Ericka’s Point of View Napagising ako dahil sa pagyugyog sa akin ni Ethan. Napakunot naman ang aking noo dahil sa kaniyang paggising sa akin. “Ethan ang aga-aga pa bakit mo naman ako ginigising,” reklamo ko sa kaniya. Napadilat naman ako ng aking mga mata at nakita ko siya na bihis na bihis. “San punta mo bakit ka nakabihis?” tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin sabay binuhat ako sa aking pagkakahiga. “Diba may pupuntahan tayong dalawa,” nakangiti niyang sabi. Napakunot naman ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. “May pupuntahan tayong dalawa?” tanong ko sa kaniya. “Basta maganda doon mag-ayos ka na lang,” saad niya sa akin. Napakamot naman ako ng aking ulo sabay napatayo sa aking pagkakahiga sa higaan niya. “Ano bang trip mo ngayon Ethan?” tanong ko sa kaniya,

