From This Day Forward - Chapter 7

2926 Words

“Tigilan mo na `yan,” sabi ni Annalor na bagaman malumanay ay may halong galit.       Dumaan ito sa unit ni Kristel at kagaya ng mga naunang pagkakataon, dinatnan nitong alak ang kanyang kaharap.       “Hindi pa ako lasing.” Hindi niya ininda ang narinig at nagsalin pa sa baso.       Manhid na siguro siya sa alak. Parang tubig na lang iyon kung tanggapin ng kanyang katawan. Nakalahati na niya ang bagong bukas na bote pero wala pa rin siyang nararamdaman.       Naiiling na lumapit si Annalor sa kanya. Mabilis niyang dinala sa bibig ang alak bago pa iyon agawin ng kaibigan. Pero hindi naman iyon ang binigyang-pansin nito.       Ang bote ng alak ang mismong kinuha ni Annalor. Ibinalik ang takip at ibinalik sa wine rack.       Hindi naman tumutol si Kristel. Sigarilyo naman ang kanyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD