Banayad na banayad ang alon ng tubig sa dagat. Dinadala iyon ng mabining hangin sa dalampasigan. Masarap sa pandinig ang tunog ng mga alon. Parang pinapakalma ang pakiramdam niya. Pinuno ni Alex ng hangin ang kanyang dibdib. Iyon ang isa sa nagustuhan niya sa farm. Sariwang-sariwa ang hangin. Hindi siya mag-aalalang mikrobyo ang pumapasok sa katawan kapag humihinga. Pero kahit nang pinakawalan na ni Alex ang hanging ipininuno sa dibdib, hindi pa rin siya nakaramdam ng ginhawa. Naroon pa rin ang malaking kakulangan. Malungkot na tinanaw niya ang dagat. Malalim na ang gabi at tanging huni ng mga ibon ang sumasabay sa tunog ng mga along humahalik sa dalampasigan. Natatakpan ng ulap ang buwan. Iilan lang ang mga bituin sa kalangitan. Emptiness. Iyon ang akmang salit

