Chapter 35: Avoidance

1158 Words

TULUYAN na rin namang nawaksi sa isip niya ang tungkol doon nang marating na nila ni Steffi ang studio ng morning talk show ng FLE kung saan may live guesting sila ni Adrian. Kahihinto pa lamang ng kotse nila sa paradahan doon ay nahagip na ng paningin niya ang pagbaba rin ng lalaki mula sa sarili nitong sasakyan, na halos kabuntot lang pala nila. Nahigit ni Maddie ang hininga dulot ng nadamang pagsikdo ng puso sa unang segundo pa lamang na nasilayan niya si Adrian. Biglang tila nagkabara ang kaniyang lalamunan at animo nagsitindigan ang mga balahibo niya sa katawan. Sa kabila ng tensyong hindi mapigilang bumalot sa kaniyang sistema ay binalak pa rin sana niyang ngitian at kawayan ito noong madaraanan na ang kinatatayuan niya, ngunit natigilan siya nang hindi nito pansinin. Nagpipindot it

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD