I'm now planning to work on healing from my past mistakes, learning from things, and growing as a better person.
We are not a good terms last time we talk. Pero ngayon nandito ako sa bahay nila ay para bang walang nangyari. Mabuti parin ang pakikitungo niya sa akin.
Ipinakita niya sa akin ang loob ng maliit na kwarto sa tabi ng kwarto niya.
"What room is this?." I asked.
"My lab room." he said.
Nagulat ako doon. Binuksan niya ito at iminuwestra sa akin ang loob. Nanlaki ang mata ko at pumasok agad.
Inikot ko ang globo at mangha tinignan ang ibang gamit doon. Nakakita ako ng microscope at sinilip.
Akala ko sa school lang may ganito pwede rin pala sa bahay. Luminga-linga ako at mangha parin tinitignan ang mga gamit niya.
Nang mapansin ko sa gilid ang familiar na gamit. Hinawakan ko ito at inaangat nang biglang maalala ko na iyun ang ginawa kong project noong grade 7 kami.
Sinulyapan ko siya at ipinakita ang hawak ko. Nag-iwas siya ng tingin at napahawak sa kanyang batok.
"You don't even care about that. So I took it." agap niya.
Naalala kong hindi ko na iyun pinag-interesan kunin noon. Dahil 'di yun napasama kaya't nawalan na ako ng pakielam.
"Why did you keep this? This is a f*****g trash and in the first place this is not a useful at all..." I said.
"Don't say that." Kinuha niya sa akin at itinabi sa kung saan ko nakita kanina." This is useful. I don't want to throw it away."
Mga ilang minuto pa kami nanatili doon. Nang marinig namin ang boses ni venice na hinahanap siya sa baba.
Namilog ang mata ni venice ng makita niya akong kasama si felix pababa ng hagdan.
"Why is she here?." Tanong ni venice kay felix.
"I invited her...." Si felix.
Tila may tensyon ang dalawa sa kung ano. Nakakunot ang noo ni venice kay felix tila takang-taka kung bakit ba ako nandito.
Nagsalita agad ako bago pa humaba pa ito. Hindi ko alam kung ano talaga ang namamagitan sa kanila ni hindi ko alam kung magkaibigan lang ba talaga sila.
Maybe venice his girlfriend. Kaya siguro ganyan siya mag-react or maybe she knows I had been mean to felix.
"Felix. I'm going home na." Sambit ko.
Binalingan niya ako ulit at tumango. "Ihahatid na kita." aniya.
Umiling ako bilang protesta." Hindi na may bike naman ako."
"Ihahatid na kita." Pigil sa akin ni felix.
"Felix..." Si venice.
Tumikhim ako at nagpaalam na sa lola at lolo niyang na sa kusina. Nakasunod parin sa likod ko si felix.
Palabas na kami ng bahay at nakita namin si venice tahimik na nakaupo sa mahabang upuan sa labas ng bahay nila felix.
I have nothing to say to her. Hindi kami close para mag-paalam pa ako sa kanya. Tuloy tuloy lang ang lakad ko. Kinuha ko agad ang bike at hinila yun.
"Ako na ang magdadala." Si felix.
Hindi na ako nakipagtalo at ibinigay na lang sa kanya ang aking bike. Tahimik kaming naglalakad habang hawak niya ang bike ko.
Hindi ko alam kung bakit mas pinili namin maglakad. Kahit papaano ito rin naman ang gusto ko ayaw ko paring umuwi.
Nilingon ko siya at nahuling nakatingin sa akin. " What are you thinking?." he asked.
"Nothing. Why are you so kind? I'm still wondering." I asked.
He chuckled." What do you mean?."
"I've been mean to you but in spite of all that, you're still kind to me as if nothing happened...." Sabi ko sa maliit na boses.
Hindi na ako makatingin sa kanya. Dahil sa tanong ko. Humahanga ako sa kanya ngayon dahil napakabuti niyang tao.
"Because I care about your feelings.. " he said softly.
Tahimik lang ako at wala ng sinabi nakaramdam ako ng gaan sa pakiramdam.
Huminto kami ng malapit na sa bahay. Kinuha ko na ang bike ko at tumingin sa kanya.
Tipid akong ngumiti at tinitigan siya. Tumingala ako at nakita ang kanyang mga matang namumungay at tila naninimbang.
Nag-iwas ako ng tingin." Thankyou for today..... " Nangining konti ang boses ko.
Pero ito na ang pagkakataon na manghingi ako ng tawad sa kanya sa lahat ng mga ginawa ko kahit kailan hindi ko ito nagawa.
"....... I'm sorry for being such a mess."
Bumaling ulit ako sa kanya at nakitang may multo ng ngiti sa labi.
"I'm here for you." aniya.
Nakahiga na ako sa kama at hindi mawala sa isip ko ang huling nangyari. Nang makauwi ako ay masayang masaya talaga ako.
Hindi naman ako tinanong nila mommy at daddy kung saan ako nagpunta.
Nakangiti lang ako habang kumakain kami ng dinner. Nawalan ako ng pakielam sa paligid ko.
Wala akong number niya kaya 'di ko man lang alam kung nakauwi na ba siya.
Tinitigan ko sa kisame ang mga nakadikit na stickers ni Usagi at mamoru chiba ang mga main characters sa Sailormoon.
Nung una ay hate nila ang isa't-isa pero kalaunan sila ang nagkatuluyan.
Pero ako lang may hate kay felix. Kahit kailan hindi niya ipinaramdam sa akin na nagalit siya.
Gusto ko pa siyang mas makilala yun ang gusto ko ngayon habang iniisip siya.
Nandito na ako sa loob ng classroom at kanini pa hinihintay si belle pero mukhang 'di papasok.
Bumuntong-hininga na lang ako sa katamaran ng aking kaibigan.
"Ayaw kong pumasok....." Si belle, mukhang kakagising lang nang tawagan ko.
"Nakakainis ka wala akong kasama kumain sa canteen!." Reklamo ko.
"I'm sorry. Papasok ako bukas promise."
Natigilan lang ako ng maramdaman ang pag-upo ni felix sa tabi ko kaya nagpaalam na agad ako kay belle.
Ngumiti sa akin si felix nang mababa ko ang tawag. Nag-iwas ako ng tingin at ngumiti sa kawalan.
"Malapit na tayo mag moving-up. Saan kayo mag-aaral?." Tanungan ng mga classmate namin.
"Ikaw felix saan ka mag-aaral pagtapos ng moving-up?..." Tanong ng classmate namin kay felix.
"Hindi ko pa alam... Tsaka na ako magdedecide about dyan." Sagot ni felix.
Suminghap ako at 'di ko parin naiisip ang bagay na yun.
"Nako malamang pag-aagawan ka ng malalaking university pag-nagkataon."
Tumawa si felix at umiling." Hindi naman siguro. Kung sakali gusto ko dito parin mag-aral." Sambit ni felix.
Tama ang sabi ng classmate namin. Sigurado pag-aagawan nga siya ng mga malalaking university.
"Bakit naman gusto mo parin dito?. Mga mayayaman lang ulit ang gustong mag-aral ulit dito noh?." Litong tanong ng classmate namin.
Hindi sumagot si felix kaya tinignan ko siya at nahuling nakatingin sa akin.
"Ikaw andrea saan ka naman mag-aaral pagtapos ng moving-up?." Sa akin naman ang tanong.
Napangiwi ako." Hindi ko pa alam. Dito rin kase nag-aral ang mga kapatid ko hanggang senior high. Kaya baka dito rin ulit ako mag-aaral...." Sagot ko.
Hindi na nagtanong pa sa akin ang mga classmate namin. Nagkukuwentuhan parin sila. Samantalang ako ay tahimik lang dahil wala naman akong ibang close kundi si belle lang.
Matapos ang ilang oras na klase ay mag-isa lang akong kumakain sa canteen. Dinig na dinig ko ang ingay at tawanan sa kabilang lamesa.
Masaya kumakain at nagtatawanan sila felix at ang mga lagi niyang kasama sa kabilang table.
Kahit ang mga hindi naman namin ka batch ay nakikisali sa kanila.
Samantalang ako dito mag-isa at walang kausap kaya nakatingin lang ako sa kanila.
Nahagip ng paningin ni felix ang banda ko.
Nag-iwas ako ng tingin at tinitigan na lang ang pagkain sa harap. Napaangat na lang ako ng tingin ng may napansing huminto sa harap ko. Namilog ang mata ko ng makitang si felix yun.
"Doon kana lang kumain sa table namin mga classmate naman natin ang mga nandoon." aniya.
Umiling ako ."It's okay gusto kong mag-isa kumain." Uminom ako ng tubig at iniiwasan ang titig niya.
"Malungkot kapag mag-isa." Sambit niya.
"Mas gusto kong mag-isa." Matamaan kong sinabi.
"Sasamahan na lang kita."
Ang kulit! Gusto ko siyang makasama at makilala pero ayoko na ganitong maraming napahinto at nakatingin sa amin. Kahit sa table nila ay nahinto sa tawanan dahil nakatingin sa aming dalawa.
"People would see us together." I whispered on him.
"What's wrong about that?...." Lito niyang tanong.
Hindi ako nakasagot doon. Ayokong makikita ng iba na magkasama kami dahil ayoko na mapapahiya siya dahil sakin.
"I want people see us together.." malakas niyang sinabi.
Sinapo ko ang aking noo at napayuko hindi dahil sa hiya kundi sa kilig. Namumula ang mukha ko kaya mas pinili kong yumuko na lang.
Mabilis akong kumain dahil ten minutes na lang matatapos na ang breaktime. Sinabayan niya akong kumain kahit papaano hindi ko naramdaman na nag-iisa ako.
"Ten minutes na lang matatapos na ang breaktime. Can you come with me?." Sabi niya nang matapos kami kumain.
Tumango ako at sabay kaming tumayo. Dinampot niya ang ilang tinapay na binili niya kanina pero hindi niya ito kinain.
"Saan tayo pupunta?." Tanong ko nang mapansin na liliko kami sa likod ng school.
"Hey come out.." sabi niya ng makarating kami sa likod.
Umupo siya at nilagay ang mga tinapay sa lapag. Mayamaya pa ay may mga lumabas na tatlong pusa.
Namilog ang mata ko at lumapit doon. Nakakatuwa at nagpapakain siya ng mga pusa.
"Gusto ko rin ng pusa pero hindi ako pinapayagan nila mom at dad mag-alaga sa bahay." Saad ko habang pinapakain na rin ang mga pusa.
"Hmm.. Maybe hindi sila comfortable mag-alaga sa bahay.... Parang sa bahay namin kahit gusto ko mag-alaga ng pusa hindi pwede." Paliwanag niya.
"Bakit naman?." Tanong ko.
"Takot kase si lucas sa pusa." Sabi niya sabay tawa.
Hinihimas ko ang ulo ng cute na pusa."Hindi naman takot sila mom at dad sa pusa. Lagi kase nilang sinasabi na mag-focus lang ako sa pag-aaral." malungkot kong sambit.
Natigilan siya sa doon tumango na lamang siya at nag-iwas ng tingin.." Don't worry. Someday I'll give you a cat." he said very softly.
"What?." Gulantang kong tanong.
He chuckled. "I promise to you...." he said.
Ngumuso ako at nakatingin sa kanya. "Promise?." I asked.
Kinurot niya ang pisngi ko." Tandaan mo promise ko yan sayo." aniya.
Nag-bulungan ang mga classmate namin ng makita kaming magkasamang pumasok. Yumuko na lang ako at hindi sila tinitignan.
Nang makaupo kami ay bumaling ako kay venice at nakita s'yang nakakunot ang noo kay felix.
Doon ko mas narealize na hindi talaga maganda ang naiingit sa achievement ng iba. Be proud of yourself even if no one is proud of you.. at narealize ko din na mahalaga ang pagiging mabuti sa kapwa.
Inip na inip ako habang naghihintay sa driver namin. Tumawag na ako kanina at nagsabi na matatagalan pa sa pagsundo sa akin dahil hinatid pa si ate elise.
Gustuhin ko man mag taxi ay 'di sapat ang pera ko. Pero kung sasakay ako sa jeep ay kakasya naman siguro mukhang sosobra pa nga ata. Pero kahit kailan hindi pa ako nakasakay ng jeep kaya hindi ako marunong.
"Andrea...." napalingon ako ng marinig ang boses ni felix.
"Fe-felix..." Masisiyahan na sana ako ngunit nakita ko sa likod niya si venice.
Nakahalukipkip at mariing nakatitig sa akin si venice. Kaya nabitin sa ere ang ngiti ko.
"Uuwi ka na?." Tanong ni felix sabay ayos ng salamin.
"Oo hinihintay ko lang ang driver namin." Sagot ko.
Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa mga sasakyan na dumadaan imbis na tignan silang dalawang magkasama.
"Baka matagalan ka pang makauwi. Ihahatid kita—"
"Felix!...." Protesta ni venice sa sasabihin niya.
Napalunok ako at tipid na ngumiti sa kanila.."Uhm maghihintay na lang ako sa driver namin. Mag-ingat kayo sa pag-uwi."
"Ihahatid na kita.." Pagpupumilit ni felix.
"Let's go felix may driver siya." Si venice.
"Venice!.." Saway ni felix.
Hindi ko alam kung saan ako babaling sa kanilang dalawa. Ayoko na mag-away pa sila ng dahil sa akin.
Bumaling si venice sa akin at matalim akong tinignan. "Ano nanamang kalokohan ang binabalak mo?." Mahinahong tanong ni venice ngunit may diin.
"Huh?.."
"Ang sabi ko ano nanaman ang binabalak mong kalokohan kay felix?." May galit na ang tono nya.
"Venice, Stop it." Saway ni felix.
Sumakit ang puso ko at nangilid ang luha ko. Naiintindihan ko naman na ganon ang tingin niya sa akin pero nasasaktan ako.
"Hindi felix alam naman nating dalawa may galit siya sayo diba?!."
"Stop!..." Sigaw ni felix.
Tahimik lang ako at mariing hinawakan ang aking kamay. Pinupunasan ko na agad mga luha ko bago pa ito tumulo.
"Bakit parang wala lang sayo yun huh?." Sigaw pabalik ni venice.
"I don't care about the bad things she did to me!..." he muttered.
Natahimik si venice sa sigaw ni felix. Nag walk out siya. Kaagad akong nilapitan ni felix at nag-alalang nakatingin sa akin.
"Andrea... I'm sorry." he said worriedly.
"She's right.....I'm a bad person." Sabi ko habang umiiyak.
Umiling siya at pinunasan ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko.
"You are not a bad person.." pagtatama niya.
"No I am please..... Don't talk to me again. Hindi ako makakabuti para sa'yo...." Sabi ko at inalis ang kamay niya.
"I don't like what you're saying." Agap niya.
Malambing niyang hinawakan ang kamay ko."Gagawin ko ang gusto ko kahit ayaw mo. Lalapit at kakausapin parin kita hanggang sa sumuko ka na at mapagod kakautos na lumayo ako."
Nang mapansin ko ang sasakyan naming huminto. Binawi ko agad ang kamay ko.
Wala akong sinabi at mabilis na sumakay at iniwan siya mag-isa doon.