Ericka’s Point of View Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mga mata. Napatingin ako sa aking orasan upang tignan kung ano ng oras. “Nine am,” saad ko sa aking sarili. Napatingin naman ako sa aking tabi at nakita ko ang mahimbing na tulog ni Ethan. Napangiti ako sa kaniya nung makita ko siya na mahimbing ang tulog. Masaya ako dahil kay Ethan nakatulog ako ng mahimbing kagabi at nakalimutan ang mga bagay na nagpapatakot sa akin. “Baka naman matunaw ako dahil sa mga titig mo sa akin Ericka,” saad niya sa akin. Napangiti ako sa kaniya at nilapitan siya. “Gising ka na pala Ethan,” saad ko sa kaniya. Dahan-dahan niyang idinilat ang kaniyang mga mata at sabay napatingin sa akin. “Good morning,” saad niya sa akin. Sabay napabangon sa kaniyang pagkakahiga. Bigla n

