi ko alam kung bakit naiirita akong makita sila pareho. Walang emosyon akong nakatingin sa kanila. "We don't have time to go the library later, we have a lot of activities to do. Let's go please...." Venice said. Bumuntong-hininga ako at umirap sa kawalan, Ang lalandi dito pa talaga sa harapan ko! . Tumango si Felix sa kanya at Isinarado ang binabasang makapal na libro, Bumaling sya sa akin na may mapupungay na mata Pinagtaasan ko sya ng kilay at inirapan. Pinanood ko silang lumabas ng Classroom, they both look like walking bacteria. Kaagad akong tumayo at pumunta sa kung saan ang upuan ng aking Bestfriend na si Belle, kinalabit ko sya dahil mukhang natutulog nanaman ang isang to!. " Belle, wake up." Sabi ko sabay yugyog sa balikat niya para magising sya. " What? ." Sabi niya sabay kusot ng mata. Mahina akong tumawa sa aking kaibigan, kahit kailan talaga palagi syang natutulog sa Classroom. " Let's go to the library." I whispered. " For what?....." reklamo ni Belle. Nagpatinaod sya sa aking paghila at agad kaming nagtungo sa library. Nagmadali kaming pumasok sa loob ng library at hinanap kung saan sila nakaupo. Nang matanaw ko silang nakaupo sa pinakadulo ay agad kong hinila si Belle upang magtago sa Malaking bookshelves. " Bakit ba tayo nandito huh?." Tanong ni belle. " Shhh....." I whispered. Sumilip ako sa gilid ng libro nakita ko silang sobrang lapit sa isa't-isa at seryosong may binasa na kung ano sa makapal na libro. Kinuha ko ang aking Cellphone sa bulsa at inanggulo ko ang camera. Sumakto na may sinasabi si Venice kay Felix at lumingon ito. Nang mahuli ko ang ayos nila agad ko silang kinuhanan ng picture na para silang naghahalikan. " s**t!......" Sigaw ni Belle ng dahilan ng paglingon ng dalawa at hinanap kung saan nang galing ang boses. Buti na lamang ay agad akong yumuko at hinila si Belle. " Wag kang maingay." Bulong ko. " What are you doing? why are you taking a picture of them." Belle asking me confused. Hinila ko na sya at tahimik kaming lumabas ng library, marami pa syang tinatanong sa ginawa ko ngunit hindi ko halos marinig iyon. Dahil ang tangi nasa isip ko na ngayon ay ang Success na pag sira ko kay Felix. " Anong balak mo? Bakit mo ba iyon ginawa huh?.." Belle said with an angry tone. " Hindi ako titigil hangga't hindi ko nasisira si Felix." katwiran ko. Hinawakan ni Belle ang aking balikat at seryoso akong tinitigan, Ang kanyang mga titig na ipinupukol sa aking ay may pag-aalala at galit. " What's on your mind huh? Don't you remember what you did in the past few years." Belle said. " I don't care! ......" asik ko. Tila puro lungkot ang nakita ko sa mukha ni Belle. Sa mga oras na ito wala akong pakielam sa sasabihin nya ang tanging gusto ko lang ay ang masira si Felix. " You're getting worst." malungkot na sambit ni Belle. " Hayaan mo na lang ako! ......hindi kita idadamay sa mga gagawin ko." sabi ko sabay talikod sa kanya at nauna ng pumasok sa loob ng Classroom. Para sa akin hindi mali ang unahin ang Sarili kaya hangga't may pagkakataon sisiraan ko si Felix ng sa ganon ay mapaalis sya dito sa School. This is the only way for me to be Top One and make mom and dad proud of me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD