PAGKATAPOS ng kanilang pagniniig, pareho na silang nakatingala sa kisame ng kuwarto. Nakaunan si Vince kay maurin at masuyong humahaplos ang mga kamay ng lalaki sa kanyang dibdib. Bagaman may munti pang apoy ang hatid ng mga haplos nito, mas masarap ang pakiramdam na magkayakap lang sila. “You have to admit one thing, Vince,” malambing na sabi ni Maurin. Gustong-gusto na niya iyong sabihin, nag-aalala lang siyang baka makasira iyon sa kanilang magandang mood. Pero nang mga sandaling iyon, pareho na silang relaxed. At naisip niyang iyon na ang tamang pagkakataon. “What is that?” Niyakap siya ni Vince sa baywang. “Kanina, when you kissed me you said something.” Gumaan ang marahang paghaplos nito sa makinis niyang tiyan. Patuloy ang paghaplos ng asawa hanggang sa tumigil na ang mga kamay.

