Chapter 7 Accused

1539 Words
There was a very awkward, I don't know but my heart so fluttered. Hindi ko alam ang sinasabi niya at wala akong idea kung sino yon, Pero nang magtama ang mata namin para bang ako ang tinutukoy niya. Tumikhim si belle kaya napabitaw ang titig ko sa kanya. My heart beating so fast. Hindi ko alam kung paano kami nakauwi nang hindi inintriga. Tahimik lang sila lalo na si venice, sinulyapan ko siya ng isang beses pero halatang malungkot siya at parang walang gana. Kaya dumaan ang ilang araw ay palagi dikit ng dikit sa akin si felix. Hindi ko parin siya masyadong pinapansin, kailangan ko pang sulyapan si venice para sumagot sa mga tinatanong niya sa akin. Pero si venice hindi na ganon kadalas ang pagsulyap niya sa amin tuwing nasa classroom. Hindi tulad noon kada susulyap ako sa kanya naabutan ko siyang nakatingin sa amin. "Punta ka sa amin sa sabado?." Bulong ni felix, habang nag-rereview kami dahil mamaya na ang quiz. "Ano naman ang gagawin ko sa inyo?." Palihim kong sagot. "Marami, kakain tayo tapos pwede rin tayo mag sabay mag-aral." Sagot niya. Mukhang maganda nga yon. Pero may pumipigil sa akin para gawin yon, pero gusto kong pumunta. Ano ba gagawin ko? Wala naman masama kung susundin ko ang gusto ko, at isa pa wala naman akong ginagawang masama. "Okay, sige." Sagot ko kay felix. "Talaga?." nahimigan ko ang saya sa boses niya. Ngumisi na lang ako at ibinaling ulit ang sarili sa pag-rereview. "Konti na lang malapit na ang moving-up, Mag beach tayo sa summer?." Masayang anyaya ni belle habang kumakain kami. "Okay, pwede." Sagot ko. "Kamusta kayo?." Tanong ni belle. "Who?" Lito kong tanong. Ibinato niya sa akin ang isang piraso ng chips, umilag agad ako kaya 'di ako natamaan. "Sino pa ba? 'edi si felix?" "What?. Shut up!" She smiled playfully. "Manhid!" Umirap na lang ako sa kawalan at ayoko nang may aminin pa sa bagay na yon. Self realization, masyado akong nagpakain sa mga bagay na kinaiingitan ko hindi ko na nakikita yung mga bagay na meron ako. Life is not just about big victories, isn't? But most of the time, we tend overlook all the small things, the stepping stones. And be focused the big achievement we're getting and aiming. "Ano yan?." Tanong ko kay felix. Araw ng sabado at tumupad ako sa kanya na pupunta ako, kakalapag niya lang ng meryenda namin matapos sabay mag-review. "Turon yan masarap tikman mo." aniya. Ngumiti ako habang kinuha ang turon, masarap nga ng tikman ko." Thankyou." I said. "You're welcome." he said. "Hindi ba pupunta si venice?." Tanong ko habang umiinom ng juice. Nag-iwas siya ng tingin sa akin." Hindi baka busy siya." Sabi niya sa maliit na boses. Tumango na lang ako at hindi nag-usisa pa, nitong mga nakaraang araw ay napansin kong hindi na sila palaging magkasama. Mag kaaway ba sila? or nag katampuhan? Sana naman hindi, at sana hindi dahil sa akin. "By the way magkakaroon tayo ng project sa Science, May ka group ka na ba?." he asked. Sumulyap ako sa kanya. "Ah. Oo may ka group na ako." "Sino ang leader?." "Ako." Mayabang kong sagot. Kapag may mga activity na ganito ako naman talaga ang palaging leader. "I know." aniya. "For sure ikaw rin ang leader sa group nyo?." Ngisi lang ang sinagot niya sa akin. Nagpatuloy kami sa pagkain at pag-rereview. Buong araw kami magkasama parang kailan lang palagi kami nag-aaway, ngayon parang close na close na kaming dalawa. Kanina ko pa siya tinitigan habang nagbabasa, ito na ata ang pinaka-gwapo niyang anggulo seryosong nagbabasa at nag-aaral. Pero mas gusto ko parin kapag nakangiti siya sa akin. Inayos niya ang kanyang salamin at bumaling sa akin. Naabutan niya akong nakatitig sa kanya. Nataranta ako kaya binuksan ko agad ang libro sa harap hindi ko pa nga alam kung ano ang babasahin ko. Dahil nawala sa isip ko dahil sa pagtitig ko sa kanya. "Woah! Si insan hindi na torpe." Boses ni Lucas sa likod. Nagtawanan sila ni Augustine kaya dumampot si felix ng bato at pinukol sila. "Galing ng moves ah, Dinadaan sa pag-rereview." Kantayaw ni augustine. Hindi ko pinapahalatang natatawa ako. Tumayo na si felix at tinulak-tulak sila papasok ng bahay, halos magkakasing laki lang silang tatlo medyo may pagkakahawig si felix kay Lucas pero mas mukhang mas maloko lang 'tong si lucas. Wala kasi sa itsura ni felix ang pagiging maloko, halata mo na agad sa kanya na matalino siya. Ganun din si Augustine mukhang seryoso pero ang totoo maloko din kagaya ng kapatid. Nagpasundo ako sa driver namin kaya hindi ako nahatid ni felix. Hindi pa ako nakakarating sa amin na nag-text siya agad. Felix : Thankyou for today. Napangiti ako sa text niya. Hindi ko alam pero masaya ako kapag kasama ko siya. Comfortable ako at nararamdaman kong totoo siya sa akin. Malakas ang hiyawan sa loob ng gymnasium ng manood kami ni belle matapos ang ilang araw. Palaging kaming nanonood kapag may laro ang swimming team, dahil kaibigan ni belle si Joseph at kaibigan rin namin si Angelo Ian. Malakas ang palakpak ko pero walang ganang nanonood si belle sa tabi ko. "Belle...." Tawag ko. "Hmm?.." Marami nagkaka-crush sa kanya at gusto mong manligaw pero palagi niyang sinasabing walang siyang pakealam. "Nagka-crush ka na ba?." I asked. Kumunot ang noo niya ng bumaling sa akin. "Syempre, yung mga koreanong pinapanood natin sa kdrama." Umirap ako."Hindi I mean, yung mga nagkakagusto sayo or ibang lalaki. You know? Hindi ka pa nagkaka-crush?." Madrama siyang bumuntong-hininga."Wala akong nagugustuhang lalaki pakielam ko sa mga 'yan, at isa pa hindi para sa akin yung mga ganyang crush. Pare-parehas lang mga lalaki." Paliwanag niya. "Kahit isa lang sure wala?." Pagpupumilit ko. "Wala nga! wala ata sa bukabularyo ko magkagusto sa lalaki." giit niya. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko kay felix, hindi ko rin kase alam kung gusto ko ba talaga si felix o na aattach lang ako sa kanya dahil mabait siya sa akin. Gusto ko munang pag-isipan ang mga bagay at mas mabuting alamin ko muna ang tunay kong nararamdaman. Kinagabihan ng mag-sabay sabay ulit kaming kumain ng dinner dahil hindi na masyadong busy si mommy at daddy sa work. As usual tahimik lang akong kumakain habang masayang kakuwentuhan ni daddy si ate Elise at kuya steve. Nasanay naman na ako, pero minsan kahit sanay ka na masakit parin. Sometimes all we want is to be loved the way we love. "Tapos na." Sabi ko matapos namin gawin ang project. "Buti na lang ikaw ang Bestfriend ko." Sabi ni belle, kaya natawa ako. Ilang oras namin ginawa ang project na science fair board, ako ang nag-isip ng idea at tumulong si belle sa pag-dedesign. Kaya mabilis rin naming natapos. "Ma'am papasa na po namin yung project." Sambit namin belle sa aming Science teacher. "Okay pakidala na lang sa Science lab, mamaya nyo pa irereport yan." Sagot ng teacher namin. Tumango kami ni belle at nagtungo sa science lab, nagtawanan pa kaming dalawa habang nilagay yun sa loob dahil isa sa maganda ang gawa naming project, pwera na lang sa project nila felix. Pababa na kami ng hagdan ng makasalubong namin si venice na matalim ang titig sa akin, nilagpasan na lang namin siya at hindi ko na lang pinatulan. "Anong problema non?." Tanong ni belle. "Ewan ko don, may regla ata." Biro ko. Nagtawanan kami ni belle at bumalik na sa classroom. Kaya nga lang sa oras na presentation namin sa science ay laking gulat namin na makitang sira-sira ang project nila felix. Ma'am si andrea po ang huling nakita kong pumasok sa science lab kahapon." Si venice Natigilan ako ng sabihin ni venice yon sa teacher namin. Nanlaki ang mata ko at tinanggi ang paratang niya. "Ma'am huling kita ko po kanina maayos pa po yan." Sabi ko halos maiyak na. "See, edi ikaw nga ang nag-sira dahil ikaw ang huling pumasok!" Bintang ni venice. Sumulyap ako kay felix na tahimik lang nakayuko. "Ma'am kasama ko po si andrea pumasok sa science lab, Wala po siyang sinisirang kahit ano." Pag-tatanggol ni belle sa akin. "That's enough! Wala tayong matibay na ebidensya kay Ms. Prudente ." ani ng teacher namin. "Ma'am give me a chance to fix this." Si felix. "I'll give you a chance until tomorrow mapasa mo na yan, pero hindi na ganon kataas ang grade nyo." Our teacher's said. "Mananagot ang gumawa nito!." Galit na sambit ng aming teacher. Natahimik ako at sumulyap kay venice na mariin ang titig sa akin. Wala naman talaga akong ginagawa bakit ako ang pinagbibintangan niya agad? "Umamin ka na kase andrea." Sabi ni venice hindi parin tumitigil sa pagbibintang sa akin. "Wala akong aaminin, wala naman akong ginagawang masama! " Giit ko. Hindi ko alam kung paano ko mapapaniwala sila na hindi ako ang gumawa non, ayokong magalit sa akin si felix hindi naman talaga ako ang gumawa non. Nangilid ang luha sa aking mata."Felix, wala akong ginawang kahit ano. I promise." Nakatitig siya sa akin taliwas sa pagkataranta ko, samantalang nanatili siyang kalmado. "... Hindi ako ang sumira sa project nyo." Halos maiyak kong sambit. Umiling siya at malambot na ngumiti sa akin. "Palagi akong naniniwala sayo." aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD