To Have And To Hold - Chapter 7

2095 Words

Inaasahan na ni Maurin ang ginataang bilo-bilo o kakanin gaya ng sinabi minsan ni Vince. Kaya nagulat pa siya nang maupo sila sa garden set. Crema de fruta ang nakahain. “Si Mama?” tanong ni Vince kay Senia na naghatid sa kanila. “May sinaglit lang po sa greenhouse,” sagot ng kasambahay na ilang sandali pang nakatayo roon at mukhang naghihintay ng ipag-uutos. “Sige na. Okay na kami rito,” taboy ni Vince. “Ayaw sa akin ng mama mo,” sabi ni Maurin nang makaalis na si Senia. Walang pagtatampo sa kanyang tono. Wala ring galit. Parang wala siyang pakialam kung gusto man siya o ayaw ni Señora Maura. Ipinagkibit-balikat lang iyon ni Vince. Parang bale-wala rito kung maging magkasundo man sila o hindi ng mama nito. “Ito na lang merienda ang bigyan natin ng atensiyon,” sabi pa nito at ipinags

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD