To Have And To Hold - Chapter 8

2570 Words

“What do you think?” tanong ni Señora Maura sa anak.  Katulad ng ginang, naghihintay rin si Maurin sa reaksiyon ni Vince pagkatapos nitong isubo ang pocherong baka. Halos siya ang nagluto niyon at naka-assist lang ang señora. Halos lumapot sa dinikdik na mani ang sarsa at hindi niya maintindihan kung bakit kailangang lagyan ng mani. Pero dahil iyon ang gusto ni Vince, ginawa niya. Ginanahan pa si Maurin sa pagdidikdik at muntik nang maubos ang stock. “Lasang-lasa ang mani!” bulalas ni Vince at sumubo ng isa pa. “Masarap ba?” tanong pa ng señora.  Si Vince ang nakaupo sa kabisera at nasa magkabila silang dalawang babae. “Sandali, hindi ko pa masyadong malasahan,” nanlolokong sabi ni Vince. Nilagyan na nito ng kanin ang sariling pinggan. Isa pang subo ang ginawa bago muling kumibo. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD