“ANO pa ang ikinagugulat mo? Aren’t you the one who told Kelsey about us, dahil nga malapit kayong magkaibigan? Iyon nga rin daw ang dahilan kung bakit niya ako kinausap, eh. Dahil ayaw niyang masira ang relationship natin nang wala tayong kalaban-laban! Because you are her friend and she’s concerned about you!” nanggigigil na sambit ni Lara sa mismong harapan ng mukha ni Adrian. She expected him to start defending himself patungkol sa mga pangyayaring nakuhanan ng video, pero hindi nito iyon ginawa. Sa halip, umatras ito nang ilang hakbang upang magkaroon ng sapat na distansya sa pagitan nilang dalawa at itinaas ang isang kamay nito, as if telling her to stop talking for a while dahil mayroon itong pinag-iisipan. “Teka, teka, sandali… ano’ng sinabi ko? At anong kaibigan?” kunot na kunot

