“I can’t believe it!” bulalas ni Annalor. Bridal shower na ni Maurin nang gabing iyon pero halos hindi pa rin makapaniwala ang kanyang mga kaibigan. After a series of tests, napatunayang hindi siya baog. She was very much healthy and very fertile. Isang buwan lang ang palugit na ibinigay sa kanya ni Vince. At parang napakabilis ng mga araw na nagdaan. Ilang araw na lang ay ikakasal na siya sa lalaki. Pumasok si Kristel mula sa magarang pinto ng suite. Ito ang may ideya na sa hotel gawin ang kanyang bridal shower. Dahil si Kristel ang pinakagalante sa kanila, sagot nito ang bill. “Wala akong regalo. Pasensiya na,” sabi ni Kristel. Nagsindi ito ng sigarilyo at magkasunod na hitit agad ang ginawa. Umungol sila ni Annalor. Kapag hindi nagregalo si Kristel, iisipin nilang impostor ang kah

