Chapter 6 Avoid

2028 Words
Hindi ako mapakali sa loob ng sasakyan habang iniisip ang mga sinabi niya. Naiinis ako.. Hindi sa kanya kundi sa sarili ko. Palagi ko na lang ginagawa tong pag-alis sa harapan niya sa tuwing kumakalabog ang puso ko kapag kausap siya. Mariin akong pumikit at dinama ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang ganitong kabilis ang pagtibok ng puso ko pagdating sa kanya. pero alam ko kahit inaaway ko siya at nagagalit ako.... Ganitong ganito ang t***k ng puso ko sa kanya. Bakit ba siya ganon ka lambot sa akin?.. Sa akin lang ba siya ganon o baka sa iba rin ganon siya?..... Ang dami kong tanong sa isip ko 'diko na namalayan na nakarating na kami sa bahay. Walang masyadong tao sa bahay pati ang mga kapatid ko. Si mommy ay nasa work pa at si daddy ay nasa hospital. Masayahin naman ako kapag nasa labas at kasama si belle, pero kapag umuuwi ako tumatahimik ako. Alas-nuebe na nag-rereview ako sa kwarto ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang nag-text at nakitang hindi registered ang number. Unknown number: I'm really sorry. Kumunot ang noo ko dahil sa nag-text sa akin. Ako: Who's this? Bumalik ako sa pag-rereview, ngunit tumunog ulit ang cellphone kaya pinasadaan ko ulit. Unknown number: Felix. Pagkabasa ko nang text ay pinatay ko agad ang cellphone ko, dahil nabasa ko ang pangalan niya. Pinilit ko ulit ang sarili na mag focus sa pag-rereview. Hindi ako nag-reply sa kanya natulog na lang ako matapos mag-review. Ayoko na siyang isipin, gusto kong mawala na siya sa isipan ko. Kinabukasan pag pasok ko sa classroom siya agad ang una kong nakitang nakaupo sa tabi ng upuan ko. Damn it.... Hindi nga pala pwede na hindi ko siya makita, mag classmate kami at isa pa magkatabi kami ng upuan. Binaba ko ang bag ko at umupo ng maayos, ramdam kong nakatingin siya sa akin. "Did you receive my text?." felix asked. Bumaling ako sa kanya at tumango, pero diko matagalan ang pag tingin sa kanya kaya nag-iwas na lang ako ng tingin. "Galit ka parin ba?." Tanong niya ulit. Hindi ako sumagot, dumating na ang teacher namin kaya hindi na nasundan ang pagtatanong niya. Matapos ng klase ay tumayo agad ako at kinuha ang bag, tumayo rin siya nag-ayos ng gamit. "Pwede ka ba ulit pumunta sa amin, Magluluto ulit si lola ng meryenda." Sambit ni felix. Umiling lang ako at tipid na ngumiti sa kanya. Lalagpasan ko na sana siya ng bigla siyang humarang sa dadaanan ko. Kaya napatingala ako sa kanya at mariin siyang tinignan. "Iniiwasan mo ba ako?." aniya sa malungkot na boses. Hindi ko sinagot ang tanong niya, umiwas ako ng tingin. "Excuse me.." I said, and try to escape in front of him. Hindi niya ako pinadaan kaya matalim ko siyang tinignan. Seryoso naman ang titig niya sa akin. Nakita kong nakatingin sa amin sa venice, Kumunot ang noo niya at mabilis na lumabas nang classroom. Kaya pinilit kong umalis sa harapan ni felix pero di niya ako binibigyan ng daan para makaalis. "Padaanin mo ako... gusto mo bang magalit ako sayo ulit!.." sabi ko sa mariin na boses. Malungkot siyang tumango at binigyan ako ng daan, mabilis akong umalis sa harapan niya ay lumabas na ng classroom. "Himala bakit hindi ka madaldal ngayon?." Sabi ni belle habang kumakain kami sa canteen. "Huh.. hindi naman." sabi ko sabay iwas ng tingin. Nanliit ang mata niya pero hindi na nagtanong pa sa akin. "Can't wait for vacation, nakakasawa mag-aral." hirit ni belle sa akin. Humalakhak ako dahil napakatamad niya talaga mag-aral, uminom ako ng juice at kumain na lang. Napasulyap ako sa gilid nang mapansin na nakatingin ng mariin sa akin si venice. Umiwas ako ng tingin, wala akong panahon para sa kanya. Wala akong ginagawang masama kung gusto niyang layuan ko si felix, then lalayuan ko. Matapos kaming kumain ay tinawag ni malcolm si belle. Kaya sinabi ni belle na mauna na ako sa classroom. Habang pumapanik ako ng hagdan ay napatingala ako, at nakitang bumaba si felix. Natigilan siya ng makita ako, umiwas ako ng tingin at binilisan ang pagpanik. Lalagpasan ko na sana siya ng bigla siyang humarang sa dadaanan ko, natigilan ako kaya mariin ko siyang tinignan. Wala akong sinabi na kahit ano, Sinubukan kong umalis sa harapan niya pero humarang ulit siya. Tinulak ko siya ngunit mabilis niyang hinawakan ang braso ko. "Sorry kung galit ka sa akin." aniya. Hindi ako sumagot. Hindi naman talaga ako galit sa kanya. Napapagod lang talaga ako sa ganito.... Ang dami ko lang talaga sigurong insecurities kaya pati siya nadadamay ko. Gusto ko na lang siyang iwasan para kahit papano hindi ko na siya nadadamay sa pagiging immature ko. "Hindi ako galit... Please padaanin mo ako." Sabi ko at hindi siya tinitignan. "Bakit ka ganito kung hindi ka galit sa akin?." Napapaos niyang tanong. "Ganito naman talaga ako sayo, kahit noon pa." I said. Umiling siya at hindi matanggap ang dahilan ko. Yumuko siya at hinanap ang mata ko. Hindi ko napagilan ang sarili ko nang mapatitig din sa kanya. Nang magtama ang mga mata namin para bang nag-uusap ang mga ito. "Huwag mo akong iwasan... Please." Sabi niya sa malungkot na boses. Dahan-dahan akong tumango. I'm sensitive and I overthink all the time. Maybe I'm an emotional person, a simple bad word can leave a permanent scar. Felix is very soft-hearted person. He simple act of kindness can make my heart melt. Hinawakan niya ang kamay ko, hinayaan ko siyang gawin yon. I became blind just because of my insecurities. "Felix...." Napabitaw ako kay felix nang may narinig akong tumawag sa kanya sa likod. Humarap ako at nakitang si venice yon. "Bakit hindi ka bumaba? Kanina kapa namin hinihintay nila migs." Sabi ni venice. Bumaling ang tingin sa akin ni venice, nag-iwas agad ako ng tingin. "Mauuna na ako sa classroom." Mahina kong bulong kay felix. "Wait." Pigil niya sa akin. Bago pa niya ako mahawakan ay lumayo agad sa kanya. Matagumpay akong nakaalis sa harapan niya. Bago ako makalayo ay huli kong narinig ang huling sinabi felix kay venice. "Susunod na lang ako venice." Sambit ni felix. Mabilis akong naglakad papuntang classroom, ngunit mabilis na sumunod sa akin si felix. Huminto ako at lumingon sa kanya, huminto rin siya nang makalapit sa akin. "Huwag tayo mag-uusap kapag nandyan si venice." I said. Kumunot ang noo niya." Bakit naman natin gagawin yon?." Lito niyang tanong. "Sundin mo na lang ang gusto ko." Pilit ang pag tango niya sa gusto ko. Sa totoo lang ayoko rin naman ng ganito. Pero ayoko nanamang na na-questions ako? Sawang-sawa na ako sa ganon. Kahit palihim na lang ang paglapit at pag kausap ko sa kanya. Okay na sa akin yon. "Babalik na ako sa classroom." I said. "Bumalik na tayo." Bahagya siyang naglakad.."Hinihintay ka ni venice." Sabi ko. "Hindi na ako baba." Mabilis niyang sagot. Hindi nga talaga siya bumaba para puntahan si venice at mga kaibigan niya sa canteen. Natapos ang ilang oras na klase ay mabilis akong lumabas kasama si belle. Nakatingin lang sa akin si felix, kanina nang ayusin ko ang gamit ko, siguro ay sinusunod niya ang gusto ko na wag kami magpansinan kapag nandyan si venice. Palabas kami ni belle nang makasalubong namin si Joseph at si Angelo Ian. "Andrea..." Tawag ni Angelo Ian. "Sakto gusto nyo bang sumama sa Arcade." Nagkatinginan kami ni belle, pasimple siyang umiling sa akin. Ayoko na rin sumama pero 'di ko alam kung paano sasabihin. "Sama na kayo, Belle, andrea.." Pagpupumilit ni joseph. Hindi pa kami nakakasagot ni belle, Nang bigla tinawag ni Angelo Ian si felix sa likod namin. Lumingon ako at nakitang magkasama si Felix at venice. "Felix... Gusto nyong sumama ni venice sa arcade. Sasama sila andrea at belle." Sambit ni Angelo Ian. Nagkatinginan kami ni felix, umigting ang panga niya at nag-iwas ng tingin sa akin. "Sige sama kami." Sagot ni venice. Hinampas niya sa balikat ni felix. "Ano tara?." tanong niya kay felix. Tumango lang sa kanya si felix. "Ayun pala e, Tara na!." Masayang sambit ni Angelo Ian. Wala na akong nagawa pa, anim kaming pumunta sa arcade. Si angelo ian lang at Joseph ang parang excited. Nagpapansin si Joseph kay belle, at si Angelo Ian ay nangingiti naman sa akin. Pasimple akong tumingin kay felix at nakita siyang nakatingin sa amin ni Angelo Ian. Pinagpawisan ako ng malamig dahil sa matalim na titig sa amin ni felix. Nakarating na lang kami sa arcade 'di ko alam kung mag-eenjoy ba ako? "Maglaro tayo ng Air hockey." Sambit ni Joseph. "Sige buti na lang by fair tayo." Si Angelo Ian." Partner kayo ni belle Joseph, Kayo naman partner ni venice, felix." "....Tapos ako partner ko si andrea." Sabi ni angelo Ian, sabay akbay sa akin. Napatingin ako sa kanya ng akbayan niya ako. Ang alam ko crush ko siya dati e, bakit ngayon parang hindi na ako kinikilig sa kanya? Mabilis kong tinanggal ang braso niya at lumingon kay felix. Nakatingin siya sa amin nang magtama ang mata namin bumuntong-hininga siya at nag-iwas ng tingin. Si felix at venice ang huling naglaro, kahit dito magaling parin sila. Nag-apir sila matapos ang laro. Para bang sanay na sanay na sila na ganon ang gagawin. Nakaramdam ako ng inggit, pero ano nga ba ang magagawa ko sila ang matagal na magkaibigan. Tumingin sa akin si felix, pero 'di nagtagal ang titig ko umiwas agad ako, dahil ayaw ko siyang tignan. Matapos kami maglaro ay nagkaayaan kumain sa jollibee. Tahimik lang akong nakaupo at sumasabay lang sa kung anong gusto nilang gawin. "Kami na ang oorder ni Joseph." Si angelo Ian. Naiwan kaming apat sa table, hindi ako mapakali dahil katabi ko si felix. Lalo't na andito rin si venice. "Felix, order din tayo ng sundae ha?." Si venice. "Sige ikaw bahala." Sagot ni felix. "Yehey. Sabihin ko lang kila Joseph." Sabi ni venice, sabay punta sa counter. Umirap na lang ako sa kawalan at hinawi ko na lang ang buhok ko, sana hindi ko na lang sila naririnig. "Andrea, mag Cr lang ako." Sabi ni belle. Gusto ko sanang sumama pero mabilis siyang umalis. Ang ending naiwan kami ni felix sa table. Ngumuso ako at hindi siya tinitignan. "Punta ka ulit sa amin sa weekend." Bulong ni felix. Tuluyan na akong lumingon sa kanya. Gusto kong pumunta ulit sa kanila, pero pano kung pumunta ulit si venice sa kanila at makita kami ulit na magkasama. "Baka pumunta si venice sa inyo, wag na lang." Bulong ko. Kumunot ang noo niya. "Edi balik na lang tayo dito, tayo naman yung mag-laro." aniya. Hindi ako nakasagot dahil bumalik na si venice. Matapos umorder nila Angelo Ian ay kumain na rin kami. "Mag Bestfriend lang ba talaga kayo ni venice, felix?." Tanong ni joseph kay felix, habang kumakain kami. Napainom ako ng coke dahil sa tanong sa kanya, ayoko talaga marinig ang mga ganitong tanong sa kanya. "Magkaibigan lang kami ni venice." Simpleng sagot ni felix. "Weh?... Pero impossibleng wala kang nagugustuhan sa school?." Tukso ni angelo Ian. Tinuon ko na lang ang sarili ko sa pagkain at hindi nakikisali sa kanila. "Baka naman may nagugustuhan ka sa school? pwede mong sabihin sa amin promise secret lang." Dagdag ni Angelo Ian. Napapikit ako at kinakabahan sa mga pwede niyang isagot. "Gusto ko si venice pero sa ngayon, magkaibigan lang muna kami at hihintayin ko siya." Hindi ko yata kakayanin kung ayun ang isasagot niya. "Classmate niyo ba? o baka ibang section ha?." Tanong ulit sa kanya ni Angelo ian. Kinuha ko na lang ang gravy at nilagay sa kanin ko, ngunit nalagyan ang daliri ko ng gravy. Bago pa ako makakuha ng tissue para punasan ang daliri kong nalagyan ng gravy. Kinuha na ni felix ang tissue at pinunasan ang mga daliri ko. Nagulat ako kaya napaangat ang tingin ko sa kanya, seryosong niyang pinunasan ang mga daliri ko. Pati sila belle, Joseph, angelo Ian at lalo si venice ay natigilan dahil sa ginawa niya. "Tama ka Angelo Ian.... Isa sa mga classmate namin ang gusto ko." Sabi ni felix sabay titig sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD