CHAPTER 08- Rumors

1153 Words
JOSEF “SAYANG naman kung bakla siya. Ang gwapo pa naman niya…” “Sana naman hindi totoo. Siya pa naman ang ultimate crush ko.” “Pero sino ba namang lalaki ang bibili nglipstick, `di ba?” “So, totoo nga ang tsismis? Josef is gay?” Iyon agad ang narinig kong usapan ng apat na babae na nagkukumpulan pagkapasok ko ng room. Hindi nila napansin na dumating ako dahil sa abala sila sa pagkukwentuhan. Monday pa lang pero parang gusto ko na agad umuwi. So, naikalat na agad ng mga classmate ko na nakakita sa akin sa mall ang pagbili ko ng lipistick. Sinasabi ko na nga ba na ganito ang mangyayari, e. Sinadya kong maging matunog ang pag-upo ko sa seat ko para mapansin ng mga lecheng tsismosa na narito na ang pinagtsi-tsismisan nila. Agad naman silang naghiwa-hiwalay nang makita na ako. Kalat na nga siguro ang tsisimis na iyon dahil hindi na ako sinalubong ng mga babae. Wala na ring gift sa aking seat. Ito iyong gusto ko pero nakakabahala na ang reason kung bakit wala nang ganoon ay dahil sa naghihinala na silang bakla ako. Dapat na talaga akong maging maingat sa kilos ko. Pero kasalanan talaga ito no’ng saleslady na iyon. Kung hindi siya masyadong makuda, hindi ako mabubuko, e! Gusto ko tuloy siyang balikan at sabunutan nan bongga! “Kaya pala… Napapansin ko na parang malambot siyang kumilos.” “Ako rin. Kaya lang hindi ko na ginawang big deal dahil crush ko siya…” Ipinaling ko ang ulo ko palayo sa mga tsimosa sa likuran ko at itinirik ang aking mga mata. Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko. Maaga pa naman pala. Makaalis nga muna dahil naiimbyerna ako sa mga tsismosa kong classmates! Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng classroom. Sa paglalakad ko sa hallway ay nakasalubong ko sina Justeen at Mocha. “Hello, Jo--” “Shut up!” Pambabara ko sa pagbati ni Justeen. “Sa’n punta mo?” Pangungulit pa niya. “None of your business!” Nagdire-diretso ako sa paglalakad at mas binilisan ko pa. Lumiko ako sa pinakadulo ng hallway at umakyat sa second floor ng school building. Umakyat ako hanggang sa sixth floor at dumiretso sa roof top. May tatlong estudyanteng lalaki akong nakita doon ngunit hindi ko na lang sila pinansin. Hindi ko naman sila kilala. Umupo lang ako sa isang sulok at kinuha ang phone ko. Dito ko palilipasin ang oras ko hanggang sa mag-start na ang first class ko. Nakakairita kasi na ako ang center of tsismisan sa room. Napaka-insensitive naman nila. Kahit alam nila na naroon na ako ay go pa rin sila. Imbyerna talaga ako! Pero ito na talaga iyong kinatatakutan ko, e. Ang maghinala ang mga kaklase ko sa tunay kong pagkatao. Siyempre, tuloy-tuloy na iyan at baka talagang mabuking na ako. Hindi imposibleng makaabot iyon kay Daddy Amir. Baka itakwil pa niya ako kapag nalaman niyang bakla ako. Nakakaiyak naman kapag nangyari iyon. Huhu! Makikinig na nga lang ako ng music… Ilalagay ko na sana sa tenga ko ang earphone nang may marinig akong footsteps na papalapit sa akin. Pag-angat ko ng mukha ko ay nakita ko ang tatlong lalaki na nakatayo sa harapan ko. Diyos ko! Nakakatakot ang mga hitsurahin nila sa malapitan. Para silang mga batang-hamog. Mga payat ngunit mukhang malalakas at hindi gagawa ng maganda. Iyong isa, kahawigan pa ni Marlou ng Hasht5! Red din ang hair. In short, ang papangit nilang tatlo. Tumayo ako. “May kailangan ba kayo?” tanong ko. “Ikaw iyong palaging pinagkakaguluhan na transfer, `di ba?” Mayabang na tanong no’ng kamukha ni Marlou. “A-ako nga. Bakit?” “Alam mo bang matagal ka na naming gustong bugbugin dahil inagawan mo kami ng mga girls dito sa school! Tapos malalaman pa namin na bakla ka pala!” “Malaking sampal sa kagwapuhan at p*********i namin na isang bakla lang pala ang tatalo sa amin dito sa Benedictine pagdating sa lakas ng appeal!” Ha? Ano daw? Naka-drugs ba ang tatlong ito? `Asan ang sinasabi nilang appeal? Nagpapatawa naman yata sila kasi wala akong makita. “Alam niyo mga boss, wala akong alam sa mga sinasabi niyo. Isa pa, hindi ako bakla. Lalaki ako. Lalaking-lalaki!” sabi ko. “Sige na, babalik na ako sa room namin.” Paalis na sana ako ngunit hinarangan nila akong tatlo. “Hindi ka pa pwedeng umalis hangga’t hindi namin nababasag iyang mukha mo!” Nang makita ko na umangat iyong kamay ni red Hair ay yumuko agad ako. Alam ko kasi na susuntukin niya ako. Hindi ako tinamaan ng suntok. Payuko akong naglakad upang takasan sila. Actually, may knowledge ako sa self-defense. Ano na lang at naging pulis ang tatay ko, `di ba? Pero ayokong gamitin iyon sa mga ugok na ito dahil alam kong kapag lumaban ako ay pwede akong ma-office. Nalampasan ko na ang tatlong lalaki at tumakbo na ako papunta sa pinto pababa ng roof top. Pero bigla akong nahablot ng isa sa kanila sa kwelyo ng aking polo sa likod. Sa lakas ng pagkakahablot niya ay nagtanggalan ang mga butones niyon. Tuluyan ko nang hinubad ang polo ko kaya naman ang sando ko na lang ang naging pang-itaas ko. Nakawala na naman ako at muling tumakbo pero naharang ako ng dalawa pa. “Pwede ba? Paalisin niyo na ako!” Galit na sabi ko. “Bakla ka nga yata kasi takot ka!” “Hindi ako takot sa inyo. Ayoko lang patulan itong kababawan niyong tatlo. Kung sa tingin niyo ay inaagawan ko kayo ng mga babae dito, nagkakamali kayo--” BLAGH! Hindi ko na naituloy ang mga sasabihin ko dahil sinuntok ako ni Red Hair sa mukha. Muntik pa akong matumba mabuti na lang at nabawi ko ang balance ko. Masakit, ha! Nasaan na ba ang bato ni Darna para makita ng mga ugok na ito ang hinahanap nila? “Ang dami mong sinasabi! Bakla ka nga! Boys! Hawakan niyo ang baklang iyan at buburahin ko ang mukha niyan sa suntok!” Mabilis na kumilos iyong dalawa sa utos ni Red Hair. Magkabilang kamay ko ang hinawakan nila para hindi na ako makakilos. Nagpumiglas ako pero hindi ko magawang makawala. Kahit payat sila ay ang lakas-lakas nila. “Ano ba?! Pakawalan niyo ako! Yari kayo sa teachers kapag binugbog niyo ako!” “Bakit? Magsusumbong ka? Bakla!” “Hindi ako bakla!” “Ah, basta! Bakla ka!” anito. “Boys, hawakan niyong mabuti ang baklang iyan at ipapatikim ko na sa kanya ang lupit ng mga suntok ko!” Pinatunog muna ni Red Hair ang kamao niya. Nag-streching pa ito at pagkatapos ay lumapit sa akin. Nang makita kong susuntukin na niya ako sa mukha ay napapikit na lang ako. Diyos ko! Katapusan na yata ng maganda kong mukha. Lord, help naman, please!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD