From This Day Forward - Chapter 3

2484 Words

“Pare! Long time no see, ah?” Kinamayan ni Alex si Vince. Magkaklase sila sa ilang subjects noong college sa University of the Philippines, Los Baños. “Congrats! Naisipan mo na namang magpasakal!”       Ngumiti lang si Vince. Malapit sa kanila ang umpok ng tatlong babae. Lumapit na sila sa mga ito.       “Alex, this is Maurin. Siya ang pakakasalan ko. These are her friends, Annalor and Kristel. Ladies, meet Alexander Abesamis.”       Iniabot ni Alex ang kanyang kamay. Ugali na niya iyon basta pormal siyang ipinakikilala sa babae. Si Kristel ang huli niyang kinamayan.       Nagtagal nang ilang segundo ang handshake nila. Ramdam niya ang init at lambot ng kamay ng babae. Para ngang hindi na niya gustong bitiwan iyon.       Narinig ni Alex na bumati ng “hello” ang isa. Kung si Maurin o s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD