Chapter 31: Mausoleum

1986 Words

“PARANG kailan lang, kasama pa natin si Madel. Ngayon, maglalabinlimang taon na pala siyang namamahinga.” Mula sa lapida ng kaniyang ina ay nalipat ang tingin ni Maddie kay Daddy Delfin. Naabutan niya itong titig na titig sa malaking larawan ni Mommy Madel na nasa harapan nila. “Napakabilis talagang lumipas ng panahon.” Gumuhit ang matamlay na ngiti sa mga labi ng matandang lalaki. “Halos hindi ko namalayang ganoon katagal na pala siyang wala.” Katabi ni Maddie ang ama sa loob ng museleo ni Mommy Madel nang mga oras na iyon. Nagpresinta itong samahan siya nang mabanggit niya ang planong dumaan saglit sa sementeryo bago gampanan ang mga commitment sa trabaho sa araw na iyon; ang idinahilan nito ay sa parehong lugar lang naman daw sila manggagaling. Bago kasi sila napunta roon ay sinadya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD