ADRIAN totally understands kung bakit hindi napigilan ni Belle na pagtakhan at kuwestiyunin siya tungkol sa kakatwang ikinilos. Kilalang-kilala na siya ng assistant, kaya hindi lingid dito na imposibleng mangyaring hindi niya mamalayan kapag nasa kaniyang paligid lang si Maddie. Sa katunayan, malayu-malayo pa nga ang magkasunuran nilang mga sasakyan sa pupuntahang building ay nakilala na niya agad na ang babae ang nakasakay sa kotseng nauuna sa kanila; maging ang pagbaba nito mula roon nang makarating sila sa parking lot ay tahimik niyang nasubaybayan. He just intentionally pretended not to see Maddie, noong mahalata niyang babatiin na siya nito. Nataranta siya, kaya nagpanggap na busy sa cellphone na mabuti na lang at nasa mga kamay niya nang oras na iyon. Ngunit hindi naman talaga iyon

