From This Day Forward - Chapter 4

2319 Words

“You didn’t tell me we’re going to your farm,” marahang akusa ni Kristel.       Hindi na sila lumabas ng highway. Ibang gate ang binuksan ng maid para sa kanila at tinunton iyon ni Alex. Dahan-dahan lang ang ginawa nitong pagmamaneho.       One-way lang ang rough road. Hindi pa sila masyadong nakakalapit, tanaw na ni Kristel ang arkong may nakasulat na “Abesamis Farm.”       “Wala naman tayong gagawin sa bahay. Gusto lang kitang ipakilala kay Mommy at ipakita sa `yo ang bahay namin. Nasa States ang mga elder sister ko. Umuuwi lang dito kapag Bagong Taon.”       Nilingon ni Kristel ang dinaanan nila. Puro puno ng niyog ang kanyang nakikita pero tanaw pa rin ang matayog na pagkakatirik ng bahay nina Alex.       “Are you trying to tell me na mula sa highway ang simula ng lupa ninyo?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD