Inulan sila ng pagbati nang matapos ang kasal. Hindi rin nakaligtas si Judge Abesamis sa pagbati ng mga kasamahan. Karamihan doon ay pangangantiyaw. “Kompadre, kaisa-isa mong anak na lalaki si Alexander, ganito kasimple ang kasal? Mahirap yatang paniwalaang tinipid mo ang `yong bunso?” Maagap naman sumabad si Alex para saluhin ang ama. “Biglaan po ito. Baka po kasi bawiin pa ng misis ko ang pagpayag kaya idineretso ko na rito.” Inakbayan ng lalaki si Kristel at hinagkan pa sa pisngi. Nang ngumiti siya, pakiramdam niya ay napakaganda ng buong paligid. “Misis ko.” Inulit niya iyon sa isip. It made her feel so secure. “Ibig sabihin ba niyan, may kasunod pang en grandeng kasalan?” Tumingin sa kanila si Judge Abesamis. Tango ang isinagot ni Alex sa nag

