Chapter 38: Love Language

1994 Words

TINIYAK niyang magiging mataray ang dating ng pagtatanong niya, subalit sa kabila niyon ay parang wala lang na nagkibit-balikat ang kaniyang kaharap. Nginisihan pa siya nito, halatang nagpapa-cute. Napairap na lang siya. “Tinatanong kita, Jordan. Huwag kang magpa-cute d’yan!” “Eh ‘di inamin mo ring cute ako,” humahalakhak na sabi nito, na agad ding dinugtungan nang mapansing babarahin na naman niya ito. “Well, para sagutin ang tanong mo, I’m here to support a friend. Hindi mo ba ako na-spot-an sa audience kanina? Nanood kaya ako ng show.” Hindi na niya pinahaba pa ang usapan at tinanggap na lang ang paliwanag nito, tutal ay wala naman talaga siyang masyadong pakialam kung bakit ito naroroon; sadyang hindi lamang niya inasahang makikita ito kaya iyon ang mga salitang lumabas sa bibig niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD