CHAPTER 09- Sailormoon

1053 Words
JUSTEEN “KUYA, isa pa ngang kwek-kwek! Bayad po.” Tumusok ulit ako ng kwek-kwek at isinubo iyon ng buong-buo sabay inom ng samalamig. Grabe talaga ang gutom ko this morning. Nawalan kasi ng gas iyong LPG naman kaya hindi nakapagluto si Mama Jolina ng breakfast. Ang ending, dito ako kay kuya na nagtitinda ng fishball, kikiam at kwek-kwek ako bumagsak. Pero keri lang naman. Ngayon lang naman ito. “Bes, pwede tama na iyan? Patay-gutom na ang peg mo. Saka male-late na kaya tayo.” ani Mocha sa akin. “OA naman, bes. Late agad? May thirty-minutes pa tayo. Saka alam mo naman na wala akong breakfast. Relax ka lang diyan. Uubusin ko lang `to tapos papasok na tayo,” tukoy ko sa hawak kong samalamig. Minadali ko na ang pag-ubos sa samalamig ko at pumasok na kami ni Mocha sa loob ng school Naglalakad na kami sa hallway nang mapatigil ako sa paglalakad at napahawak sa aking puso. Oh my, God! Si Josef… Makakasalubong namin siya. Ang agang good vibes naman nito dahil siya agad ang una kong makikita sa lahat ng classmates ko. Kilig naman this! Yes, kinikilig ako. Ano naman? Crush ko lang din naman siya katulad ng iba kong classmates na girl at pa-girl. At isa lang akong normal na teenager kaya nararamdaman ko ito. Teka nga. Masyado naman yata akong defensive sa sarili ko? Nang magkasalubong na kami ay babatiin ko sana siya pero binara na naman niya ako. The usual. I understand naman him dahil sa mga nagawa ko sa kanya. Mukhang mahihirapan talaga ako nito na paamuin siya. “Barado ka na naman, bes! Kawawa ka naman!” Biro sa akin ni Mocha habang sinusundan namin ng tingin ang papalayong si Josef. “`Wag ka ngang ano diyan, bes! Sooner or later aamo din sa akin `yan. Teka, saan kaya pupunta si Josef? Sundan natin, bes.” “Bes, male-late na tayo. Malapit na ang first class natin.” “Sige na, bes! Ito naman, masyadong ulirang mag-aaral. Susundan lang naman natin. Stalker mode lang. Ganern!” “Oo na. Pero saglit lang, ha!” At ganoon na nga nag ginawa namin. Sinundan namin si Josef. Malayo nga lang kami sa kanya dahil baka mapansin niya na may sumusunod sa kanya. Hanggang sa umakyat siya sa roof top ng school building. Ano kayang gagawin niya doon? “Bes, I think dapat na tayong bumalik sa room. Five minutes na lang at male-late na tayo!” Pinigilan ako ni Mocha sa pagpunta sa roof top. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila. “`Andito na tayo, oh! Titingnan ko lang naman kung anong gagawin dito ni Josef. Saka sasabihin ko na rin sa kanya na bumalik na siya sa room dahil mag-uumpisa na ang klase.” “Hmm! Sige. Para naman ma-good shot ka kasy Josef.” “Oh, `di ba? Ang bright ko!” Nag-apir pa kaming dalawa. Bubuksan na sana namin iyong door papasok sa rooftop nang may marinig kaming nagsisigawan. “Ano ba?! Pakawalan niyo ako! Yari kayo sa teachers kapag binugbog niyo ako!” “Bakit? Magsusumbong ka? Bakla!” “Hindi ako bakla!” Pagsilip ko ay nakita ko si Josef at mukhang bubugbugin siya nina Demo, Paloy at Yaki. Sila ang tatlong bully dito sa Benedictine na feeling gwapo. OMG! Susuntukin na ni Demo si Josef sa mukha. Kaya naman mabilis akong kumilos. Hinila ko si Mocha papasok ng roof top. “Demo! Demonyo ka talaga!” Hindi naituloy ni Demo ang pagsuntok nito kay Josef. “Justeen?!” “Ako nga, Demo! Bitiwan niyo si Josef kung ayaw niyong masaktan!” “Tama si, bes! Kung ayaw niyong masaktan ay bitiwan niyo si Josef!” Second the motion naman itong si bes. “Pati ba naman ikaw ay naloko ng baklang ito?!” sigaw ni Demo. “Anong bakla pinagsasabi mo?” “Itong si Josef! Bakla! Kalat na ang tsismis na bakla itong tarantadong ito!” “Hindi naman kaya ikaw ang bakla dahil ang hilig mo sa tsismis, Demo?” sabi ko. “Bitiwan niyo na siya kung hindi ay paparusahan ko kayo!” “Sa ngalan ng buwan!” dugtong ni Mocha. At nag-formation kaming dalawa. Umikot kami ng limang beses tapos pose na pang-warrior. “Ako si Sailormoon!” sabi ko. “At ako naman si Sailor Venus!” Very in character naman si bes. “Attack!!!” sigaw naming dalawa. Sinugod namin si Demo. Sinabunutan ko ang nakakagigil niyang red hair at pinagsasampal. Si Mocha naman ang humarap kina Paloy at Yaki. Tinakot niya ang dalawa na hahalikan niya ang mga ito. Sa takot ng dalawa na totohanin ni Mocha ang sinabi nito ay binitawan nito si Josef at nagtatakbo paalis. Nang bitawan ko si Demo ay sumunod na rin siya sa pag-alis sa dalawa nitong kasama. “Okay ka lang ba?” Nag-aalala kong tanong kay Josef. “Okay lang. Salamat…” aniya. “Kung gusto mo, pwede nating isumbong ang mga iyon sa principal para hindi na ito maulit.” “`Wag na muna.” “Sige, aalis na kami--” “Ah, Justeen. Wait!” Tatalikod na sana ako pero napaharap ulit ako sa kanya. “Ano iyon?” “I am so sorry kung naging rude ako sa iyo. It’s just… hindi tayo nagkaroon ng chance na magkakilala ng maayos.” Umayos ng tayo si Josef sabay lahad ng kamay niya. “Thank you for saving my life at napatunayan kong mabuti ka nga talaga. My name is Ramil Josef Fruelda but just call me ‘Josef’.” Shemay! This is… it! Naka-smile na inabot ko ang kamay niya. “Okay lang. Ako naman si Justeen Papio. At to be honest, hindi ko sinadya lahat ng ginawa ko sa’yo. Lahat ng iyon ay aksidente lang.” “It’s okay. Sorry ulit…” “Ehem! Baka naman pwede niyo akong isali sa usapan, `no?” Doon ko lang na-realize na hindi lang pala kami ni Josef ang naroon. “Ah, ito nga pala ang bes ko. Si Mocha!” “Nice to meet you, Justeen and Mocha,” ani Josef. Yes! Ito na talaga ang hinihintay ko. Humanda ka na, Lucky. Makakaganti na rin ako sa iyo. Bwahaha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD