JUSTEEN
AND from that day nga ay naging magkaibigan na kami ni Josef. Two days na ang nakakalipas simula nang iligtas ko siya kina Demo. Speaking of that demon Demo. Ngayon ko lang napansin na parang siya iyong zombie na nakita namin noon ni Mocha. Red din kasi ang buhok ni Demo, e. Hindi nga lang ako hundred percent sure kung siya nga talaga iyong zombie dahil madilim noong makita namin iyon. Pero kung si Demo man iyon bakit okay na ulit siya?
Hmm… Tama na nga ang about sa Demo na iyon. Hindi naman siya importante because si Josef ang importante.
Hindi na rin lingid sa akin ang kumakalat na tsismis na bakla si Josef and I don’t believe that rumor. I am so sure na inggit lang kay Josef ang nagpakalat ng kwentong iyon. Paano naman magiging bakla ang isang gwapong katulad niya, `di ba? Isa pa, hindi siya pwedeng maging beki dahil siya ang gagamitin ko para makapag-revenge kay Lucky! At ang Lucky na iyon, patuloy pa rin akong nabubwisit sa kanya at pati na rin kay Liya. Sinasadya talaga ng dalawa na magpaka-sweet kapag alam nila na nakikita ko sila.
Yes. Bitter pa rin ako kaya nga gusto kong gumanti, e!
Pero balik tayo kay Josef. Ayiiiee!
Hayun nga, friends na kami. As in! Nakausad na ako sa first step sa plan ko. Sa loob ng two days na iyon ay palagi namin siyang kasama ni Mocha. Mas nakikilala na rin namin siya unlike before na pa-mysterious effect talaga siya. Seryosong tao nga siya talaga kaya lalaking-lalaki ang tingin ko sa kanya. Minsan nagbibiro pero hindi katulad namin ni Mocha na severe at intense kung magtawanan at magbiruan.
Katulad na lang ng hapon na iyon. Uwian na at nabili kami ni Mocha ng banana cue. Ganito talaga kami bago umuwi--food trip. Hinihintay na rin namin dito si Josef dahil kasabay na rin namin siya palagi sa pag-uwi simula nang maging friendship namin siya.
“Ate `yong madaming asukal, ha! Para naman tumamis ang pagtingin sa akin ni crush!” Kinikilig kong sabi sa tindera ng banana cue na si Ate Chona. Suki na niya kami kaya kilala na niya kaming dalawa ni Mocha.
“`Ba! Kumekerengkeng ka na ngayon, Justeen.”
“Naku, Ate Chona! Kerengkeng naman iyan since birth!” singit ni Mocha.
“Hiyang-hiya naman ako sa pagiging mahinhin mo, bes!”
Maya maya ay dumating iyong isa naming classmate na babae para bumili din ng banana cue.
“Hoy, Justeen! Hindi ka ba nahihiyang makipaglapit kay Josef?” anito. Medyo intregera talaga ang isang ito.
“Why naman?”
“`Di ba, he’s a manloloko. Nagpanggap siyang lalaki per ang totoo ay beki naman siya. Mataas pa naman ang tingin ng students sa’yo sa school tapos nakikipag-friends ka sa isang mapagpanggap!”
“Hoy, Margarita! Kung ayaw mong saksakin ko ng stick iyang dila mo tigilan mo si Josef! Hindi siya bakla at hindi siya nagpapanggap! Umalis ka na nga dito at baka makarate kita sa leeg!” gigil na sabi ko.
“Highblood naman agad? Bibili pa ako!” Nakasimangot nitong kinuha ang banana cue at nagbayad sabay alis.
“Bes, amasona lang ang peg? Tapang naman para maipagtanggol lang si Josef?” sabi ni Mocha.
“Friend na natin si Josef kaya kailangan natin siyang ipagtanggol, `no?”
“Tara na?”
Nagulat kami ni Mocha nang biglang dumating si Josef. Inubos lang namin iyong banana cue tapos ay naglakad na rin kami pauwi. Gaya ng dati ay kwentuhan kami to the max. After na makarating ni Mocha sa bahay nila ay kaming dalawa na lang ni Josef ang magkasama.
“Thank you nga pala sa pagtatanggol, Justeen…”
Gulat na napatingin ako sa kanya. “Don’t tell me…”
“Yes. Nakita at narinig ko ang ginawa mong pagtatanggol sa akin doon kay Margarita at happy ako na hindi ka naniniwala sa tsismis na bakla ako.”
“Hindi naman talaga. Saka, normal lang na ipagtanggol kita kasi friend kita. Ano ka ba? Wala iyon, `no!”
Deep inside ay umaasa ako na sana ay naging way iyon para magustuhan niya ako. Hihi!
Naihatid na niya ako sa bahay. Sa aming tatl, si Josef ang may pinaka malayong bahay. Nakita pa nga siya ni Mama Jolina kaya naman naipakilala ko sila sa isa’t isa.
“Siya ba iyong pinag-bake mo ng cookies, Justeen?” Nanunudyo ang tingin sa akin ni Mama Jolina nang makaalis na si Josef.
“Siya nga po. Why?”
“Siya na ba ang next?”
“Well… Let’s see po!”
“Pero… I smell something fishy kay Josef…”
“Ha? Ano naman po `yon? Ang bango niya kaya!”
“Ewan. Basta. Anyway, nevermind that. Pumasok ka na at magpalit ng damit. Lalabas lang ako para bumili ng bigas.”
THE next day ay nagulantang ang buong Benedictine Academy dahil sa sinapian daw ng demonyo si Demo. Nagwawala daw ito at naglalaway na parang asong nauulol. Naglabasan nga lahat ng kaklase nito sa room at ito na lang ang natira. Walang nagawa kahit ang adviser nito kundi ang i-lock si Demo sa room dahil talagang nagwawala ito at very violent. So, may chance nga talaga na siya iyong nakita namin ni Mocha noong isang gabi na parang zombie. At dahil medyo tsismosa ako ay pumunta kami ni Mocha doon para silipin si Demo.
Totoo nga. Parang siraulong zombie si Demo. Nagwawala siya at gustong makalabas. Hinahagis niya lahat ng mahawakan. Namumula ang mata niya kaya naman scary niyang tingnan!
“Tumawag na ba kayo ng pulis?” Biglang dumating si Principal Prieto.
“Yes, Sir! Parating na po sila!” sabi ng isang teacher.
Maya maya ay isa pang estudyanteng lalaki ang lumapit sa lalaking principal. “Principal! May isa pa pong estudyante ang nagwawala sa Grade 10! Sa section three po!”
Doon naman nagtakbuhan ang mga estudyante.
“Naku! Ano na ba ang nangyayari sa school natin, bes?” Nag-aalala kong sabi.
“Oo nga, bes! Lipat na tayo ng school! Natatakot na rin ako! Paano kung isa sa atin ang maging katulad ni Demo. Bes, hindi ko kakayanin! Hindi ko talaga kaya--”
Bigla ko siyang binatukan. “Lipat agad? OA na, bes! Tama na! Hindi na healthy! Pero seriously, dapat aksyunan na ito ng principal natin. Baka lumaganap ito na parang zombie virus!” sabi ko pa.