Naunang nagising si Kristel. Kahit kailan, awtomatikong nagmumulat ang kanyang mga mata pagsapit ng umaga. Pinakatanghali na niyang gising ang alas-otso. Mabigat ang mga brasong nakapulupot sa kanyang baywang. Nakasubsob pa sa leeg niya si Alex. Himbing na himbing pa ito. Marahang kumilos si Kristel. Hinalikan niya sa mga labi ang asawa. Dampi lang iyon at saka maingat siyang bumangon. Her body was still sore from their lovemaking. Malapit na yatang sumikat ang araw nang ipasya nilang matulog. At hindi na siya nagtatakang himbing na himbing pa rin ang asawa. Pinulot ni Kristel ang T-shirt ni Alex na suot niya nang nagdaang gabi. Dahil sigurado siyang silang dalawa lang ang nandoon, hindi na siya nag-abalang magsuot pa ng iba. Lumabas siya ng kuwarto at tinungo a

