Kahit shocked sa biglaang pag-aasawa ni Maurin, wala namang masabi si Kristel nang makilala nila ang fiancé ng kaibigan. Vince Hidalgo was a man of something. Or probably everything. Hindi man ganap na kilala, ramdam naman niyang mabuti itong tao. “Take this.” Mabuway na tumayo si Kristel. Siya ang pinakamaraming nainom sa bridal shower na iyon. At nang nasa kainitan na, siya rin ang nagpasimunong ipatawag si Vince na ayon sa binata ay nasa kabilang hotel lang para naman sa stag party nito. Inabutan niya ng alak si Vince. Game na ininom naman iyon ng binata. “How’s the stag party? Pinauwi mo na ba ang babae?” matabil na tanong ni Kristel. “Walang babae. Si Maurin lang ang babae para sa akin.” Vince sounded sincere. Lalo at humigpit pa ang hawak nito sa b

